Nakatayo lang ako at nakatingin sa bukas na pinto. Tulala. Kanina pa nakaalis ang mama ni Dark pero heto pa rin ako, naandito sa kinatatayuan ko. Bumalik lamang ako sa wisyo ng maramdaman ko na nilalaro ni Cree ang mga paa ko. Bigla ay naluluha ako.
"C-cree," Umupo ako at kinuha ko siya, kinandong ko sa mga hita ko. "Huwag mo kong iiwan, huh? I-ikaw na lang ang meron ako... "Ngayon ay tuloy- tuloy ang pagpatak ng luha ko. Ang sakit sa puso ko ay hindi ko maipaliwananag, para akong nasa dilim at nangagapa. Pakiramdam ko ay muling winawasak ang puso ko, napakasakit. Pakiramdam ko ay bibigay ako. Lalo na sa mga sinabi ni Mama bago siya umalis.
"He's with Suzeth right now...basically, sila lang dalawa ng anak ko and l wonder kung anong mangyayari sa kanila sa loob ng tatlong araw na magkasama..."
Natulala ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na si Suzeth ang kasama niya, alam ko na may kasama siya pero hindi ko alam na siya. Kaya ba hindi niya sinabi sa akin kanina kung sino ang kasama nung tinanong ko siya? Ganun ba iyon?
"I bet hindi sinabi ng asawa mo kung sinong kasama niya?" Hindi ko siya sinagot at napatungo lang ako. Pakiramdam ko ay naloko ako.
"Hindi mo na naman pala kailangang sagutin," Muli ay nakita ko ang pang- uuyam sa kaniya. Animo'y natalo ang kalaban at siya ang nagwagi sa debate. "I already know the answer, just by looking at you..." Ngumisi siya pagkatapos nun.
"Just a piece of advice, hangga't maaga pa...ikaw na ang lumayo sa anak ko. Niloloko ka na niya, hindi mo ba nakikita? Hindi naman ganoon kaimportante ang kailangan niyang asikasuhin sa Cebu pero pumunta pa rin siya, sa tingin mo bakit?" Nakakaloko ang boses niya. Para siyang isang kontrabida sa teleserye.
"Kasi...kasama niya si Suzeth... Masyado kang harang para sa kanilang dalawa kaya sila na ang nag- adjust para sa'yo." Ngayon ramdam ko ang sakit. Kung ganon ay niloloko niya lang ba talaga ako? Pero bakit? Paano?
"Ibukas mo 'yang mga mata mo...'wag kang magpakatanga. Hayaan mo na silang maging masayang dalawa...They loved each other can't you see? Ikaw lang talaga ang sagabal at siguro'y naaawa lang sa'yo ang anak ko kaya hindi niya masabi- sabi sa'yo."
"Sige, aalis na ako..." Tumalikod siya at naglakad papalabas ngunit bago siya makahakbang ng tuluyang papalabas sa pinto ay humarap siya sa akin at nginisihan ako. "Yun talaga ang dahilan ko kung bakit ako pumunta rito...para malaman mong magkasama silang dalawa."
"C-cree..." Saad ko. Tiningnan ako ng aso at para bang malungkot siya dahil malungkot din ang amo niya. Siya nalang ang kakampi ko. Hinihimas ko ang balahibo niya at patuloy sa pagluha ang mga mata ko. Mag- iilang minuto na rin akong ganito.
"M-mahal niya pa kaya ako?"
Pagsapit ng gabi ay ramdam ko ang lungkot, madilim ang gabi at walang mga bituin sa kalangitan. Tanging buwan lamang ang aking nakikita ko mula sa veranda ng kwarto ko. Noon ay sabay naming pinagmamasdan ang kalangitan, meron man o walang mga bituin. Sabay naming sasalubunging dalawa ang pagsapit ng umaga at magkasama kami hanggang sumapit ang gabi.
Hindi ko na mabilang kung ilang text na ang ipinadala ko sa kaniya ngunit wala man lang kahit isang reply sa akin. Nandito pa ang huling text niya na hindi naman para sa akin kundi para kay Suzeth. Nakaramdam ako ng kirot. Dati- rati ay wala siyang pinapalampas sa mga text ko, ngunit ngayon kahit isa ay wala akong matanggap mula sa kaniya.
Nakailang tawag narin ako sa numero niya ngunit katulad sa mga text ay hindi niya rin sinasagot. Mula kaninang umaga, kaninang tanghali at ngayong gabi. Laging 'cannot be reached' ang cellphone niya. Ano na kaya ang ginagawa niya? Kumain na kaya siya? Magkasama ba silang matulog ni Suzeth? Alam kong nasasaktan ako dahil sa pag- iisip ko ng kung anu- ano pero hindi ko mapigilan. Paano kung totoo yung sinabi ng mama niya? Na sagabal ako para sa kanilang dalawa? Paano kung totoong mahal na ni Dark si Suzeth at hindi na ako? Kaya ko? Kaya ko bang tanggapin? Konti nalang ay mapaluluha na naman ako.
BINABASA MO ANG
HER MISERY (COMPLETED)
Romance[ C O M P L E T E D ] Married life isn't an easy life, especially if people surrounds you doesn't agree in you being with him. But as they say, love is stronger than any other thing in this world. He loves her and she loves him but the love they had...