Caspian's POV
"The hell! S-Si Evienne.."
"Teka, hindi ako makapaniwala! Si Vien nga!"
"At kasama talaga siya nina Caspian."
"Look at Tanya and her, they seem very close. The hell!"
"I'm confused!"
Napangiwi na lang ako nang marinig pa rin ang mga bulungan nilang iyon. Mula no'ng dumating si Vien, halos lahat ay hindi makapaniwala lalo pa't kasama naming magkakaibigan. Tsk. If it's not for Tanya, ipagtatabuyan ko talaga siya. She's not belong here!
Hindi ko na lang pinansin ang bulungan na 'yon. Hindi na sila nasanay. Tss. Nandito na talaga siya.
"They seem very close. Indeed. Right?" si Adam naman na siya ding hindi makapaniwala.
Hindi ako umimik. Bahala silang mag-isip. Basta hindi ako interesado. Ang tanging nasa isipan ko lang ngayon ay si Tanya. Siya lang. Whatever she does, I'll be right here beside her.
"I hope really that won't affect your relationship with Tanya because of Evienne." Lewis said.
Inis ko naman siyang nilingon dahil doon. "How many times do I have to tell na that won't affect my relationship with Tanya?! I love Tanya! Kaya wala kang dapat ipag-alala. I don't care about Vien. I'm just mad at her!" singhal ko sa kaniya.
Matapos ay tinignan ko ang nasa unahan naming naglalakad din na sina Tanya at si Vien. Tsk! Kaming tatlo naman ang nandito sa likuran. Tanya is so happy. I can't help but to smile too. Looks like their friendships are happy.
"Kung galit ka pa rin, ibig sabihin ay may nararamdaman ka pa." biglang sabi niya.
Natigilan naman ako doon at kunot noo na nilingon siya. "So what the fuck are you saying, Lewis?" madiin kong tanong sa kaniya.
Seryoso niya akong tinignan. "Nagagalit tayo sa isang tao dahil hindi natin matanggap ang ginawa nito. At kaya natin hindi matanggap ay dahil mahal natin ito. Ibig kong sabihin, gumagawa ka ng panakip butas upang itanggi ito." sabi niya.
Napatiim bagang na lang ako. Iiling-iling na lang ako at mapaklang natawa. Tangina. Hindi ko alam na ganito pala kakitid ang utak ng kaibigan kong ito.
"Sinasabi mo bang mahal ko pa rin si Vien at ginagawa ko lang na panakip butas si Tanya?" malamig kong tanong sa kaniya.
"Ikaw ang nagsabi niyan. Hindi ako." sabi niya at ngumisi.
Marahas na lang akong napahinga at hindi na napigilan ang sarili pa. Tiim bagang na lang akong kinuwelyohan siya. Dahil doon ay napatigil kaming tatlo sa paglalakad. Wala akong paki kung may makakita man samin ngayon. Masamang tingin ang pinukol ko kay Lewis.
"Matagal ng hindi ko mahal si Vien! Mahal na mahal ko si Tanya! Hindi siya panakip butas sa'kin! Kilala mo ako, Lewis!" madiin kong sabi sa kaniya. "Papatunayan ko sa'yo, mahal na mahal ko si Tanya. Kung sa tingin mo ay maaagaw mo siya sa'kin kaya mo sinasabi ang mga ito, hindi. Huwag ka ng umasa dahil mahal na mahal namin ang isa't isa." sabi ko pa bago marahas siyang tinulak.
Kita ko ang pagtitiim bagang niya pero hindi ko na pinansin pa at tinalikuran na silang dalawa. Tinignan ko ang gawi nina Tanya. Medyo malayo na sila at malapit na sa cafeteria. Napangiwi na lang ako at mabilis na naglakad patungo sa kaniya.
Agad kong pinagsikop ang kamay naming dalawa kaya napatingin siya. "Honey." tawag niya sa'kin.
Ngumiti ako sa kaniya. "Tara na." sabi ko at inunahan na sina Vien na maglakad.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
RomanceCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...