ALYSSA VALDEZ
Simula nang huli nag usap kami ni Dennise ay hindi kuna sya nakita pa.
That was a 3 days ago. Alam kong may kasalanan din ako pero sana naman kung mag lalayas sya dahil lang sa nangyari sa amin ay dapat nag pa alam parin sya.
Hindi yung pinag aalala nya na ako dito. Kung saan saan kuna sya hinanap pero wala, buti nga sa loob ng tatlong araw ay hindi natawag ang mga magulang ni Dennise, na pinagtaka ko. Usually kasi tatawag ang mga yun para kamustahin kami. Kaya nakakapanibago lang na hindi nila kami tinawagan.
Wala pa naman silang alam sa nangyari sa amin ng anak nila.
"Ella! Ella!"
Tawag ko sa kaibigan ni Dennise. Pansin kong iniiwasan ako nito"O-oh Alyssa? A-anong ginagawa mo dito?"
Gulat nitong tanong. Pansin ko rin ang pagkabalisa nya.Nasa harap kasi ako ng Stenfield University kung saan sya nag aaral.
"May balita kana ba kay Dennise?"
Hindi ko pansin ang tanong nya bagkus ay nagtanong din.Yun lang naman ang pinunta ko dito. Alam kong may alam ang De jesus nato kaya kailangan kong malaman kung nasaan ngayon ang kaibigan nya.
"W-wala.. Hindi ko alam! S-sige alis nako! Bye.."
Anak ng! Tinakasan na naman ako.Lagi syang ganyan pag tinatanong ko ang tungkol kay Dennise. Halatang may tinatago.
Kinukulit kuna sya araw araw kung may alam sya kung nasan si Dennise. Duda na talaga ko dahil baka may alam lang sya na hindi ko alam.
Dahil wala narin naman si Ella, bukas kuna lang ulit sya kukulitin ay agad na akong dumeritso sa sasakyan ko dito sa tapat ng University nila.
Hindi kupa nabubuksan ang driver seat ng may tumawag sakin.
"Valdez.." Tiningnan kuna man si Rain at seryuso ang mukha nito.
"Stenfield.." Balik kong turan.
"What are you doing here?"
Kunot noong tanong nya. Napakamot naman ako sa batok."Tinanong ko lang yung kaibigan ni Dennise."
Mahina kong tugon. Pansin kong parang may kakaiba sakanya ngayon. Hindi ko lang mawari kung ano iyon.Hays. Bat lahat na lang ng nakapalibot sakin ay parang may kakaiba? Ako lang ba o talagang paranoid lang ako?
"Bakit?"
"Anong bakit?"
Balik tanong ko."May problema ba?"
Napasimangot naman ako.Ano yun? Tanungan nalang ba kami?
"Naglayas si Dennise. Wala na sya sa condo ko tatlong araw ng nakalipas, nag aalala nako kung nasaan sya.."
Nanghihina kong sabi dito.Napasandal naman ako sa hamba ng pinto ng sasakyan.
Pansin ko ang pag igting ng mga panga nito at ang pagkuyom ng mga kamao.
Ako naman tuloy ang nangunot ang noo.
Ano bang nangyayari dito?
Para kasi syang may galit sakin sa paraan ng pag titig nito. Pero wala pang minuto ng bumalik ang dating kalmadong ekspresyon nito
"Nag away ba kayo?"
"Parang..Parang ganun na nga——Nasabihan ko sya ng mga salitang hindi ko dapat sinabi. Nasaktan ko sya, we both hurt each other. But i regret every of those. Naka inom rin kasi ako nun."
Naalala kuna man ang nangyari sa amin kayat mariin akong pumikit.
BINABASA MO ANG
ATENEAN SERIES 1: ARRANGE MARRIAGE TO A CAMPUS PLAYGIRL (AlyDen)
FanfictionAn Alyden FanFiction story ❤