Tanne Niah's POV
Napayakap na lang ako kay Evie at doon nagsimula na humagulhol. Halos yumugyog na ang balikat ko. I can't. I can't take it. Caspian is damn mad at me. Hindi ko kaya iyon. Sobrang sakit. Natatakot ako ng sobra. Hindi niya ako mapapatawad. Iniisip niyang awa lang ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Evie, I love him..." umiiyak kong sabi.
Hinagod-hagod naman niya ang likod ko. "Shh... Relax, Tanya. It's okay. It's okay, girl..." she said.
Napailing na lang ako habang nananatili na nakayakap sa kaniya. Hindi ko talaga kaya. I really love him. Simula pa lang alam kong ganito na talaga ang iisipin niya sakaling malaman niya. Pero hindi ko kaya. Sobra akong natatakot na baka.. biglang.. dito na lang kami. I can't.
Kumalas ako ng pagkakayakap sa kaibigan ko. "I-I should have told him sooner. I should have... S-Sana hindi na lang niya n-nalaman sa iba. M-Mahal ko si Caspian, Evie." sabi ko sa kaniya. "Mahal ko si Caspian p-pero hindi na siya naniniwala sa'kin because of what he found out." sabi ko at napahagulhol na lang ulit.
I understand him. Naiintindihan ko siya dahil nga sa ginawa ko sa kaniya. Hindi ko siya kayang sisihin. Hindi ko din siya masisisi kahit na nasaktan din naman ako dahil sa kaniya. Mahal ko si Caspian. Iyon ang nararamdaman ko sa kaniya. Kahit hindi ko nalaman na sinaktan at niloko siya ni Evie, sigurado akong mapupunta pa rin sa puntong hindi ko matutuloy na saktan siya. Kasi minamahal ko siya.
"G-Gusto kong puntahan siya, Evie. I want to say sorry. I want to explain. K-Kahit ano gagawin ko mapatawad niya lang ako..." nanginginig ang labi na sabi ko habang umiiyak.
"I'm sorry, Tanya. I'm really sorry... I-I don't know what to say. I-I'm sorry..." sabi niya.
Mariin ko na lang na pinikit ang mata ko. Patuloy na bumabagsak ang mga luha ko. Napasandal na lang ako dito sa pader at hindi alam ang gagawin. Hindi na ako makaimik at tanging paghagulhol ko na lang ang naririnig dito sa loob kinaroroonan namin. Kami lang dalawa ni Evie.
I want him back. Hindi ko kakayanin kapag dito ay matatapos kami ni Caspian. Ayaw ko. Mahal na mahal ko siya.
Kung noon, nasaktan ako kasi pinaglaruan niya ako. Ngayon, mas nasasaktan ako kasi mahal niya ako pero sinaktan ko siya. Pinlano kong paghigantihan siya.
Nang makauwi sa condo unit ko ay dumeretso na agad ako sa kwarto ko. Doon ko nilulong ang sarili ko at umiyak nang umiyak buong magdamag. I tried to contact him but he didn't respond. He really doesn't want to talk to me. He didn't even want to see me. He's mad at me, and I am fucking sorry for what I did. Sana ay sinabi ko na lang sa kaniya nang mas maaga. Sana hindi na ako pinangunahan ng takot ko.
Kahit anong mangyari, sana mapatawad pa rin niya ako. Pero sa nangyayari ngayon, alam ko na na blangko ang utak niya sa'kin. Galit siya sa'kin at wala man lang akong magawa ngayon. Wala akong magawa kundi umiyak na lang magdamag. But I want to see him!
Halos wala na akong tulog. Kahit na nanlalambot ako ngayon ay kumilos pa rin ako para pumasok sa unibersidad. Sinukbit ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto. Doon ko nakita si Evie na nasa sofa.
"Evie..." tawag ko sa kaniya.
Agad siyang napalingon at tumayo. "Tanya..." tawag niya din sa'kin.
Lumapit ako sa kaniya. "T-Tara na." sabi ko at pilit na ngumiti.
Dahan-dahan naman siyang tumango kaya tumalikod na ako at naglakad papunta sa pintuan. Hindi ko alam kung ako lang ba ito o parehas kaming naa-awkward sa isa't isa. Evie is my friend but she's still Caspian's first love. Ni hindi ko nga alam kung tama bang.. sa kaniya ako humagulhol kagabi. She's the only friend I have.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
RomanceCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...