3 years later...
"Are you sure you don't want to get the position? You deserved that by the way."
"Lezabel is more deserving than me, and actually l have plans on my own." Ngumiti siya sa akin kahit alam ko na gusto niyang ipagpilitan na kuhanin ko yung in- offer na position para sa editorial board.
"Hmm. I guess not." Umiling- iling siya sa akin. Napatawa ako, lagi nalang silang magkaaway na dalawa.
"I'm sure, she is Flyn."
"Tss. You know she's flirty, maybe she seduced those morons that's why she has the guts to smile in front like she's owning your supposed to be position in the board. "
"She's good, Flyn. You know that, you just don't like her."
"Whatever," ngumisi lang siya sa akin at umalis na, pumunta sa cubicle niya. Humarap na ako sa laptop at nagpatuloy sa ginagawa ko. Pagkatapos nito ay maaari ko ng gawin ang gusto ko.
Tatlong taon ang nakalipas pero parang bago parin sa akin ang lahat. Lahat ng alaala, sakit at lungkot maging pangungulila. Noong araw na nagdesisyon akong umalis at magpakalayo- layo, si Ma'am Violeta ang naisip kong makakatulong sa akin. Ilang araw akong pumirmi sa rest house niya kahit ayoko pero sabi niya ay wala naman daw gumagamit non at pwede akong mag stay dahil inaayos niya pa ang mga kakailanganin ko para makaalis, umoo na rin ako dahil kung sakaling kay Dia ako maglalagi, mahahanap ako ni Dark. Kung hahanapin nga ako. Wala rin naman akong ibang pupuntahan.
Nagpalit ako ng sim para hindi ako matawagan ng kahit sino kahit pa si Dia, nag deactivate din ako ng mga social media accounts ko para wala munang communication pero ni- save ko parin yung number niya sa bago kong sim. Number niya lang ang ni- save ko at wala ng iba.
Akala ko ay sa Switzerland ako magtatrabaho pero meron na palang napadala roon si Ma'am Violeta. Akala ko ay hindi matutuloy ang pag- alis ko pero in-offeran niya ako na magtrabaho sa isang publishing company rin sa US, umoo ako basta't makakaalis ako at makakalayo- layo. After two weeks na nasa US na ako, tsaka ko lang tinawagan si Dia. Hindi ko sinabi sa kaniya kung nasaan ako kahit pinipilit niyang sabihin ko sa kaniya, pinakiusap ko rin kay Ma'am Violeta na kami lang sanang dalawa ang makakaalam kung nasaan ako. Marahil ang alam ni Dia ay nasa Switzerland ako.
Tuwing magkakausap kami sa telepono ay kinakamusta ko siya ngunit hanggang maaari ay tungkol lang sa kaniya ang malaman ko at wala ng iba. Ayoko na makarinig ng iba lalo na kung tungkol kay Dark na pinipilit kong alisin sa isipan ko. Nitong nakaraan lang nalaman ni Dia na nasa US ako, kaya nabigla siya ng sabihin ko. Buong akala niya raw ay kung saan lupalop lang ng Pilipinas o kung hindi kaya raw ay sa Switzerland nga.
Nung bago- bago ako rito ay sobrang nahirapan ako. Mag- isa ako sa unit at kahit isa ay wala akong kakilala. Tanda ko pa noon na gigising ako sa umaga at titingin sa salamin na pugtong- pugto ang mata ko dahil sa pag- iyak, natutulala sa kawalan at lumalayag ang isip kung saan- saan. Ilang buwan din akong ganoon na parang walang buhay, walang buhay din na pumapasok sa trabaho. Tuwing gabi ay iiyak ako kahit ayoko ng may lumalabas na luha mula sa mga mata ko, sadyang hindi ko lang mapigilan. Walang gana kumain kung minsan kaya nalilipasan ako ng gutom. Nang mahimatay ako sa oras ng trabaho at maospital ay tsaka lang ako natauhan. Pinilit ko na magpakatatag mag- isa at hayaang maging masaya kahit papaano. Palayain ang sakit at galit.
Simula noon ay nakapag- isip- isip ako na sarili ko muna ang bibigyan ko ng pansin at hindi ang ibang bagay. Masasabing nagpakalunod ako sa trabaho pero gusto ko naman at mahal ko ang ginagawa ko. Gigising ako ng umaga at pupunta sa tower para makapag- gym, papasok sa trabaho at sa gabi naman minsan ay nalabas ako kasama ng mga bago kong naging kaibigan. Sa nagdaang mga taon ay natuto akong mag- adjust ng pamumuhay dito, nagkaroon ako ng mga kaibigan at masaya ako sa kanila. Ako lang ang isang Pinay na nagtatrabaho sa company namin kay pulos ay may lahi, buti nalang ay gamay ko na ang lenggwahe nila at hindi ako nahirapang makisalamuha.
BINABASA MO ANG
HER MISERY (COMPLETED)
Romance[ C O M P L E T E D ] Married life isn't an easy life, especially if people surrounds you doesn't agree in you being with him. But as they say, love is stronger than any other thing in this world. He loves her and she loves him but the love they had...