Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Kulay puti ang kisame maging ang ibang gamit na naririto. Ngayon ay pumasok sa isipan ko na nasa ospital ako.
"I'm glad your awake now, Miss Decervantes," Nakangiting anya sa akin ng nurse. Sa tingin ko ay may katandaan lang sa akin ng kaunti."Pinakisuyuan ako ng asawa mo na manatili rito hanggang sa magising ka, may aasikasuhan lang daw kasi siya. Importante."
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
Nang dahil sa tanong niyang iyon ay naalala ko ang mga nangyari. Kusa akong napahawak sa tiyan ko at pakiramdam ko ay walang laman. Nilukob ng kaba at takot ang buo kong katawan.
"A-ang anak ko? Anong n-nangyari sa anak ko?"
Umaasa ako na sana mali ang iniisip ko, na sana ay nasa sinapupununan ko pa rin siya.
Ngumiti siya sa akin ng isang malungkot at may pag- aalalang ngiti. "I.. i'm sorry" Umiwas siya sa akin ng tingin. Kusang nag- unahang tumulo ang mga luha ko hanggang ako ay mapahagulgol. Ilang minuto na akong naiyak ngunit sa tingin ko ay hindi ko kayang pigilan ang sarili ko mula sa pagluha. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko at masakit para sa aking mawalan ng anak.
Maya- maya ay biglang bumukas ang pinto, patuloy lamang ako sa pag- iyak kahit mas lalong nadaragdagan ang kabang nararamdaman ko. Lumabas ang nurse nang maramdaman ang namumuong tensyon sa loob ng silid.
Isang malakas at nakakabinging sampal ang natamo ko. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman ko ang hapdi.
"This is all your fault!" Kita ko ang galit mula sa kanya. Ang natural na taray sa kaniyang mukha ay kusang lumalabas. Nakataas ang kilay at may pamamaliit na tinging ibinibigay.
"M-mama..."
"You don't have the right to call me that! You fucking slut! This is all your fault! How can you did this to your husband, huh?! Ultimo pag- aalaga nalang ng sarili mong anak hindi mo pa magawa?! Palibhasa lumaki kang walang mga magulang!"
"Hindi ko po g- ginusto ang nangyari, M-mama-"
Isa pang malakas na sampal ang pinakawalan niya. Sa pagkakataong ito ay napaupo ako sa sahig. Pakiramdam ko ay namamanhid ang buo kong katawan. Umiyak lang ako at hindi ko magawang makapagsalita.
"You didn't know how devastated my son when he found out na wala na ang anak niya! Dahil iyan sa kapabayaan mo at sa sobrang kati mo!"
"Sabi ko na nga ba't may relasyon kayo ng bastardong iyon at kahit may asawa't buntis ka na lahat ay nakukuha mo paring lumandi!"
Alam ko na si Rohan ang tinutukoy niya ngunit wala kaming relasyon! Mahal na mahal ko si Dark at hindi ko magagawang magloko. Hindi ko ginusto ang nangyari sa amin ng anak ko at kung maari lang sana na maibalik ko lang ang oras ay ginawa kona!
"Siguro ay pinagplanuhan ninyo ng lalaking iyon ang lahat ng ito ano?!" Umiling ako dahil hindi ko alam kung ano ang nais niyang iparating. Patuloy sa pagluha ang mga mata ko at nasasaktan ako ng sobra.
Isa akong ina at kahit sinong ina ay hindi gugustuhin na mawala ang anak niya! Hindi ko ginusto ang nangyari at masakit para sa akin.
"Talaga lang, huh?!" Kita ko ang panghahamok sa mga mata niya. Alam ko na ayaw na ayaw niya sa akin bilang asawa ng anak niya at alam ko rin na nag- aalala siya para rito. Gusto kong makita si Dark at humingi ng tawad sa kaniya. Sana lang ay mapatawad niya pa ako.
"Siguro ay planado niyo hindi ba?! Ang palabasin na muntik kanang gahasin at saktan para mawala ang anak mo! Ni hindi mo manlang inisip ang asawa mo! Dapat talaga ay hindi ko hinayaang mapunta sa iyo ang anak ko! Ano bang gayuma ang ginamit mo sa kaniya at sobrang baliw sa iyo ng anak ko huh?!"
BINABASA MO ANG
HER MISERY (COMPLETED)
Romance[ C O M P L E T E D ] Married life isn't an easy life, especially if people surrounds you doesn't agree in you being with him. But as they say, love is stronger than any other thing in this world. He loves her and she loves him but the love they had...