Tanne Niah's POV
Unti-unti kong minulat ang mata ko. Ang unang nakita ko agad ay ang puting kisame ng kwartong ito. Pinikit ko muli ang mata ko at nagpasyang bumangon. Nilibot ko ang paningin ko at saka ko lang napagtanto na nandito na ako sa kwarto ko. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi..
'Damn... We did it..'
Tinignan ko kung may suot ako. Nakahinga naman ako nang maluwag nang mayroon nga. Siya kaya ang nagbihis sa'kin? Pero teka, nasaan siya?
Ewan ko ba pero iba ang naiisip ko. Dati no'ng may nangyari sa'min, matapos iyon ay doon na niya sinabi sa'kin ang totoo niyang pakay. Ngayong may nangyari ulit sa'min, hindi ko maiwasan na magdoubt. Did he leave me?
'Sana hindi na this time..'
Napabuntong hininga na lang ako at nagpasya na lumabas ng kwarto ko. Agad akong dumeretso sa kusina at natigilan na lang nang makita siya doon na nagluluto. Para na lamang akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Unti-unti ko na ulit nararamdaman ang tibok ng puso ko.
"C-Caspian.." nabibigla kong sabi.
Doon niya ako nilingon at kapagkuwan ay ngumiti. "Good morning, Honey. How was your sleep?" he asked.
Napalunok na lang ako. "I t-thought you l-left after what happened." I said instead of answering his question.
Pinatay niya ang gas stove. "Sakto katatapos ko lang magluto." sabi niya at lumapit sa'kin. "I'm not gonna leave you this time, Honey. Trust me.." he said and kissed my forehead.
Hindi ko naiwasan ang pagkabigla ko. Habang lumilipas ang araw, pa-nice siya ng pa-nice sa'kin. Tinalikuran na niya muli ako at hinanda na ang pagkain na niluto niya. Nananatili naman akong naeestatwa sa kinatatayuan kong ito. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Hey, come here." he said nang matapos siya sa paghahanda.
Napalunok na lang ulit ako at lumapit sa kaniya. Akmang uupo na ako nang ipaghila pa niya ako. Hindi ko alam pero naiilang ako sa sitwasyon naming ito. He's being soft...
Siya na mismo pati ang naglagay ng pagkain sa'kin. I just watch him doing that and my heart couldn't stop from pounding. Para tuloy akong kinakapos ng paghinga.
'This is the kind of Caspian I've loved before.. the sweet one.'
Napabuntong hininga na lang ako at pinilit na huwag mailang dahil sa nangyari kagabi. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Aysh..
"Taste it. I hope you like it." sabi niya habang nakangiti.
Ngumiti din naman ako at hindi umimik. Kumuha lang ako ng ulam na niluto niya at nilagay 'yon sa pinggan ko. Siya naman ay nananatiling nakatingin sa'kin kaya hindi ko maiwasan na mailang. Hindi ko tuloy masubo ang pagkain.
'Damn it, Caspian. So much affection towards you!'
"C-Caspian.. n-nakakailang ang titig mo. Hindi ako m-makasubo.." medyo nauutal kong sabi sa kaniya.
"Huh? Ng ano?" inosente niyang tanong
Naging clueless naman ako dahil doon. "Anong ano?" tanong ko.
"Ano ang hindi mo masubo?" tanong niya.
Wirdo ko siyang tinignan at pinakita ang kutsara kong may pagkain. "Ito oh. Nakakailang kasi yang titig mo.." sabi ko.
Ilang segundo niya akong tinignan at marahas na lang ang pinakawalan niyang paghinga. Kapagkuwan ay natawa na lang siya.
"Aysh. Utak ko eh.." mahinang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
RomanceCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...