Tanne Niah's POV
Tumigil na kami ni Caspian nang makarating kami dito sa tapat ng condo unit ko. Magkahawak ang aming kamay. Humarap ako sa kaniya. Hindi ko mawari kung anong pinapakita niya sa'king emosyon ngayon. Parang nag-aalala na ewan. Napakunot noo na lang ako.
"Caspian..." tawag ko sa kaniya. "Are you okay?" I asked.
Ngunit imbis na makarinig ako ng sagot ay niyakap niya ako. Nabigla man ako ay tinugon ko 'yon. Mahigpit ang yakap niya sa'kin na para bang ayaw akong pakawalan.
"Honey, tell me what is it?" I asked again.
I'm getting worried as he does that. Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko alam. Nananatili siyang nakayakap sa'kin nang mahigpit. Ilang segundo ang lumipas hanggang sa kumalas siya. Mas lalo kong nakikita ang pag-aalala at.. takot sa mata niya.
"Please, huwag kang maniwala kay Zara. My I love you's aren't fake, Hon. Totoo kitang mahal. Hindi iyon peke. Huwag kang maniwala sa kaniya, please... Sa'kin ka maniwala. Mahal na mahal kita, Tanya." masuyo niyang sabi sa'kin.
Nalulungkot akong tinignan siya. "Bakit mo ba iniisip 'yan? Sino bang nagsabing hindi ako naniniwala sa I love you's mo?" tanong ko.
Napabuntong hininga na lang siya. "Wala ka man lang imik mula no'ng nagsagutan kayo ni Zara. Naiisip ko tuloy na nagdodoubt ka na sa'kin. I'm sorry, Hon, if I was a playboy so that it's hard to believe that I truly love you. I'm sorry, Hon. Please..." sabi niya.
Parang may bumigat sa dibdib ko dahil doon. Hindi ko alam na 'yon pala ang iniisip niya sa kabila ng pananahimik ko. Samantalang kaya naman ako kanina pang walang imik ay dahil naiisip ko kung anong gagawin ni Zara. Ako ang mas natatakot para sa'ming dalawa.
Hinawakan ko ang mukha niya at matiim siyang tinitigan. "I believe you, Hon. Alam kong mahal mo ako at mahal kita." sabi ko at ngumiti. "I just thought about Zara. Kung kailan ka ba niya titigilan? O kung anong susunod niyang gagawin.." sabi ko pa at napabuntong hininga na lang.
Inalis ko ang kamay ko sa mukha niya at napatalikod na lang. Fuck this fear. If I could only fight this. Pero ano man ang mangyari, mas natatakot ako na mawala siya sa'kin.
Kapagkuwan ay naramdaman ko na lang ang braso niyang yumakap sa bewang ko at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Nilingon ko siya at sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.
"Whatever happens, as we said, no one can break us apart. No one." he said.
Nakagat ko na lang ang labi ko at napatingin sa inaapakan namin ngayon. Bigla na lang nangibabaw ang luha ko. Malalim na lang akong huminga para pigilan ang luha kong 'yon. Masakit...
"Hon.." tawag ko sa kaniya.
"Hmm?"
Napalunok na lang ako. "I love you. Mahal kita. K-Kahit anong mangyari, seryoso akong minamahal kita. Mahal na mahal kita." sabi ko sa kaniya.
Humigpit ang yakap niya sa'kin. "Ang saya ko dahil ang nag-iisang Tanne Niah Canja ay mahal na mahal ako. Tinanggap ako sa kabila ng pananakit ko sa kaniya..." tumigil siya at pumunta sa harapan ko. "Mahal din kita, Honey. Mahal na mahal. I truly love you." nakangiting sabi niya pa.
Ngumiti naman din ako at niyakap siya. Malalim na lang akong napahinga at mariin na pinikit ang mata ko. Sana ganiyan nga hanggang dulo.. kahit anong mangyari. Sana ganiyan pa rin si Caspian sa'kin.
'Sana mahal na mahal mo pa rin ako kung sakali mang may sumira sa'tin.'
Pero kung ako man mismo ang sisira sa'ming dalawa, sana mapatawad niya ako. Natatakot kasi akong hindi niya rin ako mapatawad gaya ng hindi niya mapatawad si Evie.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
RomanceCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...