Tanne Niah's POV
"T-Thank you, Lewis.." sabi ko sa kaniya nang iabot niya sa'kin ang isang bottle ng tubig.
Hinawakan ko lang 'yon at binaba. Wala akong ganang uminom. I think I prefer hard drinks than water. Mapait na lang akong napangiti at tumingin sa kawalan. Walang nagsasalita sa'min ni Lewis. Nandito lang kami sa field. After what happened earlier, dito niya ako dinala. Tahimik dito. At dahil tahimik, nananariwa sa isipan ko ang sinabi sa'kin ni Caspian kanina. Masyadong masakit.
Humakbang ako ng isa palapit sa kaniya at umiling-iling. "C-Caspian, huwag naman ganito. Pakinggan mo naman muna ako. Mahal kita eh. Mahal mo rin naman ako, 'di ba? Please.. huwag ka ng magalit sa'kin..." pakikiusap ko sa kaniya.
Tiim bagang niyang binalik ang tingin sa'kin. "Mahal nga kita, Tanya. At masakit na mahal kita. Malinaw na naging tayo para saktan lang natin ang isa't isa. Kaya.. tapos na tayo." sabi niya.
Pinunasan ko na lang ang mga luha kong nagsibagsakan matapos maalala 'yon. Galit lang siya. Alam kong mahal niya ako. Hindi naging kami para saktan lang namin ang isa't isa. Naging kami kasi mahal namin ang isa't isa. Pero sa masasakit na pagkakataon lang kami nagsimula. Iyon 'yon.
Malalim na lang ang pinakawalan kong paghinga at nagpasyang magsalita. "I-I was hurt after knowing that Caspian just played me before." panimula ko. "D-Dahil doon, sobrang sakit ng naramdaman ko. Mahal ko siya at akala ko ay mahal niya din ako. Pero sa huli sinaktan niya ako. Kaya nabuo sa isipan ko na gantihan siya kasi bukod sa nasaktan ako, nagalit ako..." sabi ko at mapait na ngumiti.
It's like a competition to me before. Hindi pwedeng matalo ako. Kung nakita niyang umiyak ako at kung sa tingin niya ay nagtagumpay siya, nagkakamali siya. Dahil gaganti ako. Hindi ako papatalo. 'Yon lang yung nasa isip ko noon dahil punong-puno ako ng galit ko.
"H-Halos patayin ko na siya sa isipan ko. Kung pwede nga lang patayin ko na lang talaga siya..." I suddenly remember my training room kaya mapakla na lang akong natawa. "I came back here in X.U. with my plan. And that's to play his heart also. To break his heart. I wanted to see him cry and beg. I wanted to see that." sabi ko kay Lewis.
Hindi siya umimik at alam kong nakikinig lang sa'kin. Kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"I know deep inside, my heart is still loving him... But I've always denied it. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na.. hindi. Hindi ko na siya mahal. Hindi ko na siya mamahalin pa. Galit ako sa kaniya kaya gusto kong maramdaman din niya ang naramdaman ko noong dinurog niya ako. Kaya tinuloy ko lang ang ginawa ko..." sabi ko at pinunasan ang luha ko. "Hanggang sa lumilipas ang mga araw, ang dami kong nadidiskubre. At ang mga nadidiskubre ko ay hindi ko maitugma sa dapat na gagawin ko..." sabi ko.
The kiss. The feeling with him. The moments. Everything that had happened between us. Ang sinabi niya. Ano pa ba? Tsk.
Napatungo na lang ako. "I always seduce him with my beauty but I don't know why I always ended up being seduced by him. Ako ang may laro pero sa totoo lang.. ako 'yong nahuhulog sa sarili kong laro. Palagi ko pa 'yong tinatanggi sa sarili ko.." sabi ko. "Until I found out what happened to him kung bakit siya naging gano'n.." sabi ko pa.
"That's when I told you that his first love broke his heart which is Evie." malamig na sabi niya.
Kagat labing napatango na lang ako. "Yeah. Biglang naintindihan ko siya. Nawala sa isipan ko na gantihan siya. Masahol na pala 'yong naramdaman niya noon. Naging malinaw sa'kin ang nararamdaman ko sa kaniya. Unti-unting nawala ang galit ko. Pinag-isipan ko pa nga kung naaawa ba ako sa kaniya dahil doon. But I'm not. I'm not pitying him. Habang natagal, nagiging malinaw talaga sa'kin na.. napuno ako ng galit ko. Natakluban ang tunay kong nararamdaman sa kaniya because I want him to feel my revengeful love." I said and sighed. "But deep inside, I really love him. I love him, Lewis. And I know in myself na kahit hindi ko nalaman na nasaktan na siya noon, hindi ko magagawa ang pinlano ko because until now, I still love him.. damn much. And with that love, I got scared of telling him the truth that I planned to play him. I'm afraid he might get mad at me and now.. it's already happening..." sabi ko at namalayan na lang na umiiyak na naman ako.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
Любовные романыCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...