Tanne Niah's POV
Pabalik-balik ako sa paglalakad dito sa loob ng condo unit ko. Balisang-balisa ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ilang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob.
Napabuntong hininga na lang ako at naupo sa sofa. Mariin ko na lang na pinikit ang mata ko at napahilamos sa sarili kong mukha.
'Bakit ba ang galing kong gumawa ng isang bagay pero hindi ko magawang harapin?'
Ilang araw pa lang din na nagiging seryoso ang relasyon namin ni Caspian. I don't wanna ruin it. I don't wanna ruin the happiness we have. Pero alam ko din na mas masasaktan ko lang siya kung sa iba niya malalaman.
Malalim na lang akong napahinga. "I hope you can also give me a time, Honey.." mahina kong sabi sa kawalan.
As long as Zara's doing nothing, kampante pa ako. Pero ayaw ko na rin naman na palalain pa ang sitwasyon. Masaya kami ni Caspian sa kung anong meron kami ngayon. At ayaw ko na maudlot ang kasiyahang 'yon... Kapag nangyari 'yon, parehas lang kaming masasaktan. At ayaw ko din na mangyari 'yon sa pagkakataong ito...
"Honeeey!"
Napatayo na lang ako bigla nang marinig ang boses na 'yon ni Caspian. Agad kong nilingon ang gawi niya. Tsk! Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala siya sa condo ko. Lumakad na lang ako palapit sa kaniya na parang normal at walang problema. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. I heard him chuckled.
"Did you miss me?" he asked.
"Yeah... Damn much." I answered.
"Miss din kita." he then replied.
Napangiti naman ako dahil dun at kumalas ng pagkakayakap sa kaniya. Bibis na bihis siya ngayon. Gano'n din naman ako. Pero kapagkuwan ay bigla na lang siyang sumimangot.
"Masyadong kita yung likod mo. Pwede bang magpalit ka ng suot mo? Ayaw ko niyan." sabi niya.
Natatawang kinunotan ko siya ng noo dahil doon. "What? Eh, ganito naman talaga ako magdress---"
"Hindi ka naman ganiyan noon eh. Binago yata kita." mahina niyang sabi at nag-iwas ng tingin sa'kin.
Hinabol ko ang tingin niya. Ayon siya, pilit na umiiwas. Yes, indeed. He changed me. Mas lumapit na lang ako sa kaniya at niyakap siya sa bewang habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
"Honey, you changed me to a better one. Pero 'yong nararamdaman ko sa'yo, ito pa rin naman." sabi ko at ngumiti.
Yeah, ito pa rin naman ang nararamdaman ko sa kaniya. Napagtatanto ko 'yon sa mga araw na lumilipas.
Doon niya sinalubong ang tingin ko. "But you look hotter right now. Baka hindi ko makapagpigil---"
"By the way, saan tayo pupunta?" agad na pagbabago at pagpuputol ko sa sasabihin niya.
Damn it! Kailan pa ako naging ganito kaapektado when it comes to this... Aysh! Kani-kanina lang ay para siyang nagtatampo or nalulungkot na ewan tapos isasama niya 'yon. Fuck! Ang init tuloy ng pisngi ko!
Ngumisi siya sa'kin. "Hmm. Parang gusto kong dito na lang tayo kaysa umalis." sabi niya.
Sinimangutan ko siya. "Tumigil ka nga." sabi ko sa kaniya.
Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at mabilis akong hinalikan. "Fine. Let's go, my Honey." he said then winked.
Lumabas na kami sa condo unit ko. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Wala naman siyang ginagawa pero patuloy akong kinikilig sa kaniya. Araw-araw ko na napapagtanto na ganito pa rin naman pala ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi nawala. Natakpan lang ito ng galit na nararamdaman ko noon dahil sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
Любовные романыCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...