Tanne Niah's POV
Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang first floor. Sinabit ko ang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. I'm going to X.U. now. Lumipas ang mga segundo hanggang sa makatuntong na rin sa first floor. Nagbukas na ito kaya lumabas na ako at taas noong naglakad papalabas. Gano'n talaga ako maglakad, taas noo at hindi masyadong nililingon ang napapaligiran ko.
Pero dahil pakiramdam ko ay may nakalimutan ako, tumungo ako at binuksan ang bag ko. Habang naglalakad ay hinahanap ko ang susi ng sasakyan ko doon hanggang sa may mabangga na lang ako.
"Sorry---"
Naputol na lang ang pagsasalita ko nang makita ang mukha ng taong nabangga ko. Kapagkuwan ay unti-unti na lang nanlaki ang mata ko.
"Caspian? Anong ginagawa mo dito?" taka kong tanong sa kaniya.
He smirked. "I'm fetching my girlfriend." he said.
Saglit naman akong natigilan dahil doon. So.. he's here to fetch me, huh? Tumaas na lang ang sulok ng labi ko. Pinagkrus ko ang braso ko at nakangisi din siyang tinignan.
"Aww. Such a romantic boyfriend. Hindi na pala kita kailangan sabihan na sunduin ako or whatever kasi kusa mo ng ginagawa." sabi ko at matamis na ngumiti sa kaniya.
Dahil doon ay napaiwas naman siya ng tingin sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa kaya naman asar niya akong tinignan.
"Hoy, wala itong ibig sabihin sa'kin, ha? These past few days, Zara has kept bothering me and she's getting on my nerves." mahinang singhal niya.
Tumango-tango ako. Tama siya. Palagi pa rin siyang ginugulo ni Zara. Kahit magkasama kami ni Caspian ay talagang sinusubok nitong agawin ito. I'm wondering kung gaano tuloy ka-obsess si Zara kay Caspian? And what did Caspian do? Huh? Pero malaking bagay din 'yon. Nakakatulong siya.
Malalim na lang akong huminga at lumapit sa kaniya. Napailing na lang din ako dahil hindi ayos ang kwelyo niya. Tss. Palagi na lang. Inayos ko 'yon.
"Kaya nga dapat you should act like a real boyfriend to me, huh? Just focus on me, Honey. Titigilan ka rin niya.." sabi ko.
"Tsk! Focus your face. Isa ka pang baliw sa'kin. You're worse than Zara! Alam mo ba 'yon?" singhal na naman niya at inalis ang kamay ko.
Natawa na lang ako. "I know." sabi ko.
Napailing na lang siya at inunahan akong maglakad. Napangisi naman akong sinundan siya maglakad. Sinundo niya talaga ako. Tsk!
'I've never thought na ganito ka pala ka-easy, Caspian. Tsk! How poor you are...'
Sumakay na kami sa sasakyan niya at nagbiyahe papuntang unibersidad. Makalipas ang mahigit 15 minutes ay nakarating na rin kami at bumaba. Lumapit ako sa kaniya at sabay na rin kaming naglakad. Papasok na sana kami sa gate nang X.U. nang bigla na lang niyang hablutin ang kamay ko dahilan para matigilan ako. Nilingon ko siya at napatingin din sa kamay namin. Pero hindi man lang niya ako tinignan at deretso lang na naglakad kaya wala din akong nagawa kundi ang maglakad. Napatingin na lang ulit ako sa kamay namin.
'Woah..'
Matapos yun ay tinignan ko ulit ang mukha niya.
"You told me to act like one so here I am.." kapagkuwan ay sabi niya at tumigil nang ilang segundo. Tinignan niya ako. "Ganito naman tayo dati eh, balikan natin. Madali lang naman. Keep note, you might get crazier over me and this time, I'll be honest. I'm not gonna play you but I'm not going to catch you either. You're still a toy I just played before." he said and smirked.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
RomanceCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...