KABANATA 2

390 11 5
                                    

Nakaupo ako ngayon sa harap ng puntod ng anak ko. Nang gabing maagasan ako ay hiniling ni Dark na sa bakuran ng bahay namin siya ilibing. Parehas naming hindi alam ang kasarian ng dapat ay magiging anak namin dahil ginusto namin na sa paglabas niya ay tsaka palang namin malalaman.

Nakadukdok ang mukha ko sa tuhod ko habang ang mga luha ko ay parang ulan kung bumuhos. Pakiramdam ko na ang katawan ko ay parang nakalutang ngunit hindi sa kasiyahan kundi sa kalungkutan. Masakit sa pakiramdam na mawalan ng isang anak. Ni hindi ko manlang akalain na mangyayari ang bagay na ito sa amin ni Dark. Nangangatal ang labi ko dahil sa pag- iyak at masakit parin ang mga mata ko dahil sa pag- iyak. Dinama ko ang malamig na hangin habang ako ay nakatunghay sa puntod ng aking anak. Pagkaraan ng ilang minuto ay may yapak akong narinig mula sa likod ko. Pinihit ko ang sarili ko papaharap sa kaniya. Kita ko ang lungkot, pangungulila, galit at hinanakit sa mga mata niya. Wala parin siyang tulog katulad ko.

"Why did you do that?!"

Um- echo sa buong bakuran ang malakas na boses niya. Unahang nagragasa ang mga luha mula sa kaniyang mata. Nakita ko ang pag- igting ng mga panga niya at ang pagkuyom ng kamao niya. Alam ko na pinipigilan niya ang galit niya.

"Light..."

"Bakit mo siya pinalaya?!" Napayuko ako sa tanong niya. Nangangatal ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay matutumba ako.

"He almost raped you for fucking sake! Siya rin ang dahilan ng pagkawala ng anak natin!"

"I-i..."

"What?!"

"I told you not to go to him that night but you insisted! Pakiramdam ko na talaga na may mangyayaring masama sayo at sa anak natin...at nagkatotoo nga! He raped you!Sinaktan ka ng kaibigan mo! Dahil sa kaniya ay nawala ang anak natin tapos papalayain mo lang siya sa kulungang iyon?! What the fuck?! Are you insane?!"

"l-l did t-that because t-that's the right thing to d-do-"

"Right thing to do?! Really?! Yung anak natin, wala na! Dahil sa kaniya tapos sasabihin mo na yun ang dapat gawin?!"

"P-pinakiusapan ako ni T-tita Fely na p-palayain siya... Mahina ang katawan at puso niya at s-sabi ng doktor ay hindi lilipas ang linggong ito ay m-mawawala na siya..."

"That's why you let Rohan out of that fucking jail, huh?!" Dahan- dahan akong tumango. "What about you?! Mas mahalaga pa ba ang ibang tao kaysa sa sarili mo?!Sa anak natin?! Sa...s-sa akin?!" Unti- unti siyang napaupo. Sinabunutan niya ang buhok niya at napapahilamos sa mukha. Nagalaw ang balikat niya dahil sa matinding pag-iyak.

"M-mamatay na si Tita, 'yon lang ang kaya kong gawin para sa kaniya sa lahat- lahat ng tulong niya sa akin. Alam mo naman na kung hindi dahil sa kaniya ay...ay hindi ko makakamit ang kung anong m-meron ako, mamamatay ako sa gutom...Tinuring niya akong a-anak..."

"Pero paano yung anak natin?!"

Pilit kong pinapaintindi sa kaniya ang gusto kong sabihin kahit alam kong hindi niya maiintindihan ang ginawa ko.

"Nasa ospital ang mama mo nang dahil sa akin! Dahil sa kagagawan ko! Nasa ospital din si T-tita at kung sakaling mamatay siya ng hindi ko tinutupad ang pangako niya, pakiramdam ko ay kasalanan ko! Kasalanan ko na naman! Kaya kahit masakit para sa akin, ginawa ko dahil hindi kaya ng konsensya ko na makitang wala na siyang buhay at wala akong nagawa sa kaniya! Masakit para sa akin, sobrang sakit! Ina ako...sobrang sakit mawalan ng anak. Ansakit- sakit dito," Tinuro ko ang puso ko. "Pero kahit anong sakit, kahit gaano kabigat at gaano kahirap...titiisin ko...Kaysa ako ang maging dahilan ng pagkamatay niya!"

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon