WAKAS

731 23 2
                                    

"Light, Wake up. Kakaunin pa natin si Light." Bahagya akong natawa nang banggitin ko ang pangalan ng anak namin.

Light Ryu Decervantes...

Isang batang lalaki na halos kamukha ng kaniyang ama. Hindi ko nga masabi kung ano ba ang nakuha ng anak ko sa akin. Maging ugali ay katulad ng ama kahit na bata pa.

"Hmm. Mamaya na, let's still sleep." Nakapikit na saad ni Dark. Mas lalo siyang sumiksik sa pagkakayap sa akin. Alas dose na ng tanghali pero nasa kama pa rin kami. Hinirap muna nila mama at papa ang anak namin kahapon at ngayong araw nalang daw namin kuhanin sa kanila kaya kaming dalawa lang ni Dark ang nasa bahay buong magdamang kaya't alam na ang nangyari.

"Per-"

"Shh. Baby." Agad niya akong pinatakan ng halik sa labi kaya't napatigil ako sa pagsasalita. Pagkatapos ay muli siyang yumakap sa akin. Napailing nalang ako dahil sa kasutilan ng asawa.

"Ang kulit mo."

Sa nakalipas na anim na taon, nakakatuwang isipin na maayos na kami ni Dark.

Nang gabing pumunta siya sa unit ni Dia kung nasaan ako at may mangyari sa amin, kinabukasan ay hindi niya ako hinayaang makaalis papuntang US. Parang ang lahat ay sariwa pa rin sa isipan ko. Napost- pone ang pagpunta ko sa ibang bansa dahil hindi hinayaan ni Dark na hindi kami magkaayos. Imbes na ako lamang ang pumanta sa US, nagpumilit siyang sumama sa akin para makita niya ang lugar na pinag- stay-an ko at makilala niya ang ilan sa mga katrabaho ko. Dahil don ay nakilala niya si Lezabel at Flyn, nagselos pa nga siya kay Flyn dahil masyado raw kaming close na dalawa

Humingi siya ng humingi ng tawad sa akin at sinabi niya ang lahat.

Nagka-usap kami ng maayos kinabukasan, nasa higaan lang kaming dalawa at yakap niya ako ng sobrang higpit, nakayukyok ang ulo niya sa leeg ko at umiiyak sa akin. Sinabi niya na totoong buntis noong panahong iyon si Suzeth at pinipilit na siya ang ama ng bata ngunit wala raw nangyari sa pagitan nilang dalawa kaya imposible na siya ang ama ng bata. Hindi niya rin daw alam kung bakit nagkaroon ng wedding ring si Suzeth, maaari raw ipinalabas lang na siya ang nagbigay pero ang totoo ay hindi, gusto lamang na siraan kaming dalawa. Noong mga panahong iyon ay tinutulungan siya ng nanay ni Dark kaya ganun na lamang pala kalakas ang loob ni Suzeth na gawin ang bagay na iyon.

Noong gabi na huli kaming magkasama ni Dark, may pakiramdam daw siya na iba ang mangyayari kinabukasan pero isinawalang bahala niya raw iyon dahil katabi niya ako noon. Pero kinabukasan nga ay wala na ako nang gumising siya.

Hinintay niya ako ngunit hindi na ako bumalik. Agad daw siyang pumunta kay Dia dahil baka alam niya kung nasaan ako pero katulad ni Dark ay wala ring alam si Dia dahil wala naman akong pinagsabihan kundi si Madam Violet lang. Nagalit pa nga daw si Dia sa kaniya at sinisisi siya kung bakit ako umalis. Naghanap daw siya sa mga lugar na pwede kong puntahan pero kahit isa man sa mga yon ay hindi niya ako nahanap.

Sa mga nakalipas na taon na hindi niya ako kasama, subsob lamang daw siya sa trabaho. Patunay dito ay ang kinuwento sa akin ng sekretarya niya. Halos doon na raw siya tumira at minsan lang umuwi sa bahay. Kung uuwi man ay lagi lamang nakaharap sa puntod ng anak namin ay iiyak. Dahil kay Aling Merla, ang kinuwang katulong ng nanay ni Dark para umasikaso sa kaniya noong umalis ako, nalaman ko ang lahat ng nagyari kay Dark pag nasa bahay. Lagi lamang raw ito na tahimik at nasa bakuran, hindi nga raw sa kwarto ito natutulog kundi nagtatayo ng tent sa bakuran para raw katabi niya ang anak niya at baka raw kasi bumalik ako. Kapag daw dadalawain siya ng ina sa bahay ay lagi raw nagsasagutan ang dalawa, minsan daw ay naririnig niya ang pagtatalo ng mag- ina, sinisisi raw niya ang ina niya kung bakit ako umalis at kung bakit ako nawala sa kaniya. May pagkakataon nga raw na gusto ng bitawan ni Dark ang kompanya at hagilapin ako pero kinausap siya ng ama niya na huwag iyong gawin.

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon