SIMULA

710 19 4
                                    

"Gabi ka na naman...k-kumain ka na ba?"

Pagpasok na pagpasok niya ay amoy ko na agad ang amoy ng alak sa kaniya. Inalalayan ko siya hanggang makaupo siya sa sofa ngunit pilit niyang tinatanggal ang kamay kong nakaalalay sa kaniya. Pabalya siyang umupo at inalis ang necktie niya. Tutulungan ko na sana siyang alisin ang sapatos niya ngunit agad siyang tumingin sa akin, isang malamig na tingin. Hindi ko maiwasang masaktan sa paraan ng pagtingin niya, ang dating punong- puno ng pagmamahal na mga mata niya ay bigla nagbago. Hindi ko na makita ang dating siya, yung mga panahong alam kong mas matindi ang pagmamahal niya.

Inignora ko iyon at akmang tatanggalin na ang sapatos niya ngunit agad niyang binalya ang kamay ko, hindi kalakasan pero sapat na para masaktan ako.

"I don't need your help, l can do it myself!"

Hinayaan ko siyang alisin ang sapatos. Akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo ngunit matindi ang tama sa kaniya ng alak kayat nabuwal siya, agad kong hinawakan ang braso niya ngunit tinabig niya ang kamay ko.

"I said l can do it myself, stupid!"

Pinilit kong hindi ipakita sa kaniya na nasaktan ako sa paraan ng pananalita niya. Kung dati ay hindi niya ako napagtataasan at nasasabihan ng masasakit na salita, ngayon ay iba na. Masyadong maraming nangyari, hindi ko alam kung maaayos pa ba at kung babalik pa ba kami sa dati.

"K-kumain ka na ba? " Baka mamaya ay hindi pa siya kumakain at nag- inom na agad. Bago mag alas siyete pa lang ay tapos na siya sa trabaho niya ngunit alas onse na at ngayon palang siya dumating. Hindi ko maiwasang mag- alala para sa kaniya dahil ilang buwan naring ganito siya, ilang buwan naring ganito ang trato niya sa akin.

"You don't fucking care! I want you get out of my life! Can't you understand that, huh? How many times do l have to tell you to leave me alone?!"

Kitang- kita ko ang galit mula sa mga mata niya, hindi ko magawang tagalan ang tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko ay bibigay ako mula sa mga masasakit na salitang binitawan niya. Nagtatagis ang bagang niya at kuyom ang kamao niya. Naramdaman ko na lamang ang pagdaloy ng mga luha mula sa aking mga mata.

"I... l c-cant..."

Garagal ang boses ko ng sabihin iyon. Nanginginig ang tuhod ko maging ang mga kamay ko. Nangangatal na rin ang labi.

"Why? Are you fucking guilty, huh?! Naisip mo rin ba na kasalanan mo ang lahat?!"

Nagtaas ako ng tingin at pansin ko na papaiyak narin siya. Ang makita siyang nasa ganyang kalagayan ay masakit para sakin. Para bang ang puso ko ay unti- unting nawawasak. Mula sa pagkawasak ay muling mawawasak. Namumula ang kaniyang mga mata. Gustong- gusto kong hawakan ang pisngi niya ngunit alam kong hindi niya ako papayagan. Wala rin akong lakas para gawin iyon. Tahimik nalang akong umiyak.

"I-lm...lm really s-sorry..."

Alam kong sawa na siyang marinig ang salitang iyon mula sa akin ngunit gusto kong malaman niya na lubos akong nagsisisi sa bagay na nagawa ko, kung alam ko lang...kung alam ko lang na magiging ganito...nakinig nalang sana ako sa kaniya...

"Dark..." Tawag ko sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakatalikod at abala sa pagluluto ng dinner namin. Nakasuot pa siya ng damit niyang pantrabaho habang may nakasukbit na apron. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa ayos niya. Humarap siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"It's Light!"

"Pero Dark ang pangalan mo kaya 'yon dapat ang tawag ko sa'yo," Ngayon ay nakasimangot siya na parang bata sa akin. Simula ng tawagin ko siyang Light, iyon na ang gusto niyang itawag ko sa kaniya. Kaya ko naman siya tinawag ng ganoon dahil para sa akin hindi bagay ang pangalan niyang Dark sa features niya. Maputi siya palibhasa'y galing sa mayamang pamilya, matangkad din siya at matangos ang ilong. Kung ngumiti ay singliwanang ng sikat ng araw isama mo pa ang palaging kumikinang nitong mga mata.

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon