KABANATA 13

423 15 4
                                    

"Sigurado kabang makikipagkita ka sa kaniya?" Nag- aalalang tanong sa akin ni Dia. Ikinuwento ko sa kaniya na tumawag sa akin si Suzeth kagabi at gusto nito na makipagkita sa akin.

"Oo? Siguro." May parte sa akin na sinasabing huwag akong makipagtagpo sa kaniya pero meron ding parte na sinasabing pumunta ako. Hindi ko alam kung ano ang susundin ko. Basta ang alam ko lang ay may gusto akong malaman.

"Baka may balak lang 'yang higad na iyan, Therie! Jusko, kakalbuhin ko siya!" Nanggagalaiting sabi niya. Alam kong ayaw niya na kausapin ko si Suzeth lalo na't nakita ko ang nangyari sa office. Hindi na lamang ako sumagot at itinuon ang pansin sa kinakain ko. Habang siya ay putak ng putak.

"Isama mo kaya ako?" Sabi niya. Nakangisi siya at alam ko na pag ganiyan siya ay mayroong namumuong balak sa utak niya.

"Isama mo ako para kapag may nangyaring hindi maganda, ako ang reresbak!" Napailing nalang ako sa tungo ng kaibigan. Alam kong nag- aalala lang siya kaya naiintindihan ko siya. Pero siguro naman ay pag- uusap lang ang mangyayari sa restaurant na pagkikitaan namin mamaya. Wala naman sa lagay ni Suzeth na kaya niyang gumawa nang masamang bagay maliban nalang sa kung anong meron sila ni Dark.

Sabi ni Suzeth na magkita kami mamayang ala una, may sinabi na rin siyang location, dun nga sa isang restaurant. Alam ko naman iyon at matao ron kaya hindi ko kailangang mag- alala. Hanggang ngayon ay tawag parin ng tawag si Dark sa akin kaya imbes na i- off ko ang cellphone ko, ini- airplane mode ko nalang.

Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi, dahil ayaw ng katawan ko at masyadong abala ang utak ko sa pag- iisip. Naluha lang ako ng tahimik kahit nasasaktan. Gusto ko ng malaman ang lahat, kung bakit? Anong dahilan? Pero natatakot ako. Kung hindi ba nawala ang anak namin at kasama parin namin hanggang ngayon, hindi ba mangyayari ang bagay na ito? Hindi ko na ba kailanganing umiyak pa? Maayos kaya kami ni Dark?

Mas kaya ko pang tanggapin ang pagkadisgusto sa akin ng magulang niya kaysa ang mawala siya sa buhay ko. Mula pa noon, siya lang ang meron ako. Wala akong mga magulang na kasama sa paglaki, wala akong mga kamag- anak na gagabay sa akin. Simula ng dumating siya sa buhay ko, naramdaman ko yung pakiramdam na may kasama at hindi nag- iisa. Maraming bagay ang natutunan ko kasama siya. Buong pagpapasalamat ko dahil ibinigay siya sa akin ng Diyos. Pero hanggang dito nalang ba talaga? Hanggang dito nalang ba kaming dalawa? Bakit kailangang may sumulpot sa kwento naming dalawa? Bawal ba maging masaya? Ano bang kailangan kong gawin?

"Mag- iingat ka, tawagan mo ako kapag kailangan mo ako." Sabi sa akin ni Dia. Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Maya- maya ay lumabas na ako ng unit niya at nag- abang ng masasakyang taxi. Maya- maya lamang ay lulan na ako nito, sinabi ko sa driver kung saan ang pupuntahan ko. Pagkarating namin doon ay nagbayad ako at bumaba na.

Nanginginig ang mga tuhod ko papasok. Nanlalamig ang buo kong katawan at naninikip ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Mula dito ay tanaw ko na agad si Suzeth, nakatingin sa malayo. Nagdadalawang- isip ako kung lalapit ba ako o aatras. Nang mahagip niya ang bulto ko ay itinaas niya ang kamay niya para iparating na naandon siya. Wala akong magawa kung hindi lumapit. Dahan- dahan akong lumapit sa kaniya. Nasa may dulo ang table namin. Pagkalapit ko ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Sumisigaw ng karangyaan ang pananamit niya, naka kulay itim siyang dress na bagay na bagay sa kaniya. Maikli ang buhok niya ngunit bumagay dahil maliit ang mukha nito, matangos ang ilong at mapusyaw ang labi. Malaki ang pinagkaiba namin lalo nat maamo raw ang mukha ko. Isapat hindi ako lumaki sa karangyaan, natuto akong mamulat sa simpleng mga bagay, sa simpleng mundo. Marahil ay ito ang gustong ipaunawa sa akin ng mama ni Dark na hindi ako nababagay sa anak niya at katulad ni Suzeth ang nararapat.

"Therie, upo ka." Anya niya. Naninibago ako dahil sa pakikitungo niya. Dati ay lagi niya akong pinagtataasan ng kilay at iniirapan. Hindi rin nakaligtas sa akin noon ang maaanghang niyang salita. Ngayon ay mukha siyang mabait at maamong tupa. Nakangiti ang labi niya at parang tunay iyon.

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon