KABANATA 11

387 14 3
                                    

"l'll wait for you later, okay? I miss you being there in my office. Namiss ko na rin yung pagdalaw mo sa akin tsaka yung pagsabay mo sa akin sa lunch."

Nakayakap siya sa akin mula sa likod at nasa leeg ko ang ulo niya. Nakabihis na siya at handa na para pumasok sa opisina. Pumihit ako paharap sa kaniya at tiningnan siya, nakangiti siya sa akin at ang aliwalas ng mukha niya.

"Okay," pilit ang ngiti na sabi ko. Magkatabi kaming natulog ni Dark sa kwarto kagabi at masaya ako dahil don pero nag iba nang makita kong tumatawag si Suzeth sa cellphone niya kagabi.

Nakayakap ang braso ni Dark sa may bewang ko at nakatalikod ako sa kanya pagtulog, ang buo kong katawan ay nakadikit sa kaniya at ramdam na ramdam ko ang dibdib niya. Malalim na ang paghinga niya senyales na mahimbing na ang tulog niya. Napapangiti akong humarap sa kaniya at pinagmasdan ang mukha niya. Simula ngayon ay hindi ko na kailangang pumuslit para makapunta sa kwartong ito, hindi ko na kailangang magdahan- dahan sa pagpasok para makagawa ng ingay dahil pwedeng- pwede ko na siyang makatabi at mayakap sa pagtulog ng walang pag- aalinlangan. Medyo bukas ang bibig niya at gumagawa ng maliit na ingay ngunit kahit ganoon ay gwapo pa rin siya at nakakaattract na tingnan. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinaglandas ang kamay ko sa ilong niya hanggang sa mapunta iyon sa labi. Walang anu- ano'y hinalikan ko siya ng pagkarahan at mabilis sa labi.

"I love you so much, Light... you're always be my Light..."

Hinayaan kong ubusin ang oras sa katitingin sa kaniya. Binubusog ko ang aking sarili sa pagtingin sa kaniya, para akong nakatingin sa isang magandang tanawin at hindi ko maalis- alis ang tingin sa kaniya. Akala ko ay makakatulog na ako ngunit biglang umingay ang cellphone niya na nasa may table katabi ang aming kama. Kinuha ko iyon at nakitang may tumatawag. Biglang umusbong ang selos sa kalooban ko at buong pagtataka kung bakit siya tumatawag sa dis oras ng gabi.

"Si Suzeth," naibulalas ko.

Tulog na tulog si Dark at hanggang ngayon ay nakayakap parin sa akin. Maya- maya ay namatay ang tawag ngunit pagkaraan lamang ng ilang segundo ay muli itong nagri- ring. Ayoko sanang sagutin ito pero may kung ano sa loob ko na nagtutulak sa akin para gawin. Tiningnan ko ulit si Dark at ganun parin ang posisyon niya. In- accept ko ang tawag at inilapit sa tenga ko ang cellphone.

"Atlast, Dark sinagot mo rin ang tawag ko." Mahihimigan ko ang pagtatampo sa boses niya ngunit naandon parin ang lambing. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis at selos. Bakit kailangan niyang tumawag? Siya ba ang laging katawagan ni Dark? Hindi ako nagsalita at hinayaan ko siyang magpatuloy.

"I've been calling you for how many times this day but your phone is off and now naman na hindi, antagal mo naman sumagot." Hindi parin ako nagsasalita at hinayaan siyang umusap.

"When will you visit me at home ba? You know l'm on leave right now because of my situation and the last time you went here is noong nakaraan pa." Pumupunta si Dark sa bahay niya? Bakit? At anong sitwasyon niya ang sinasabi niya?

"Mom and Dad were both eager to see you again, you know, your Mom visited me yesterday and she keeps asking me if dinadalaw mo raw ako and l said yes naman."

Gusto ko sanang magsalita para sabihin sa kaniya na hindi si Dark ang kausap niya kundi ako na asawa ng gusto niyang kausap pero mayroong bumabara sa lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita.

"I miss you already honey...we both miss you. I love you..." Nang dahil don ay pinatay ko na agad ang tawag. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga ng ayos. Parang may lumulukob na sakit sa kalooban ko at hindi ako makaahon. Konti nalang ay maiiyak na ako.

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon