01 - KARMA

146 5 0
                                    

Caspian Buefano's POV

Gwapo. Matalino. Maraming tagahanga. Ika nga ay Campus Crush ng Xantern University. Tsk! Well, ako lang naman 'yan. Ang nag-iisang Caspian Buefano ng X.U. Maraming babaeng gusto makuha ang puso ko. Pero ni isa sa kanila ay hindi nagtagumpay. Bakit? Dahil ako nga ay si Caspian Buefano.

Sanay na ako sa malalagkit na tingin nila sa tuwing ako ay dumadaan sa harapan nila. Ang impit na hiyaw nila sa tuwing tinitignan ko sila. Siguro kung hahawakan ko sila ay baka mangisay na sila. Tsk! Ano pa ba ang magagawa nag-iisang Caspian Buefano na katulad ko? Well, nag-iisa lang ako.

Inayos ko ang kwelyo ko at matapos ay binulsa ko ang dalawang kamay ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad dito sa hallway habang hindi maalis ang ngisi sa labi ko.

"Waaaah! Ito na silaaa..."

"Oh my! Caspian!"

"Shit! I'm getting crazy as I'm looking at my love Caspian."

"Shit! My Caspian. Babyyy.."

Tumaas na lamang ang sulok ng labi ko dahil sa mga ilang narinig kong sabi nila. I want to laugh right now. No one owns me. No one will own me. For now, I just like to play their hearts. Break them apart. I'm satisfied with that.

Yes, I can totally admit that I am Caspian Buefano, a heartbreaker, player, isama na rin natin ang pagiging bully. This is me. My own fucking self, and I don't care about the feelings of the others. Basta masatisfy ako, masaya na ako.

"Tsk! Lagi na lang ikaw ang napapansin nila. How about me? How about Lewis, huh?" biglang tanong ni Adam.

Natawa naman ako. "What can I say? I'm the most handsome among us." I said then smirked.

"The more handsome you are, the more girls you break apart. Tsk! I'm thankful I'm not like you, Bro." sabi naman ni Lewis.

Napataas naman ako ng kilay dahil doon. Kung may matatawag man na medyo matino dito sa'min, edi si Lewis na lang. Si Adam naman, ewan ko kung anong trip niyan sa buhay. Basta ako, mag-eenjoy lang sa buhay pagiging binata ko.

"Boring life mo kung gano'n." sabi ko at inunahan na silang maglakad.

Dumeretso na ako patungo sa classroom ko at akmang papasok na nang marinig ko na lamang ang matinis na sigaw na tumawag sa'kin. Napatigil na lamang ako sa paglalakad at mariin na pinikit ang mata ko.

'Aysh! Nandiyan na naman siya.'

"Caspian babyyyyyy!"

Marahas na lang ang pinakawalan kong paghinga at tuluyan na sanang papasok sa room nang sumabit na agad ang braso niya sa leeg ko. Argh! Tangina naman.

"I miss you na agad!" sabi niya at kumalas.

Pilit na lang akong ngumiti sa kaniya. Kung may isang tao man akong sobrang hate at kinaaayawan, 'yon ay si Zara. Palagi kasing nakaaligid sa'kin. It was a wrong move because I tried to play her heart also but I ended up having to marry her because of arranged marriage. I did everything para mawala siya sa landas ko pero hanggang ngayon ay nandito pa rin siya.

"I miss you talaga, Caspian baby. Kahit na we kita each other kahapon, miss na miss pa rin kita. Did you miss me din ba?" tanong niya.

Napangiwi na lamang ako dahil sa pananalita niya. It's damn irritating. Wala nga lang akong magawa. But I really need to find a way para hindi matuloy ang kasal naming nakaplano.

"Pasok na ako sa class ko." bored kong sabi.

"Wait! Don't you miss me na ba?" nakasimangot na sabi niya.

Revengeful Love (Love Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon