18 - PINAGLALARUAN

62 2 0
                                    

Caspian's POV

May ngiti sa labing pumasok ako sa loob ng bahay ko habang hinahagis-hagis ang susi ng sasakyan ko. Natatawa pa ako na parang ewan. Napailing na lang tuloy ako sa sarili kong kabaliwan. Damn it. Napasandal na lang ako sa gilid ng pintuan at pinagkrus ang braso ko. Hindi na mawala si Tanya sa isipan ko. Unti-unti na rin siyang nahuhulog sa puso ko.

"Someone looks happy after he gets drunk last night, huh?"

Saka ko lang napansin ang dalawang walang hiya kong kaibigan na nakaupo pala sa sofa at naglalaro ng chess. Napangiwi na lamang ako. Aysh! Nandito na naman ang dalawang ito.

"What happened? Care to share?" si Adam.

Nakapamulsa na lang akong lumapit sa kanila at umupo. Sumandal ako at inaalala ang nangyari no'ng isang araw, kahapon, at ngayong araw. Ang bilis ko din pala. Pero iyon eh...

"I am falling in love.. again and again.. with her. With Tanya." sabi ko at ngumiti.

Hindi ko na talaga mapigilan iyon. Hindi ko na pipigilan pa. Una pa lang na nagkita ulit kami, naramdaman ko na 'yon. Pinigilan ko lang. Pinigil ko. Pero habang lumilipas ang mga araw, linggo, at buwan, saka ko napapagtantong hindi ko talaga mapipigilan.

Mula no'ng dumating siya sa buhay ko, maniwala man siya o hindi, talagang nawalan na ako ng interes na makipaglaro. I know I play feelings. I broke every woman's heart, at isa siya doon. Pero siya na ang huling babaeng pinaglaruan ko, kasi sa kaniya din naman pala ang punta ko.

"Edi inamin mo rin na noon pa lang, nahulog ka na talaga. In denial ka pa eh." sabi niya.

Konti na lang akong natawa. "Yeah..." sabi ko.

"I'm happy for Tanya." sabi naman ni Lewis.

Napasimangot naman ako dahil doon. "Ako ang kaibigan mo pero sa kaniya ka masaya? Hindi ba pwedeng sa'kin? O kaya naman para sa'ming dalawa na lang?" prangka kong tanong sa kaniya.

Ngumisi lang siya at nagkibit balikat. "Mas masaya ako para sa kaniya eh." sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hey, I know you like Tanya pero.. sa'kin na siya. Sa'kin lang." sabi ko.

Napailing na lang siya. "Edi sa'yo na. Basta ba, huwag mo lang ulit sasaktan." sabi niya at umiwas ng tingin sa'kin.

Marahan na lang akong napahinga. "Hindi na." sabi ko at tipid na ngumiti.

Mamatay man si Adam pero hindi ko na ulit sasaktan at paglalaruan pa si Tanya. Tama na ang isang beses dahil nagawa ko iyon sa takot na nararamdaman ko. This time, I'm ready. I'm ready to take it seriously. Naudlot lang noon dahil sa tatlong salitang iyon. Pero para malinawan si Tanya, ipapaliwanag ko sa kaniya.

Zara's POV

Naglalakad-lakad lang ako dito sa hallway ng school nang makita ko sina Caspian at Tanya na naglalakad din. Hindi lang 'yon. Magkahawak pa ang kamay nila at halatang masaya. Napataas na lang ako ng isang kilay.

'Why they kung makaasta ay parang totoong may sila?'

I just smirked at sinalubong ang dalawa. Napatigil naman sila sa paglalakad dahil doon. I looked at both of them. Kita ko agad ang pagtitiim bagang si Caspian but hindi ko na pinansin pa 'yon.

"Oh, buhay ka pa pala, Zara?" bungad niya sa'kin.

Pinagkrus ko ang braso ko. "Yes, I'm perfectly buhay and humihinga, Caspian baby. You know naman, sa'yo lang ako patay na patay." sabi ko at lumapit sa kaniya.

Revengeful Love (Love Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon