Ngayon ay nakatingin ako sa salamin, tinitingnan ang sarili. Nakasuot ako ng pulang dress at hindi ko mawari kung bagay ba sa akin. Tube- style ang pangtaas at crossback, hapit ang maikling palda na hanggang sa may taas ng tuhod. Nakasuot din ako ng itim na high heels na nagpadagdag sa taas ko. Sa tingin ko isang maling kilos lang ay masisilipan ako at matatapilok. Simple lang ang pagkaka- make up sa akin, kulay pula rin ang lipstick na katulad ng kulay ng damit ko. Nakaladlad din ang mahaba kong buhok.
"Therie- wow! You looks great!" Bumukas ang pinto at pumasok si Dia, nakaitim siya na dress. Ang ganda niya sa suot niya, may hiwa sa bahagi ng dibdib at may slit sa kanang bahagi ng hapit na palda. Hindi bastos tingnan dahil marunong siyang magdala.
"Are you ready?" Tanong niya. Umiling ako. Hindi ako sanay sa mga ganito. Kahit noong college kami ay hindi ako sumasama sa mga night outs niya. May trabaho ako sa gabi kaya hindi ako pepwede pero kahit wala man ay hindi parin ako sumasama. Tanda ko pa kasi noong isang beses akong sumama sa pagpa- party niya. Nagalit sa akin si Dark dahil sa suot ko, bukod don ay nagalit din siya dahil nalasing ako ng sobra. Simula non ay hindi na ako sumubok pa ulit.
"Psh. Don't be nervous! Ang ganda mo kaya, bagay sa'yo yang damit ko!" Pinahiram niya ito sa akin dahil wala naman akong mga gamit na katulad nito.
Napilitan lang talaga akong sumama dahil kanina. Sana pala ay hindi nalang ako umoo. Sumama pa talaga siya sa akin kanina pauwi para ihatid si Cree at para masigurado na sasama talaga ako sa kaniya. Pagkatapos ay nagdiretso kami dito sa bahay niya at dito na ako pinagbihis.
"Malay mo makahanap ka ng fafa mamaya...tos yun na forever mo!"
"Sira ka!"
"Psh. Nagbibiro lang ako! Alam ko namang tagos sa buto ang pagmamahal mo kay Dilim!"
"Uy, ano ba! 'wag mo munang isipin si Dark at busy pa 'yon kay higad! Magsaya- saya ka naman, loosen up gorl!" Sabi niya ng manahimik ako.
"Anubayan! Lumarga na nga tayo!" Hinila niya ako papalabas ng kwarto at lumabas na ng bahay. Kotse niya ang gamit namin papunta sa bar. Opening daw ng bar ngayon, ka- close niya ang may-ari kaya pupunta kami. Ayaw niya raw na mag- isa siya kaya isinama niya ako.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay sobrang ingay. Maraming mga tao ang nandito kahit sabihing opening palang. Kalimitang makikita sa bar, may nag- iinuman at nagsasayawan. Sobrang wa- wild ng mga tao at animo'y ngayon lang nakalabas sa hawla. Hindi iniinda ang suot na mga damit ganun man kaiksi. Kahit makitaan na ng hindi dapat makita ay ayos lang para sa kanila.
"Let's go there, Therie." Turo niya sa may counter. "Andon si Zeb, yung may- ari nitong bar."
Pumunta kami sa may counter kung nasaan yung tinuro niya. Sa tingin ko ay kaidaran lang din naming dalawa ni Dia. Maskulado ang katawan at may katangkaran. Maputi rin at may kakisigan.
"Hi, Zeb!" Ngiting tawag ni Dia. Tumingin siya saglit sa kaibigan ko at ngumiti, pagkatapos ay sa akin.
"Diane, l'm glad you're here with your friend." Hindi parin maalis ang tingin niya sa akin. Bigla akong nailang sa paraan ng pagtitig niya.
"Yeah, this is Therie, she's my friend." Iniabot niya sa akin ang kamay niya, para hindi maging bastos ang dating ay iniabot ko iyon at nakipagkamay.
"I'm Zebeony..." Tumango nalang ako at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Anyways, enjoy the party both of you, make the most out of tonight." Bago siya umalis ay ngumiti ulit siya sa amin. May tumawag kasi sa kaniya at kailangan niyang harapin. Mabuti narin.
"Mukhang may gusto pa sa'yo, Therie. Iba talaga ganda mo." Bulong ni Dia sa may tenga ko. Kailangan niya pang lumapit dahil malakas ang tugtugan at hindi kami magkarinigan.
BINABASA MO ANG
HER MISERY (COMPLETED)
Romance[ C O M P L E T E D ] Married life isn't an easy life, especially if people surrounds you doesn't agree in you being with him. But as they say, love is stronger than any other thing in this world. He loves her and she loves him but the love they had...