CHAPTER 9

1.4K 35 1
                                    

DENNISE MICHELLE LAZARO

"Ateeeee Greeeetttchhh."
Nabingi ata ako sa sigaw nila.

Napapangusong napatingin ako sa kanilang lahat na nag kukumpulan sa babaeng kararating lang, pagsinabi kong lahat—lahat po talaga sila.. Ultimong si Alyssa, nakisali.

Sino ba kasi ang bisita nila na kadarating lang? Pa importante e. Naiwan tuloy akong mag isa ditong naka upo sa couch.

"Oh my God! Ate gretch! Imissyouu!"-Mika

"Naman! Bat ngayon ka lang singkit?"- Ate fille

"Tagal mong di nagpakita ah?" Ate A

Rinig kuna man ang mabining tawa nung babaeng pinagkukumpulan nila.

"Gagi.. Busy lang sa hospital.." Tugon nya naman sa mga tanong ng mga kaibigan

"Dun kapa rin ba sa hospital ni mommy naka destino ate gretch?" Tanong naman ni Deanna.

Hmm so doctor sya? Or nurse? Base narin doon sa tanong ni deanna sakanya.

"Yes shobe.."

"Kala ko busy sa lovelife e.." Gatong naman ni Ate Dzi, nagtawanan tuloy sila dahil sa sinabi nito.

Sino ba kasi yan? Hindi na nila kasi ako napansin.

Hello! Im here pa kaya.

"Tama na nga yan.. Naiwan na tuloy si Denden oh?"
Mahahalikan talaga kita Ara hihi. Napansin rin kasi ako sa wakas! Akalain mo yun. Akala ko hangin nalang ako dito e.

Napatingin naman sya sakin kaya nahihiyang ngumiti na lamang ako dito.

Lumapit naman sakin si Alyssa at hinigit papunta doon sa bagong dating

"Ang bastos naman kung hindi kita ipapakilala diba?"

Abat! Ang gago nya talaga!

Pasimpleng sinamaan ko sya ng tingin dahil sa bulong nito. But she just give me a fake smile in return.

Kasuya! Hmpp. Ngitngit ko sa kalooban. Automatic rin akong napataas ng kilay dahil sa pagkairita sa kanya.

Bago pako makaangal ay andito na pala kami sa harapan ng bagong dating. Hindi kupa rin masyado maaninag ang mukha dahil medyo dim ang light sa parteng ito.

"Ate Gretch, si dennise pala.." Nakipag kamay naman ako dun sa babae, kahit hindi kupa nakikita ang mukha.

"Dennise?.." Tawag nya sakin. Parang hindi pa sya sigurado doon.

At parang familiar din sakin ang boses nya. Hmm san ko nga ba yun narinig? Nasa malalim akong pag iisip ng bigla syang sumigaw at tumili na syang kinagulat ko—i mean kaming lahat..

"Kyaaaahhh!! Dennisee ikaw nga!" She exaggeratedly exclaimed.

Yung matinis nya talagang boses ang nakapag pabalik sakin sa reyalidad. Agad rin nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino nga ba ito.

Damn! Si Doctora Gretchen Ho!

Ang cardiologist doctor koo!

What is she doing here? Sya ba yung kaibigan nila Alyssa na hinihintay nila? Lagot.

"D-doc?" Nauutal kong tawag dito.
Hindi nya naman pinansin ang pagkautal ko at binigla na lamang ako nitong niyakap ng sobrang higpit.

"Yes! Ako nga to den! Sheyytt.. How are you? Diba may appointment ka sakin this week? Bat hindi moko sinipot? You know naman na this is for your own good.." Nag aalburuto nyang turan, hindi kuna man mapigilang mapatawa.

ATENEAN SERIES 1: ARRANGE MARRIAGE TO A CAMPUS PLAYGIRL (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon