KABANATA 19

547 15 3
                                    

R-18

"D-dark?"

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay ang mukha ni Dark ang nabungaran ko. Pansin ko na nakainom siya base sa namumungay at medyo namumulang mata maging ang kaniyang ilong at pisngi. Magulo ang kanyang mahaba- habang buhok at naka- asul na tshirt at khaki short lamang siya.

"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya ngunit imbes na ako ay sagutin, itinulak niya bahagya ang pinto upang makapasok ng tuluyan sa loob ng kwarto. Pagkapasok niya ay inilibot niya ang kanyang mata hanggang dumapo sa maletang dadalhin ko bukas sa pag- alis.

"Pano ka nakapasok?" Muling tanong ko sa kaniya ngunit katulad kanina ay hindi niya ako sinagot. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa unit na ito, wala naman siyang susi at sigurado akong nailock ko ang pinto.

"So... It's true that you're going away... again." Nakangising usal niya. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa aking kabuuan. Bahagya akong namula dahil tanging bathrobe lamang ang suot ko at walang kahit ano sa loob. Basa pa ang aking buhok at tumutulo pa ang tubig sa sahig. Batid ko nga ay may sabon pa ring natitira sa aking katawan. Kung alam ko lang na siya ang kumakatok ay hindi na lamang ako lalabas ng banyo para pagbuksan siya.

"A-ano bang kailangan mo? Gabi na at hindi ka dapat narito," pinilit kong tatagan ang boses ko ngunit ang aking mga mata ay kung saan saan tumingin dahil hindi ko kayang tagalan ang kaniyang paninitig.

"Am l not allowed in here?"nanunuyang saad niya. Nakaangat ang gilid ng kaniyang labi ngunit may kung anong iba't ibang emosyon akong hindi mawari sa mga mata niya.

"H-hindi naman sa ganon... pero gabi na at..."

"At?" Naghihintay na tanong niya. Gusto ko sanang sabihin na hindi magandang pumunta siya dito sa dis oras ng gabi lalo na't wala ang mag- asawa rito, wala na rin namang rason kung ako ang pupuntahan niya.

"A-at... lasing ka... dapat ay pumirmi ka nalang sa bahay niyo at magpahinga." Alam ba ni Suzeth na nag- inom ang asawa niya? Alam niya ba na naandito siya ngayong mga oras na ito?

"Natin... Bahay natin." Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko hindi ko mahagilap ang mga nararapat na salitang lumabas mula sa aking bibig.

"It's still our house... You're still married to me so it means its our house." Madiing pahayag niya.

Gusto ko sanang magsalita ngunit walang lumabas na kahit ano sa aking bibig. Natutuliro ang isip ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"B-baka hinahanap ka na, kailangan mo ng umuwi." Pang- iiba ko sa usapan.

"Sino naman ang maghahanap sa akin?" Gusto kong sabihin na baka hinahanap na siya ng mag- ina niya kahit nalaman ko na hindi niya tunay na anak ang anak ni Suzeth.

"Sabihin mo, sinong maghahanap sa akin?" Wala akong masabi kaya pinili ko na lamang na hindi umimik at yumuko.

"Ikaw... Hindi mo ba ako hinahanap? Matagal na panahon din yon."

"H-huh?" Alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya ngunit mas pinili kong magmaang- maangan.

"Tsk,"

Mga ilang sandali ay namayapa ang katahimikan. Kahit na ako ay nakayuko at nakatingin lamang sa aking mga paa, ramdam ko na nasa akin lamang ang paningin niya.

"When will you leave?" Malamig na tanong niya.

"B-bukas," nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pagdaan ng sakit at galit sa mga mata niya ngunit agad din iyong nawala.

"When will you get back?"

"I don't know," babalik ako ng US para ayusin ang pagreresign ko pero hindi ko alam kung ilang araw muna akong magi- stay doon hanggang sa bumalik ako rito at dito na magtrabaho ng permanente.

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon