28 - NO

71 2 0
                                    

Tanne Niah's POV

Nakatuon lang ang dalawang braso ko dito sa balkonahe habang nakatingin sa kawalan. Nagmumuni-muni. Dinadama ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko. Malamig pero hindi ko na inabala pang yakapin ang sarili ko. Ako lang mag-isa ngayon dito sa condo unit ko.

Sanay naman akong mag-isa pero nakakainis lang dahil ito ang nararamdaman ko. Sanay akong mag-isa lang na nakatira dito. Sa totoo lang ay mas gusto kong mag-isa noon pero napagtanto kong hindi pala sa lahat ng oras ay kaya mong mag-isa.

'Iyon nga lang. Kung sa kailan kailangan mo ng masasandalan, doon pa siya wala...'

Hays. I miss Evie so much. Hindi man lang niya ako sinasagot. However, I understand her. She's the one who cheers me up as always. It's my time to understand her now.

"Kaloka! Parang kailan lang, chill chill pa tayo tapos ngayon, last semester na!"

"Eh? Ikaw lang yata 'yong pachill chill diyan eh? Ang hirap kaya ng mga experience ko."

"Hmp! Sana bumilis na 'yong takbo ng days."

'Yan ang mga narinig ko sa mga estudyanteng nag-uusap nang makasalubong ko sila at malagpasan. Yes, last semester na ng taong ito sa pag-aaral namin bilang kolehiyo. They saw me but they didn't pay attention to me anymore. Konti akong napangiti at nagpatuloy sa paglalakad. Sa mga araw na lumilipas, nawawala na rin ang mga masasamang sinasabi nila sa'kin and I'm thankful.

"Tanya!"

Napalingon na lang ako kay Lewis na siyang tumawag sakin. Konti akong ngumiti pero agad din na napasimangot nang makita si Adam na kasama niya. Pasipol-sipol pa. Psh! Hindi ko makakalimutan ang sinabi niyang 'yon sa'kin.

"Tara na sa next class natin." Lewis said nang makalapit sa'kin.

Pilit na lang akong ngumiti. "Okay." I replied.

Gusto ko pa sanang itanong kung nasaan si Caspian pero naiinis na ako sa presensya ni Adam.

"You look better now. Looks like you're slowly accepting the fact that I told you." he suddenly said.

Dahil doon ay masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya. "I'm not. I'm just focusing on my study and waiting for him to talk to me, Adam. Ang sinabi mo sa'kin ay walang katotohanan kaya itahimik mo na lang 'yang bibig mo." madiin kong sabi sa kaniya bago sila nilampasan parehas ni Lewis.

Sabi na nga ba, eh. Narinig ko pa ang pagtawa niya at hindi ko maintindihan kung bakit si Lewis ay narinig ko rin na tumawa. Tsk! Ano bang trip nila?

Pumasok na ako sa next class ko kung saan magkaklase kami ni Lewis pero natigilan na lang ako nang makita si Caspian. Napalunok pa ako. Oo nga pala, magkaklase din kami sa subject na ito. Pero dahil hindi niya ako pinapansin o tinatapunan man lang ng tingin ay napabuntong hininga na lang ako at naglakad patungo sa designated seat ko. Nasa likod ko siya at tumabi naman sa'kin si Lewis.

"Did you finish your homework, Tanya?" Lewis asked.

Tumango ako. "Hindi lahat. May isang subject pa akong hindi pa tapos." sabi ko.

"I can help you if you want. Later, in the field." sabi niya.

Umiling ako. "Konti na lang naman 'yon kaya huwag na. Tsaka.. lagi ka na lang nandyan para sa'kin. You care too much. Tama na." sabi ko at konting natawa. "Iba na 'yong naiisip ko eh." biro ko pa.

Natawa naman siya dahil doon at medyo lumapit sa'kin. "Yeah, I really care for you. I want to see you smiling. 'Yong totoo. Kahit konti. I don't wanna see you cry. I can take care of you, Tanya, if you want me to take care of you. I promise, hindi ka iiyak sa'kin." seryoso niyang sabi sa'kin.

Revengeful Love (Love Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon