Tanne Niah's POV
Paulit-ulit kong pinanood ang eksena namin ni Caspian kaninang umaga sa parking lot. Marami ng nakakapanood nito sa X.U. At dahil sikat din si Zara, marami ang nagsheshare nito. Nandito lang kaming apat nina Ian sa field habang nakaupo. Ang mga estudyante ay may nasasabi na rin.
"Grabe. Totoo ba ito? Hindi ko ito inaasahan.."
"What does it mean? She's just using Caspian?"
"Sabi dito sa post ay binlackmail daw ni Tanya si Caspian.."
"Saan kaya?"
"And in this video, halatang walang magawa si Caspian."
Napangiwi na lang ako at tinignan si Caspian. Sinamaan ko siya ng tingin at sinimangutan. It's his fault. Masyado siyang nagmamadali.
"We're still together. Sino ba ang maniniwala kay Zara? Tss. Huwag mo akong tignan ng ganiyan." sabi niya.
I rolled my eyes. "Nagmukha tuloy akong masama dahil sa'yo. Aysh!" sabi ko at tumingin sa kawalan. "Kapag nga naman ang isang Caspian Buefano ang kasama mo, ikakapahamak mo." sabi ko at sumimangot.
Dahil doon ay masama din niya akong tinignan. "Hoy, tangina! Ikaw ang may gusto nito kaya huwag mo akong sisihin!" singhal niya sa'kin.
Kibit balikat na lang ang sinagot ko at hindi na siya pinansin pa. Tumayo na ako at naglakad palayo sa kanilang magkakaibigan. Nagkunwari pa akong nalulungkot hanggang sa lampasan ko na sila. Doon ay sumilay ang ngisi sa labi ko at pinagkrus ang braso ko.
'Let's see kung matitiis ba niya ang nag-iisang Tanne Niah Canja.'
Pinanood ko na lang muli ang video na nasa cellphone ko. Hindi ko alam pero hindi man lang ako naaapektuhan. Kung ano man ang sabihin nila. Kung ano man ang gawin nila. Kung magalit man sila. Yes, it was a pure act earlier.
'I'm a best actress.'
Napatigil na lang ako sa paglalakad nang makasalubong si Zara. Kagaya ko ay nakakrus din ang braso nito habang may bahid ng ngisi sa labi niya.
"So.. a fake girlfriend is not with Caspian anymore." she said and smirked again.
Tinaasan ko lang siya ng isang kilay. "Hmm.. Masaya ka naman?" I asked.
"Of course I am. Because of that, I got rid of you." she said.
Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis dahil doon. "You think so?" I asked.
Unti-unti namang nawala ang ngisi niya at napalitan ng masamang tingin. Tinaasan ko lang ulit siya ng isang kilay.
"Tss. Let's see kung ganiyan ka pa rin if all of students here bash you!" singhal niya sa'kin.
I can't help but to laugh. "We will see. Sasabayan ko pa ang trip nila." sabi ko.
Pagalit niya akong tinignan. "Isa kang bitch! Mang-aagaw!" sigaw niya sa'kin.
Dahil doon ay napatingin na lang ang ibang estudyante sa'min. Mayroon pang tumigil at pinapanood din kami. I don't like this scene actually but.. I'm enjoying it so let it be.
"Shall I thank you for that?" inosente kong tanong.
Tinignan ko ang kamao niya at nakakuyom iyon. Parang ano mang oras ay susugudin niya ako dahil pikon siya sa'kin. Napangisi lang ako at tinaasan muli siya ng isang kilay. Parang umuusok na ang ilong niya sa galit sa'kin.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
Любовные романыCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...