Tanne Niah's POV
I was just walking here in the street thinking about what happened in the infirmary. I let out a loud breathe. Nakakainis lang. Pauwi na ako ngayon. Hindi ko akalain na matapos 'yon ay iiwan ako ni Caspian. Kaya ito, naglalakad ako. Nasanay kasi ako na hatid sundo na niya ako kaya hindi ko na dinadala ang sasakyan ko. May mga public vehicle naman na nadaan pero hindi ako nasakay. Hindi ako marunong sumakay sa gano'ng sasakyan sa totoo lang. Lumaki kasi akong dati ay hatid pa ako ng driver ng magulang ko..
Napahinga na lang ulit ako ng malalim. What now? Tsk!
"Hey!"
Muntik na akong mapaigtad nang may nagpatong ng kamay sa balikat ko kaya agad ko itong nilingon. Bahagya pang nanlaki ang mata ko nang makita ang nakangiting si Lewis bago alisin ang kamay niya.
"L-Lewis, ginulat mo ako." sabi ko.
Natawa naman siya. "I'm sorry. I was just walking then I saw you. Nasaan si Caspian?" tanong niya.
Saglit naman akong natigilan. "He.. left me?" patanong kong sagot.
Agad naman na naging seryoso ang mukha niya. "What? How could he do that to you?! Tsk!" halatang galit niyang sabi.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Lewis. Natiim ko na lang ang labi ko.
"I was just a bit curious. Nagalit siya sa'kin." sabi ko na lang.
"Saan? At bakit nagalit siya?" tanong niya.
Pinagkrus ko na lang ang braso ko at nilingon siya habang naglalakad kami. "Sa tuwing tinatawag ko kasi siyang Ian, nagagalit siya. Kahit noon pa man, diba? Bakit ba gano'n? I found it cute naman. Kaya kinuha ko 'yon sa pangalan niyang Caspian. Para bang ang laki ng galit niya sa pangalang 'yon. Tsk." sabi ko.
What's wrong with the name Ian? Nakakaasar na ewan. Binalik ko ang tingin sa daan at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.
"There's a reason behind, Tanya." sabi niya.
Natigilan naman ako at napalingon ulit sa kaniya. "R-Really?" tanong ko.
Dahan-dahan siyang tumango at tinignan ako. "Do you want to know?" he asked.
Hindi ako agad sumagot. Napaisip ako. Karapatan ko bang malaman? I suddenly remember what he said. Wala akong karapatan malaman. Sabi nga niya, I'm just a girlfriend. Not a real girlfriend. Teka, bakit ba masyado naman akong naaapektuhan? Pero curious ako eh. Mapait na lang akong ngumiti kasi wala nga daw..
"Do I have rights to know? It's his personal life.." sabi ko.
"But I can tell you if you want." agad na sagot niya.
Natigilan ulit ako. "Will you?" nabibigla kong tanong.
"I'll tell you." sabi niya at binalik ang tingin sa daan. "Nagsimula ito sa ex niya." sabi niya.
Sa pangatlong pagkakataon ay natigilan na naman ako. Naguluhan akong tumingin kay Lewis. Teka nga, sinong ex naman? Ang dami din kasi..
Caspian's POV
"Ian, do you love me?" she asked.
Nakaupo lang kami dito sa field sa damuhan habang nakasandal siya sa balikat ko at tinanong niya sa'kin 'yon. Wirdo ko siyang tinignan. What's with that question? Tinatanong pa ba 'yan?
"Hindi ba halata?" tanong ko din.
Tumawa naman siya nang mahina. "I just want to know kung mahal mo ako at gaano mo ako kamahal.." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
RomanceCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...