KABANATA 18

459 14 1
                                    

"Okay ka lang?"

Napaangat ako ng tingin kay Dia, nakatingin din sa akin maging si Nicos na ngayon ay kandog si Maehayla. Tumango ako. Nasa lamesa kami ngayon at kumakain ng agahan. Wala na ang parehas na parents nila dahil maagang umalis at marami pa raw na aasikasuhin sa bussiness.

"Sigurado ka?" Ulit na tanong niya.

"Oo naman," pilit na ngiti ko.

"Sigurado ka talaga?"

"Oo nga, kulit mo." Alam ko naman na nag- aalala lang siya sa akin.

Simula kagabi nang sabihin niya sa akin na hindi si Dark ang ama ng anak ni Suzeth para akong nabingi sa narinig ko. Tumigil ang lahat ng bagay at tanging iyon lang ang naririnig ko. Paulit- ulit na bumubulong sa tenga ko. May parte sa akin na parang nabunutan ng tinik pero may kung ano rin na dumagan. Ang gulo. Ang gulo na naman.

Kagabi halos hindi ako nakatulog sa kakaisip sa sinabi ni Dia. Paulit- ulit din na nalipad at nagpapakalutang sa isip ko. Bakit kailangan umabot sa puntong ganito? Bakit kailangang umalis muna ako at magpakalayo- layo ng tatlong taon? Bakit kailangang maging ganito? Parang bumalik na naman ako sa dati na gulong- gulo ang isipan at maraming katanungan.

Kaya ba humingi sa akin ng tawad si Suzeth? Kaya rin ba sinabi niya na may gusto pa siyang sabihin at kung makakapag- usap pa kami sa susunod na pagkakataon? Pero hindi bat nasa isang bahay sila nakatira ni Dark? Inihatid niya ang mag- ina sa bahay...bahay nila. Kung sakaling hindi nga talaga 'yon anak ni Dark, posibleng nagustuhan niya si Suzeth at tinanggap ang bata. Tatlong taon ang nakalipas at hindi malabong mangyari 'yon. Siguro ay ganun nga.

May parte sa akin na nanghihinayang. Kung sakali ba na hinayaan ko si Dark na magpaliwanag sa akin at kung tinanong ko siya tungkol sa bagay na 'to, hindi kaya mangyayari ang lahat ng ito? Magkasama pa rin kaya kami hanggang ngayon? Hindi ko siguro kakailanganing umalis ng bansa. Pero nakita ko ang singsing na suot- suot ni Suzeth noong nag- usap kami sa restaurant ilang taon na ang nakakaraan. Sinabi niya na bigay 'yon ni Dark sa kaniya. Nagpropose at gusto nilang magpakasal na dalawa. Ako na ngalang ang sagabal. Kaya lang din siguro nagawa ni Suzeth na sabihing si Dark ang ama ng anak niya ay para layuan ko si Dark. Isa pa ay kita ko ng mga panahon na iyon ay buntis siya. Isa lang siguro ang pagkakamali ko, yung naniwala ako. Pero ano naman kung nanatili ako? Hindi na naman ako mahal ni Dark. Patunay pa kahapon na masaya silang tatlo na magkakasama. Wala na rin sigurong saysay ang nalaman ko.

"Shopping nalang tayo, Therie. Pagkatapos natin kumain punta tayong mall. 'wag ka na munang mag- isip. Kakauwi mo lang, magsaya muna tayo." Tumango nalang ako.

Pagkatapos namin kumain. Nagtungo ako sa kwarto at naligo na. Nagsuot lang ako ng denim shorts at off- shoulder sa pantaas, tsaka flat shoes. Naglagay lang ako ng liptint. Kinuha ko ang sling bag ko at maya- maya ay bumaba na ako. Naandon si Nicos at ang anak niya sa sala, nasa kwarto pa nila si Dia at siguro'y abala pa sa pagbibihis.

"Akin na muna si Hayla" ibinigay sa akin ni Nicos ang bata kaya ako ang kumandong. Kahit mag- iisang taon palang, mabigat na. Naka- yellow dress siya at litaw ang kaputian. Sobrang cute tingnan.

"Ang cute ng anak ninyo," natutuwang sabi ko.

"Ako ba naman ang ama," bilib na sabi niya, napailing nalang ako.

"Kailan mo balak mag- anak?" Nakangising tanong niya.

"Wala nga akong asawa, pano 'ko mag- aanak?"

"Wala ka na nga bang asawa?" Pilyong dagdag niya. Umiling nalang ako. Narinig ko ang pag- 'tsk' niya at pagtawa ng mahina. Baliw.

"Anyways, kailan alis mo? Nasabi sa akin ni Dia babalik ka pa raw sa US," Tumango ako.

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon