''Nanggigigil na iyon,"
Napatawa ako sa sariling naisip. Simula nang makauwi ako dito sa Pilipinas at manatili sa unit ni Dia, hindi ko ginamit ang cellphone ko para sabihin sa kaniya na nakuwi na ako, hindi ko rin muna tinawagan si Flyn kahit si Lezabel. Alam kong nagtataka na ang mga iyon lalo pa't sinabi nila na tawagan ko sila once na nakabalik na ako rito. Si Dia naman, alam kong tadtad na ang cellphone ko ng missed calls at text niya, pero gusto ko siyang sorpresahin sa mismong araw nang binyag ng anak niya.
Sa pananatili ko rito sa unit, bumawi lang ako ng tulog. Kakain, maliligo tapos matutulog, iyon lang ang mga ginawa ko. Lalabas lang ako kapag may gusto akong kainin, isa pa kaya bihira din akong lumabas ay dahil baka may makakita sa akin at makarating kay Dia, gusto ko pa namang magulat siya kapag nakita ako. Iba't ibang dress na pambaby ang ireregalo ko sa anak niya, kulay purple, pink, yellow at kung anu- ano pa. Meron din akong regalo sa kaniya tutal hindi ako nakadalo sa kasal nila ni Nicos. Mga designer bags, perfume, jewelries tutal ay mahilig siya sa mga ganoon. May damit at wrist watch din para sa asawa niya.
Nakahanger na ang isusuot kong damit para sa binyag ng magiging inaanak ko. Kulay puti na sleeveless dress at backless, tapos hanggang taas ng tuhod ko at hapit na hapit sa katawan ko. Alam ko na kapag sinuot ko iyon ay makikita ang magandang kurba ng katawan ko. Salamat na rin dahil sa page-exercise ko araw- araw. Hindi ko alam kung bakit iyon ang gusto kong suotin, siguro ay nahiligan ko lang ang kulay na puti. Papartneran ko nalang iyon ng sandals na two inches lang, hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay na magsuot ng mas mataas pa roon.
Bandang alas nuebe ay naligo na ako, alas diyes kasi ang punta sa simbahan. Pagkatapos kong maligo ay ni- blower ko ang hanggang balikat at kulot kong buhok. Nang nasa US ako ay nagpaputol ako ng buhok tapos medyo pinakulot ko, nagpa- highlights din ako ng buhok at nagustuhan ko naman ang kinalabasan dahil bumagay sa akin. Pinuri nga ako ni Leza dahil don. Naglagay lang ako ng light make- up at nude na lipstick.
Bitbit ang mga regalo at nasukbit na sling bag sa akin ay lumabas na ako ng unit. Magte- ten na ako ng makaalis at naalala kong traffic nga pala sa Pilipinas kaya siguradong male- late ako sa seremonya, naghihimutok na siguro si Dia at iniisip na hindi ako umuwi ng bansa para makadalo sa binyag ng anak niya. Nagbayad ako sa taxi at bumaba na, ilang minuto ring na- stuck ang sasakyan dahil sa traffic.
Pumasok ako sa loob ng simbahan at nakita ko na marami- rami ang tao, siguro'y mga ninong at ninang. Nagtataka ako kung bakit hindi pa nagsisimula. Mga nakaupo pa at nakatalikod sa gawi ko. Dahan- dahan akong naglakad, mula sa pwesto ko ay nakita ko si Dia na buhat ang cute niyang anak, katabi niya rin si Nicos. Pulos kakilala ko ang naandito, mga katrabaho dati sa PubCom at mga kaibigan ni Nicos, hindi ako magtataka kung makikita ko siya dito. Sa paglingon ni Dia ay nakita niya ako, biglang nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwala.
"Therie!" Malakas na tawag niya sa akin. Ang boses niya ay halos mag- echo sa loob ng simbahan. Hindi parin talaga siya nagbabago. Dahil sa pagsigaw niya ay nakuha nito ang atensyon ng lahat at napalingon din sa akin. Agad lumaki ang aking ngiti at kusang lumapit papunta sa kaniya.
"Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko? Kahit text, hindi ka rin nag- oonline! Akala ko hindi kana uuwi!" Pagmamaktol niya pero niyakap niya parin ako kaya niyakap ko siya pabalik. Masaya ako na sa muli ay nakita ko siya.
"Gusto kasi kitang isurprise," masayang sabi ko. Napasimangot siya pero maya- maya ay ngumiti rin.
"Well, l'm more than surprise!"
"Look at you, sobrang ganda mo na! Hiyang na hiyang ka ata sa US!" Namamanghang anya. "Mas lalo kang sumexy!"
"Hindi naman,"
BINABASA MO ANG
HER MISERY (COMPLETED)
Romance[ C O M P L E T E D ] Married life isn't an easy life, especially if people surrounds you doesn't agree in you being with him. But as they say, love is stronger than any other thing in this world. He loves her and she loves him but the love they had...