Lumipas ang ilang mga araw at nagpatuloy ang ganoong trato sa akin ni Dark. Hanggang ngayon ay naninibago ako sa kaniya, napapanganga at kung minsan ay natutulala. Sa pagdaan ng mga araw ay nakikita ko ulit yung dating Dark, yung Light na minahal ko. Nakikita ko na palagi ang ngiti niya at naririnig ko na ang pagtawa niya lalo na kapag kalaro niya si Cree. Minsan nga ay naiisip ko na si Dark talaga ang amo ng aso ko at hindi ako.
Maaga na rin siyang umuwi kapag galing sa trabaho, nakakasabay ko na siya sa pagkain. Hindi na siya palaging lasing. Pansin ko rin ang laging pagsulyap niya sa akin kapag hindi ako nakatingin sa kaniya. Pero minsan ay nakikita ko paring tumawag sa kaniya si Suzeth ngunit hindi ko nalang iyon pinapansin dahil baka tungkol lang sa trabaho ang pinag- uusapan nila. Isa pa ay asawa ko si Dark at may tiwala ako sa kaniya. Minsan nga ay narinig kong mag- i love you si Dark sa akin.
Bitbit ko si Cree pagtaas para pumunta sa kwarto ko, mga alas nuwebe na rin at inaantok na ako. Maagang umuwi si Dark at sabay kaming kumain. Nang malapit na ako sa tapat ng kwarto niya ay bumukas ang pinto. Sandali akong napatigil at tiningnan si Dark. Nakapantulog na rin siya katulad ko.
"Where are you going?" Pagkarakay tanong niya. Malamang ay sa kwarto ko ako pupunta para matulog. Ano bang klaseng tanong yan?
"Huh? Sa kwarto ko. Matutulog na ako." Sabi ko sa kaniya. Kita ko ang pagkibot ng labi niya na tipo'y may gustong sabihin. Hindi muna ako umalis sa pagkatayo ko.
"Goodnight, tutulog na ako. Matulog ka na rin." Lumakad na ako at nilagpasan siya dahil ayaw niyang magsalita at nakatingin lang sa mukha ko. Ngunit hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako at napaharap sa kaniya. Ramdam ko ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa paghawak niya.
"G-good night too..." Naguguluhan akong tumango sa kaniya. Maya- maya ay binitawan niya na ang braso ko kaya lumakad na ako, hindi pa ako nakakailang hakbang nang may sabihin siya.
"I love you,"
Agad akong napalingon dahil don. Mahina lang ang pagkakabigkas niya ngunit sigurado ako sa nadinig ko. Ramdam ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko. Para bang tinatambol ito at hindi magkandaugaga ang mga paru- paro sa tiyan ko.
"H-huh?" Nauutal kong tanong sa kaniya. Pansin ko na hindi siya makatingin sa akin at namumula ang dalawa niyang tenga. Nakikita ko ngayon ang Dark noong college ako, ang torpeng Dark na hindi makitingin sa akin dahil sinabi niyang mahal niya ako.
"May sinabi ka?" Umaasa ako na marinig ko nang malinaw iyon sa kaniya. Kay tagal ko nang hinintay na bigkasin niya ulit iyon para sa akin.
"N-nothing...just g-goodnight." Yun lang ang sinabi niya at pumasok na sa kwarto. Ni hindi manlang ako tiningnan. Ngunit kahit ganon ay may ngiti ako sa labing pumasok sa kwarto ko, masaya kong niyakap si Cree pagtulog.
Maya- maya ng masiguro kong tulog na si Dark ay dahan- dahan akong nagtungo sa kwarto niya katulad ng lagi kong ginagawa. Pinagmasdan ko ang bawat parte ng mukha niya. Humiga na ako at niyakap ko siya patagilid at hinayaan ko ang sarili kong makatabi siya kahit saglit. Malalim na ang paghinga niya kaya sigurado akong tulog na siya. Bumulong ako malapit sa may tenga niya.
"I love you too, Light."
Mas maaga akong nagising ngayon. Alas singko palang ay bumaba na ako. Napagdesisyonan ko kasi na ilabas si Cree at maglakad- lakad. Medyo matagal na rin simula ng mag jogging ako kaya kahit lakad manlang ay magawa ko ngayong maga. Tulog pa naman si Dark at maaga pa para magluto ako kaya mamaya nalang pagbalik namin ni Cree.
"Let's go, Cree. Igagala kita sa labas." Hawak ko ang jess niya, noong nagpunta kami sa Vietta ay ibinili ko siya para kapag may pupuntahan kami at gusto ko siyang isama ay hindi ako mahihirapan na bitbitin siya.
BINABASA MO ANG
HER MISERY (COMPLETED)
Romance[ C O M P L E T E D ] Married life isn't an easy life, especially if people surrounds you doesn't agree in you being with him. But as they say, love is stronger than any other thing in this world. He loves her and she loves him but the love they had...