"T-therie?"
Hindi makapaniwala na ako'y nasa harap niya. Nakashort lang siya at cotton white shirt, magulo ang buhok niya at sa tingin ko'y wala ring tulog. Katabi niya si Cree na ngayon ay pumupuyupoy ang buntot dahil nakita akong amo niya.
"U-umuwi ka... umiwi ka t-talaga..." Inilang hakbang niya lang ang pagitan namin at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik. Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak sa harap niya, ayokong makita niya akong umiiyak.
"I-lm really sorry, Therie... yung n-nakita mo sa-"
"Pwede bang huwag muna nating pag- usapan ang bagay na iyon?" Ayoko munang pag- usapan iyon. Gusto ko lang na namnamin ang bawat sandali na kasama ko siya, walang ibang iniisip, walang problemang iniisip.
Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mata, ang mga mata niya na paborito kong tingnan. Malamlam ang mata niya at kita ko na nangingitim ang gilid dahil siguro ay kulang sa tulog. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito.
"B-but lm sorry, baby... Hayaan mo akong magpaliwana-" Hinarang ko ang daliri ko sa labi niya.
"Huwag muna natin 'yong pag- usapan, okay?" Kita ko ang pag- aalangan sa mukha niya, alam kong gusto niyang magsalita at ipagpatuloy ang sinabi niya ngunit dahil gusto ko na huwag munang pag- usapan ang bagay na iyon ay tumango siya. Niyakap niya akong muli.
"I miss you..."
Ang salitang iyon ay muling nagpaluha sa akin ngunit agad kong pinunasan ang pisngi ko dahil hanggat maaari ay ayoko ng umiyak pa.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang alas singko na kaagad. Ilang oras ba kaming nag- usap ni Suzeth? Ilang oras ba akong naglalakad sa kalsada habang nag- iisip?
"Hindi ka pa kumakain?" Tanong ko pagkatapos niya akong hindi sagutin at nakatingin lang sa akin. Maya- maya ay umiling siya.
"Tara sa kusina, ipagluluto kita." Hinila ko siya at pumunta kami sa kusina. Kasunod namin si Cree.
"Anong gusto mong ulam?" Nakaupo na siya sa stool at nakapangalumbaba, nakatingin sa akin. Pilit ko siyang nginitian.
"Kahit ano, basta kasabay kita kumain." Tumango ako sa kaniya pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumalikod na ako at nagtingin sa ref ng pwedeng lutuin. Siguro ay nilaga nalang ang lulutuin ko tutal ay may gulay at karne rito.
"Hindi pa rin ba kumakain si Cree?" Pagkarakay tanong ko. Kung hindi pa siya kumakain ay baka hindi parin kumakain ang aso ko.
"He ate already," sabi niya. Napalingon ako sa kaniya.
"Bakit hindi ka pa kumain? Si Cree nakakain na pala?"
"Wala ka," simpleng sagot niya. Napaiwas ako ng tingin. Ibinalik ko nalang ang pansin ko sa ginagawa ko. Pagkatapos kong hugasan ang mga gulay ay hiniwa ko na ang karne, ayaw niya kasi sa nilaga ang may mga buto kundi puro laman lang at taba ng karne. Pagkatapos ay inihanda ko ang ilang ingredients, nagsimula na rin akong magluto. Mula sa peripheral version ko ay pansin ko na nasa akin lang ang tingin ni Dark.
Pagkalipas ng ilang minuto ay tapos na akong magluto, may kanin pa naman sa rice cooker kaya isasangag ko nalang. Pagkatapos ko magsangag ay naglagay na ako ng plato sa lamesa. Nakasunod lang ang tingin sa akin ni Dark at hindi inaalis iyon. Inilagay ko na rin ang ulam at kanin.
"Kumain na tayo," anyaya ko sa kaniya. Mga ala sais na rin. Sumunod naman siya at pinaghila ako ng upuan. Maya- maya ay nakaupo na kaming dalawa. Si Cree naman ay nakakain na kaya nag- iikot lang sa loob ng bahay.
Habang nakain kami ay walang nagsasalita. Tahimik lang kaming dalawa ngunit sa bawat pagsubo ni Dark ng pagkain ay nakatingin pa rin siya sa akin. Nginitian ko siya ng mahuli ang tingin niya. Gusto ko lang na makasama siya kahit walang lumalabas sa bibig naming dalawa. Gusto ko ang katahimikan kasama siya.
BINABASA MO ANG
HER MISERY (COMPLETED)
Romance[ C O M P L E T E D ] Married life isn't an easy life, especially if people surrounds you doesn't agree in you being with him. But as they say, love is stronger than any other thing in this world. He loves her and she loves him but the love they had...