KABANATA 8

382 14 1
                                    

"She's with me."

Napalingon kami ni Zeb sa kaniya. Ngayon ay hawak niya na ang isang galon na ice cream. Matiim na nakatingin lang siya kay Zeb at igting ang panga. Tumingin sa akin si Zeb na parang nagtatanong.

"U-uh... Dark," Lumingon ako kay Dark at tinaasan ako ng kilay. "This is Zeb, siya yung may- ari nung bar na pinuntahan namin ni Dia kagabi."

"A-and uh...Zeb, si Dark. Asawa ko." Pansin ko na nabigla siya sa sinabi ko. Nakita kong bumagsak ang balikat niya.

"P-pare, l'm Zeb. Nice meeting you." Tumayo si Zeb at Iniabot niya ang kamay niya kay Dark para makipagkamay pero tinanguan lang siya nito. Napapahiyang ibinaba ni Zeb ang mga kamay niya.

"Let's go home," Ngayon ay nasa akin ang tingin ni Dark. Malamig ang pagkakatitig niya. Agaran na akong tumayo at tumango. Bago umalis ay lumingon muna ako kay Dark.

"I-im sorry," pahinging umanhin ko sa kaniya at sa inasal ni Dark. Hindi naman dating magaspang si Dark sa pakikitungo sa mga tao. "Will go now." Tumango lang siya at saglit na ngumiti. Umalis na ako at sumunod kay Dark na nauna ng lumabas ng parlor.

Pagkalabas ko ng ice cream parlor ay nakasandal siya sa kotse at matalim na nakatitig sa akin. Binuksan niya ang pinto kaya pumasok ako. Umikot siya sa kabila para makapasok sa sasakyan at padabog na sinarado ang pinto.

"Is he the one who brought you home last night?" Madiin na saad niya.

"Y-yes." Nauutal na usal ko.

"And you called me Dark in front of him, huh?" Rinig ko ang sarkasmo sa boses.

"A-ah..." Wala akong masabi. Bawal ko ba siyang tawagin na Dark? Diba't yun ang pangalan niya? Biglang naalala ko na ayaw niya nga palang tinatawag ko siyang ganoon.

"S-sorry." Mahinang saad ko.

Pagkatapos nun ay hindi na siya nagsalita. Pansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Tumunog ang cellphone niya dahil may tumatawag. Tiningnan niya kung sino ang caller ngunit madilim parin ang anyo niya at pinatay ang tawag. Muling tumunog ang cellphone ngunit katulad ng una niyang ginawa ay pinatay ang tawag.

"Bakit hindi mo sinasagot yung t-tawag? Baka importante."

"It isn't" Maikling sabi niya. Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay hindi na siya nagsalita pa. Binitbit niya ang mga binili namin habang hawak- hawak ko si Cree na ayaw paring magising.

Pagpasok sa bahay ay inihiga ko muna sa sofa si Cree at inilagay sa lagayan ang mga gamit niya. Siguro mamaya ay paliliguan ko siya, pakakainin ko muna siya tutal ay tanghali narin.

"L-light, anong gusto mong ulam?" Nasa may kitchen siya at nakatalikod sa akin. Naglalagay ng ice cream sa baso.

"Anything." Mas mabuti na rin yun kaysa wala siyang sabihing gustong ulam.

Kapag tanghali naman ay kaunti lang siyang kumain kaya nag gisa nalang ako ng corn beef na may patatas at nagprito din ako ng itlog. Nagtimpla rin ako ng juice para ganahan siya. Bihira lang kaming magsama sa loob ng isang araw kaya susulitin ko na.

Napangiti ako ng makita siyang sunod- sunod ang subo sa pagkain. Ngayon ko nalang siya ulit nakita ng ganito.

"Dahan- dahan lang." Sabi ko. Tumango lang siya pero nagpatuloy sa pagkain.

Napatigil kaming dalawa nang tumunog ang cellphone niya. Mula rito ay nakita ko kung sino ang tumatawag. Si Suzeth. Ang ngiti sa labi ko ay biglang nawala, bigla ring bumigat ang dibdib ko. Tumingin sa akin si Dark pero umiwas ako ng tingin. Ayokong makita niya na nasasaktan ako. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkain. Maya- maya ay tumawag ulit ito sa kaniya dahil pinatay nito ang tawag kani- kanina. Napabuntong- hininga siya at kinuha ang cellphone.

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon