KABANATA 12

394 11 1
                                    

"Anong balak mo ngayon?"

Nag- angat ako ng tingin kay Dia na ngayon ay nakapameywang sa harap ko. Kanina nang hindi na ako nahagulgol sa pag- iyak ay kinuwento ko sa kaniya ang nangyari. Galit na galit siya sa dalawa at may balak pa nga siyang sumugod ngunit pinigilan ko siya. Ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko.

"Hindi ko alam," nag- iwas ako ng tingin sa kaniya, nandito kami ngayon sa isa niyang kwarto na pansamantala kong tutuluyan. Pumayag siya na dumito muna ako at ayaw niya na nga akong paalisin, dito na daw ako permanenteng tumira. Wag na raw ako bumalik kay Dark.

Wala akong plano sa ngayon, ayoko munang makausap si Dark dahil naguguluhan pa ako, ayoko munang umuwi sa bahay dahil alam kong naandon siya. Hindi pa ako handang pakinggan ang sasabihin niya, kung ano ang explanation niya sa nangyari.

Pagdating na pagdating ko palang dito ay pinatay ko na agad ang cellphone ko dahil wala rin akong balak sagutin ang mga tawag niya. Hindi ko alam kung may ideya siya na nakila Dia ako ngayon, pero sa tingin ko ay meron dahil alam niya naman na si Dia lang ang pwede kong puntahan.

Nakatutulala lang ako at nakatingin sa mga kamay ko. Iniisip ang nangyari kanina. Bakit nasa opisina si Suzeth? Alam kong doon din siya nagtatrabaho pero sabi niya sa tawag kagabi ay on leave siya. Dahil ba gustong- gusto niyang makita si Dark kaya kahit on leave siya ay pumunta siya sa opisina? Pupunta ba si Dark sa bahay nila? Ano? Naguguluhan ako.

Ang makita pa ang ayos nila kanina pagkabukas ko ng pinto, naghahalikan sila. Nakasampay sa leeg ni Dark ang braso ni Suzeth at magkadikit na magkadikit sila. Isama pa ang nakababang strap ng dress niya. Hindi ko maiwasang masaktan dahil don. Kung hindi ba ako dumating ay mas higit pa ron ang magagawa nila? Istorbo ba ako at dapat na hindi na kumatok pa at hayaan sila sa kahalayang ginagawa nila? Kailan pa nila ginagawa ang bagay na iyon? Simula ba noong hindi kami ayos ni Dark ay ginagawa nila iyong dalawa? Kapag ba lasing at late na nauwi sa bahay si Dark ay dahil sa kaniya? Noong sa Cebu? Magkasama ba talaga silang dalawa sa kwarto? Edi ibig sabihin ay ginawa nila? Lalaki si Dark kaya hindi imposibleng hindi mangyari ang iniisip ko. Isa pa ay napakaganda ni Suzeth.

Ang isipin na naglalakbay ang labi at kamay ni Dark sa iba't ibang parte ng katawan ni Suzeth ay mas nakakapanakit sa akin. Naramdaman ko na naman ang mga luha kong napatak. Ito na ba 'yon? Nangyayari na ba ang kinatatakutan ko? Nakuha na ba ni Suzeth si Dark sa akin? Iiwanan niya ba ako? Ito na ba ang karma sa kasalanan kong nagawa?

"I know, sorry isn't enough but l want you to know how sorry l am... I'm really sorry for all the things i've done to you, baby...and now, l want to say sorry again b- because...because..."

Bigla itong pumasok sa isipan ko. Nang nasa garden kami noong nakaraan ay sinabi niya iyan sa akin. Ito na ba ang karugtong ng sinabi niya? Humihingi ulit siya sa akin ng tawad dahil sa nakita kong paghahalikan nila? O may mas higit pa na dahilan iyon? Dapat ba akong magtaka sa kaniya kung bakit bigla nalang nagabago ang pakikitungo niya sa akin?

"Basta, l'm sorry...and l really mean it. 'Wag mo kong iiwan kahit anong mangyari, kahit ano pa...please?"

Pero bakit sinabi niya sa akin na huwag ko siyang iiwan? Kahit na anong mangyari? Ano ba talaga? Sobra akong naguguluhan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at ansakit ng puso ko. Namamaga na ang mga mata ko dahil sa pag- iyak. Bakit niya nagawa iyon sa akin? Ganun ba kalaki ang galit niya? Light bakit ganon?

"Hoy, Therie!" Nagitla ako sa bahagyang pagtaas ng boses ni Dia. Nasa harapan ko pa rin pala siya.

"Bakit?" Sabi ko habang pinupunasan ang mga luhang tumakas mula sa mata ko.

"Ano iiyak ka nalang ba diyan?" Nakataas na kilay na tanong nito. Hindi ko na lamang siya sinagot dahil hindi ko alam kung kailan mauubos ang mga luha ko. May bukal ba sa katawan ko na pinagmumulan ng mga luha ko?

HER MISERY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon