KABANATA 10

424 16 5
                                    

"Do you want to go somewhere?" Tanong sa akin ni Dark. Linggo ngayon at hindi siya pumasok sa opisina. Nasa bahay lang kaming dalawa at nasa sala. Nanood ng bagong labas na mga movie ngayon. Nasa gitna namin si Cree na ngayon ay natutulog, marahil napagod sa kakalaro.

"Okay lang naman ako dito sa bahay," Hindi naman ako naiinip na dahil naandito si Cree at siya. Lagi na namang naglalagi sa bahay si Dark at lagi ko na siyang nakakasama ng mas matagal kaysa noon.

"Nah, let's go somewhere. Go upstairs and change, will bring Cree with us." Tumayo na siya at umakyat na, naguguluhan akong sumunod sa utos niya. Pinatay ko muna ang tv at tumaas na kasama si Cree. Napaliguan ko na naman siya kaya ako nalang ang maliligo. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng floral off- shoulder dress tapos ay binagayan ko ng simpleng sandals. Naglagay lang din ako ng manipis na make- up. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta kaya siguro okay na itong suot ko.

Maya- maya ay bumaba na kami, naandon na si Dark at nakabihis din, nakaupo sa sofa at tulala.

Nitong mga nakaraang araw ay balisa si Dark. Ramdam at pansin ko iyon. Kapag tinitingnan niya ako ay ang lungkot- lungkot ng mga mata niya. Kapag nakain kami ay nakatulala siya minsan at ang lalim ng iniisip niya. Kapag tinatanong ko siya kung ano ba ang problema ay ngingitian niya lang ako at sasabihin 'wala, sorry'. Hindi ko alam kung bakit siya nagsosorry sa akin, ayaw niya naman kasing sabihin kaya hindi ko alam.

Palagi rin siyang may kausap sa cellphone at hindi ko alam kung sino 'yon, kapag nagsasalita siya ay ramdam ko ang galit at pagkainis sa boses niya. Sinasabunutan niya rin ang sarili niya dahil siguro sa frustration. Kapag mababaling sa akin ang tingin niya ay nagiging maamo ang mukha niya. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba ang nangyayari pero natatakot ako na baka hindi ko magustuhan ang malaman ko.

Hindi parin kami nakakapag- usap tungkol sa hindi magandang nangyari sa pagitan namin ni Dark, hindi pa kami nakakapag- usap tungkol sa naging kasalanan ko sa kaniya, ang pagkawala ng anak namin at ang pagtigil ko sa kaso ni Rohan. Hindi pa namin napag- uusapan ang mga iyon, gusto kong siya ang unang mag- ungkat niyon at tatanggapin ko kung ano ang mga sasabihin niya.

Mga ilang linggo na rin nang magsimulang bumalik ang trato sa akin ni Dark, masaya sa pakiramdam dahil feeling ko ay unti- unti na kaming bumalik sa dati, unti- unti na siyang bumabalik sa buhay ko. Mas naging sweet siya sa akin ngayon at palagi niya akong nginingitian, bumabalik na rin ang sigla niya sa mga mata. Nanibago lang ako kasi nitong mga nakaraang araw ay balisa siya pero mas dumoble ang kasweetan niya.

Naalala ko pa noong hinalikan niya ako bago siya umalis at pumuntang opisina, iyon ang kauna- unahang halik niya simula nang sa tingin ko ay unti- unting pagkakaayos namin.

"Light?" Nagitla siya ng tawagin ko siya pero lumingon siya sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik.

"Let's go?" Anya niya. Tumango ako. Hinawakan niya ang jess ni Cree at kinuha ang isang kamay ko. Napatingin ako sa magkasalikop naming kamay. Maya- maya ay lumabas na kami at kinuha niya ang sasakyan, pinagbukas niya ako ng pinto, pumasok na ako sa kotse at umikot siya para makasakay sa loob.

Tahimik lang siyang nagda- drive habang hawak niya parin ang kamay ko. Parang ayaw niya iyong bitawan dahil ang higpit- higpit ng pagkakahawak niya. Napapangiti nalang ako dahil namiss ko ang ganitong gesture niya.

"Pwede bang buksan natin yung radio?" Tanong ko sa kaniya. Antahimik kasi at nasa mood akong mag sound trip. Tumango siya sa akin at ngumiti, siya narin ang nag bukas sa radio.

'When I first saw you, I saw love

And the first time you touched me,

I felt love And after all this time

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon