KABANATA 3

364 14 2
                                    

"I'll go there. Wait for me, Suzeth." Isinarado niya ang laptop niya at kinuha ang jacket at susi na nakapatong sa may table.

"Saan ka pupunta?" Linggo ngayon kaya wala siyang pasok. Kapag ganito ay nasa bahay lamang siya, magbababad sa trabaho at bihira lumabas ng bahay.

"Kila Suzeth," Bigla ay nakaramdam ako ng selos. Si Suzeth ang matagal ng gusto ng magulang niya para sa kaniya. Kaibigan ng magulang niya ang magulang nito. Ngayon ay magkatrabaho sila dahil business partners sila sa trabaho. Hindi ko maitatanggi na maganda siya at noon pa ay alam ko na may gusto rin siya kay Dark. Tanda ko noong college kami, nagalit siya sa akin dahil ako ang niligawan ni Dark at hindi siya. Hanggang ngayon ay alam ko na may gusto pa rin siya.

"Anong oras ka babalik?" Tanong ko.

"I don't know," Walang gana niyang sagot. Alam niya na noon pa man ay nagseselos ako kapag lagi niyang kasama si Suzeth, hindi ko kasi maiwasang mag- isip. Paano kung magkagustuhan sila? Paano kung maisip niya na mas deserving siya sa kaniya at hindi ako? Paano na ako? Hihiwalayan niya? Lalo na ngayon na ganito ang sitwasyon namin, maaaring maibaling niya ang atensyon niya dito. Hindi ko alam kung papaano ko kakayanin iyon.

"Hindi ka pa kumakain," Tanghali na at hindi pa siya kumakain simula kaninang umaga. "Kahit kumain ka muna bago umalis."

"I'll just eat somewhere," Umiling siya at tumalikod na sa akin. Lumabas siya ng pinto at iniwan akong mag- isa. Napabuntong- hininga ako.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa paggawa ng gawaing bahay. Araw- araw, ito ang ginagawa ko. Una kong nilinis ang kwarto niya, pinalitan ko ang cover ng kama at ang punda ng mga unan. Tuwing linggo ay lagi kong pinapalitan ang mga ito. Pagkatapos ay bumalik ako sa baba at doon nagsimulang maglinis. Bandang ala una ay nakaramdam ako ng gutom. Kumain akong mag- isa katulad ng lagi kong ginagawa. Hindi ko mapigilang alalahanin yung mga panahon na lagi kaming sabay kumain. Hindi siya kakain hanggat hindi ako kakain dahil gusto niya na sabay lagi kaming dalawa. Kahit hindi pa ako gutom ay napipilitan akong kumain dahil sa kaniya. Napangiti ako ng mapait. Sana lang ay maranasan ko ulit iyon, sana lang ay maging maayos pa kaming dalawa.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa may bakuran. Kung saan nakalibing ang anak ko. Dito ako laging nagpapalipas ng oras, dahil pakiramdam ko ay kasama ko lang siya. Hindi ako nakakaramdam ng lungkot kapag naandito ako at hindi ko iniisip na mag- isa lang ako.

"Anak..." Pagkausap ko sa kaniya. "What are you doing there?" Siguro kung nabubuhay siya ngayon ay nilalaro ko siya at masaya kaming tatlo. Nang malaman ni Dark na buntis ako, bumili agad siya ng gamit ng bata. Mga feeding bottles, stroller maging damit. Kulay yellow lahat ng binili niya kasi hindi pa naman namin alam kung ano ang kasarian ng bata. Sobrang saya niya nung mga panahong 'iyon, lumabas siya talaga ng bahay at pinagsigawan na magiging daddy na siya.

"I know for sure, once our baby out of your womb. My parents will accept our relationship...l'm really excited for that. But l'm more excited for our baby...l want to meet our child soon..."

Pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataong mahawakan ang bata, kahit ang makita lang siya...Habang- buhay na ring mananatiling galit at ayaw sa akin ang magulang niya...at matatagalan pa sigurong magkaayos kaming dalawa...

Pinahid ko ang luhang tumakas mula sa mga mata ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng short ko at sinagot ang tawag.

"Napatawag ka?" Pinilit kong tatagan ang boses ko. Ayokong mag- alala siya sa akin.

"Masama?!" Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko, sobrang lakas ng boses niya at pakiramdam ko ay mababasag ang eardrums ko.

"Dia, anlakas ng boses mo!" Siya ang kaisa- isang kaibigan kong babae mula pa noong high school ako. Magkablock kami nung college year namin kaya mas naging close kami sa isa't isa. Pumasok din kami sa iisang publishing company. Hanggang ngayon ay naandon siya at nagtatrabaho, sinubukan kong bumalik doon kaya nagpaalam ako kay Dark na magtatrabaho ako, nagalit siya sa akin at binulyawan ako. Hindi ba raw sapat ang binibigay niya sa akin kaya hindi na ako nagpumilit pa ulit na magtrabaho.

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon