Caspian's POV
Mabilis akong naglakad palabas ng locker room at iniwan doon sa Zara. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi maalis ang kaba sa dibdib ko. Tangina.
'I didn't do anything wrong!'
Marahas ang pinakawalan kong paghinga at hinanap kung nasaan siya. Damn it. Hindi niya dapat 'yon nakita. Iba ang iisipin niya. Tsk! Kuyom na kuyom na ang kamao ko habang nililibot ang unibersidad na ito para mahanap kung nasaan siya.
Yes, we broke up pero ayaw kong mag-isip siya ng mali tungkol sa'min ni Zara. They're right. I really need space para makapag-isip-isip man lang nang maayos. Alam naman niyang.. mahal ko siya pero masakit pa rin 'yon sa parte ko.
Napabuntong hininga na lang ako nang hindi man lang siya makita. Where is she? Napatiim bagang na lamang ako.
"Luh! Totoo ba itong nakikita ko?!"
"The hell! After kay Caspian, kay Lewis naman siya dumidikit."
Natigilan na lang ako nang marinig ang pangalan ko sa kung sino mang 'yon. Lumingon ako at mas lalo pang tumindi ang bulungan habang may tinitignan sila.
"Nakakainis. Ang landi niya pala talaga!"
"Grabe siya kung makayakap kay Lewis."
Mas lalo ko na lamang naikuyom ang kamao ko nang mapadako ang tingin ko sa dalawang taong magkayakap. At talagang doon pa sa kitang-kita ng lahat. Namalayan ko na lang ang sarili kong sobrang kuyom na kuyom ang kamao. Si Tanya at ang kaibigan kong si Lewis, magkayakap sila. Parang may bumibiyak na lang bigla sa dibdib ko.
Alam kong ako ang tumapos sa'min. Alam kong ako ang galit. Ako ang nalayo at ayaw siyang kausapin. Pero narealize ko.. hindi ko pala kaya. Mas masakit pala na 'yong taong mahal mo ay nasa bisig ng iba. Worse, kaibigan mo pa na alam mong may gusto sa kaniya.
Tiim bagang na lang akong tinalikuran sila. Mapait akong napangiti. Hindi ko sila nilapitan. Bagkus ay naglakad na lamang ako palayo.
'Ako ang may gusto nito kaya wala akong karapatan na maging ganito..'
Pakiramdam ko ang mga nangyayari sa'mingni Tanya ngayon ay puro gantihan na lang. Sa'kin nagsimula, siya ang nagtuloy...
Napasuntok na lang ako sa pader dito sa rooftop ng building at nagsisigaw din. Kahit dumudugo na ang kamao ko ay hindi ko iyon tinigilan. Walang humpay din ang pagbagsak ng luha ko.
"Gagawa-gawa ka ng desisyon tapos kapag nakita mo ang resulta, sising-sisi ka."
Napatiim bagang na lang ulit ako nang marinig ang boses na iyon ni Adam. Malalim ang pinakawalan kong paghinga at tumitig lang sa pader.
"We both know that Lewis is in love with Tanya. Hindi mo siya masisisi kung siya ang nandiyan para sa kaniya." he said.
Pinunasan ko ang luha ko at marahan na huminga. Matapos ay hinarap ko siya. Pakiramdam ko namanhid na ang kamao ko dahil kusa na lang itong bumagsak nang alisin ko ang pagkakatuon nito sa pader.
"I made a right decision." walang emosyon kong sabi.
"Right decision? Saang banda? Sa parte kung saan parehas niyong sinasaktan ang isa't isa?" tanong niya.
Dahil doon ay galit kong nilapitan siya at kinuwelyohan. "Wala kang alam, Adam! Kaya huwag mo akong tanungin ng ganiyan, pwede ba?!" sigaw ko sa kaniya.
Pero nagtiim bagang lang siya at inalis ang kamay ko sa kwelyo niya. "Alam mo matagal ko na itong tinatanong sa sarili ko na gusto kong itanong sa'yo..." kapagkuwa'y sabi niya. "Mahal mo ba talaga si Tanya? O hanggang ngayon ay talagang isa lang siya sa ginagawa mong panakip butas para makalimutan si Evienne?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
RomanceCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...