Tanne Niah Canja's POV
"Tangina! This is too much, Adam! Tangina! Ayoko na!"
"Huh? Anong sinasabi mo?"
"Zara is getting into my nerves. Fuck! Hindi ko na kaya! Nakakainis!"
"Hahaha! Ano na naman bang ginawa niya sa'yo at nagkaganiyan ka?"
"Tsk! Kinausap niya si Dad na pabilisin ang kasal namin! Tangina talaga! Ayaw kong makasal sa babaeng 'yon!"
Tumaas na lamang ang sulok ng labi ko habang pinapakinggan ang malakas na boses na 'yon ni Caspian. Nandito lang ako sa gilid ng pader at nakasandal. Hindi nila ako nakikita. Hays.
'Ilang buwan lang akong nawala. Kita mo't ngayon ay ikakasal ka na pala.'
After the day he said that he just played me, nawala na ako. Umalis ako. Tsk! Kung alam niyo lang kung gaano kasakit 'yong panahong 'yong na mapaglaruan ng taong akala mo ay seryoso kang mahal. Tanga ko naman kasi nagpaniwala ako. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kaniya. In the end, I was hurt. And now, I'm full of anger. He made me mad and wanting vengeance.
"That's not my problem, Bro. Ikaw na ang bahala sa sarili mong problema." rinig kong sabi ni Adam.
"Yeah. My problem. Ano na ang gagawin ko? Tangina talaga!"
Mahina na lang akong mapakla na natawa. Seriously? Nagtatanong siya kung anong gagawin niya? Tsk! He's a playboy after all. He should have known to find a way. Napairap na lang ako sa kawalan.
'Or maybe I can help him as part of my revenge.'
I clenched my jaw. Parang maraming nagbago sa ilang buwan na lumipas na wala ako. But that will never change the fact na ibabalik ko sa kaniya ang ginawa niya sa'kin. I will make him fall in love with me. I will make him feel what I felt when he hurt me. I will make him suffer. The better. Harder.
Umalis na ako ng pagkakasandal sa pader at naglakad-lakad na paalis doon pero nakasalubong ko naman si Lewis, ang isa sa kaibigan ni Caspian. Ngumiti ito sa'kin kaya naman nginitian ko siya pabalik.
"Hi." he greeted.
"Hi din." sabi ko.
"Uhm..." napakamot siya ng ulo niya. "Saan ka pupunta? Gusto mo sabay na tayo?" tanong niya.
Nakangiting kumunot noo naman ang tingin ko sa kaniya dahil dun. "Hindi ka ba pupunta sa mga kaibigan mo?" tanong ko din at nilingon ang gawi nina Caspian.
"Ah, no. Bahala na muna silang dalawa sa kalokohan nila. I just went to library at pabalik na rin ako sa room." sabi niya.
Tatango-tango naman ako at medyo natawa pa. He's kinda nice. Kagaya pa rin ngdati.
"Sige, sabay na tayo." sabi ko at naglakad na nga kami.
At dahil sigurado akong ilang minuto din ang lalakarin namin, kaya ito nagkikwentuhan kami habang naglalakad. Nandito pa lang kami sa pathway patungo sa building na pupuntahan namin.
"It seems that many has already changed here in X.U." sabi ko.
Natawa naman niya akong tinignan. "You think so?" tanong niya.
Napaisip naman ako. "Yeah. Feeling ko lang." sagot ko.
Binalik niya ang tingin sa daan. "Gano'n pa rin naman. Wala masyadong nagbago..." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
RomanceCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...