EPILOGUE

103 2 0
                                    

FOR THE 6TH TIMES OF WRITING STORY, 3RD ENTRY OF LOVE SERIES, THANK YOU SA LAHAT NG NAKARATING HANGGANG DITO. THANK YOU, MY BELOVED READEEEEERS!

HERE'S THE EPILOGUE OF LOVE SERIES #3 AND I HOPE YOU LOVE IT, READERS!

I LOVE YOU AND THANK YOU, AGAIN!

Nakaunan ako sa braso niya habang magkatabi kaming nakahiga dito sa kama. Nakapikit ang mata niya. Malalim rin ang paghinga niya kaya nasisiguro kong tulog pa siya. Napangiti na lang ako. Ang saya lang sa pakiramdam na sa kabila ng lahat ng nangyari, kami pa rin talaga.

‘I always hope this will last long and longer..’

Lumapit ako sa kaniya at mabilis siyang hinalikan. Lumipas man ang ilang taon ay hindi nagbabago ang nararamdaman ko sa kaniya. Gano'n at gano'n pa rin. I'm still addicted to his lips. Actually, we're both addicted. Mahina na lamang akong natawa habang nakatitig sa kaniya.

Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya sa bewang ko upang hindi siya magising sa pagbangon ko. Matapos ay ay bumangon na nga ako. Tinalikuran ko na siya para umalis sa kama pero naramdaman ko na lang bigla ang paghila niya dahilan kung bakit napahiga na lang ulit ako sa tabi niya.

“Honey...” gulat kong sambit.

“Hmm..”

Agad na lamang niya akong niyakap nang mahigpit at dikit na dikit sa isa't isa. Nakapikit siya pero alam kong gising na siya. Kita 'yon sa konti ngiti niya sa labi. Napangiwi na lamang ako.

“Honey.. I'm going to cook.” sabi ko sa kaniya.

Pero imbis na pakawalan ako ay mas mahigpit akong niyakap. “Later na lang... Just stay here beside me.” antok na sabi niya.

Hays. Ang lambing niya talaga kahit kailan. Ang sweet pa na marinig iyon sa kaniya.

“Honey.. nasa tabi mo naman ako palagi. Bangon na tayo, please...” malambing kong sabi sa kaniya at hinaplos-haplos ang kilay niya.

Doon ay nagmulat siya ng mata. Napangiti naman ako. Sa wakas, nagmulat din.

“Bangon na tayo?” tanong ko habang patuloy pa rin na hinahaplos-haplos ang kilay niya.

Kumurap siya ng isang beses. “I just noticed that lately. Anong trip mo sa kilay ko?” tanong niya.

Natigilan naman ako dahil doon at kapagkuwan ay nagtaka din. Oo nga, anong trip ko sa kilay niya? Madalas ko na lang itong hinahaplos. Ewan ko. Nalilibang ako.

Inosente na lamang akong nagkibit balikat at inalis ang yakap niya sa'kin. Bumangon na ako at umalis sa kama. Matapos ay humarap ako kay Caspian na nakahiga pa rin at parang may balak pa ulit na matulog. Napasimangot na lang ako.

“Honey!” medyo iritang tawag ko sa kaniya at kinuha ang dalawang braso niya. “Bangon na kasi!” parang batang sabi ko at hinila siya.

Pero imbis na siya ang mahila ko ay ako ang nahila. Ang resulta, napunta na lang ako sa ibabaw niya. Damn!

“Caspian!” sigaw ko sa kaniya.

He just embraced his arms on me tightly with a smirk curved on his lips. Nagmulat siya ng mata at pinakatitigan ako. Hindi ko tuloy maiwasan makaramdam ng ilang. We've been together for a years pero naiilang pa rin ako sa kaniya kapag ganito kami...

“You're blushing, Honey.” nakangising sabi niya.

Nakasimangot ko namang pinalo ang dibdib niya. “Ang kulit mo!” bulyaw ko sa kaniya.

Revengeful Love (Love Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon