"Ang sakit."
Napahawak ako sa ulo ko at pakiramdam ko ay nabibiyak ito. Sobrang sakit at medyo nahihilo parin ako. Huling beses kong naranasan ang ganito ay noong college pa ako. Sabi ko na nga ba't pagsisisihan ko ang pag- inom ko kagabi.
"Dia," Kinuha ko sa table katabi ng kama ang cellphone ko at tinawagan si Dia. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya pero sigurado naman akong hindi siya pinabayaan ni Nicos. Si Rielle at Ari ay kasabay ko pauwi at si Cleo naman ay sinundo ng asawa.
"Therie?" Sagot niya sa kabilang linya. Katulad ko ay bagong gising din base sa boses.
"Hinanap ka namin ni Zeb pero hindi ka namin nakita kagabi, buti nalang at dumating si Nicos. Asan ka ba kagabi?" Ang alam ko ay nagsasayaw kami tapos bigla nalang siyang nawala at kung kanino na nakipagsayaw.
"Nasa bar din gaga, nakikipagsayaw malamang."
"Mabuti't nakita ka ni Nicos, iniwanan na kita sa kaniya. Lasing narin ako kagabi eh."
"Sino bang tumawag don? Paano nalaman ng lalaking 'yon na nasa bar tayo?"
"Malay ko. Bakit galit ba sa'yo?"
"Psh. Nakita niya ako nakikipagsayaw kay SR. Ayun galit! Feeling niya naman, hindi ko naman siya jowa!" Hindi ko alam na naandon din pala si SR sa mismong bar kagabi, hindi ko siya nakita.
"Pero inihatid ka niya?"
"Hinila ako palabas ng bar kagabi, jusmiyo! Tapos kung anu- ano pinagsasabi sa akin, g na g gorl! Sarap ibalibag eh, kung hindi lang ako lasing, naupakan ko 'yun eh. Kapag siya pwedeng mag bar, pag ako bawal?! Aba ang galing niya naman! " Ramdam ko ang panggagalaiti sa boses niya at hindi ko maiwasang mapatawa. Para kasi siyang batang naagawan ng candy at nagsusumbong.
"Sino ba talaga sa dalawa? Si SR o si Nicos?" Pang- aasar ko. Alam ko namang may gusto si SR sa kaniya noon pa, ganun din si Nicos.
"Stop it! Wala akong type sa dalawa, okay?!" So wala pala siyang type sa dalawa sa lagay niyang yan. Napailing nalang ako.
"Ikaw? Sinong naghatid sa'yo kagabi?!" Hindi niya pala alam kung sino ang naghatid sa akin kagabi. Hindi siguro naikwento ni Nicos.
"Si Zeb," simpleng sagot ko.
"Sabi ko na nga ba! Nahook sa beauty mo, sis!" Kung nasa harap ko siya ay makikita ko na naman ang napakalaki niyang ngiti. Ngiti ng pag- aasar.
"May asawa na ako. Tsaka hindi lang naman ako ang inihatid niya, si Ari at Rielle din."
"Psh. Whatever," Rinig ko ang paghagok niya, siguro'y inaantok pa. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas singko palang ng maga. Kung ganon ay ilang oras lang akong nakatulog? Anong oras ba ako nakauwi kagabi? Mga ala una na ata 'yon siguro.
"Buti nalang wala pa si Dilim diyan, kung hindi didilim mundo mo." Maya- maya'y sabi niya. Napatahimik ako at naalala ang nangyari kagabi.
"Light..."
Nakatuon lang ang pansin niya sa akin at hindi inaalis ang tingin. Maya- maya ay pinasadahan niya ang suot ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nahulasan dahil sa malamig niyang mga tingin.
"Where have you been?" Mahina lang ang boses niya ngunit ramdam ko ang diin.
"Bar," maikling sagot ko. Kita ko ang pag- igting ng kaniyang panga.
"Akala ko three days kayo sa Cebu, bakit napaaga ata ang uwi mo?" Bukas pa dapat ang uwi niya at hindi ngayon. Dapat ay nagsasaya pa silang dalawa ni Suzeth. Bigla ko tuloy naramdaman ang pagkirot ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
HER MISERY (COMPLETED)
Romance[ C O M P L E T E D ] Married life isn't an easy life, especially if people surrounds you doesn't agree in you being with him. But as they say, love is stronger than any other thing in this world. He loves her and she loves him but the love they had...