❦︎ᴄʜᴀᴘɪᴛʀᴇ ɪɪɪ

2.5K 102 9
                                    


3 years later...

"Iven pumutol ka nga ng mga malunggay jan at ipangsasahog ko dito sa ginataang alimasag na may kalabasa at sitaw. Ansarap" wika ni Tita Zie

Sya si tita Zielo Herros kapatid ni Daddy naging kaclose ko ito ng magtungo ako dito sa Probinsya ng Santa Cruz. Mabait ito at masipag yun nga lang mabunganga.

It's been 5 years since the incident na gusto ko na lang ring kalimutan pero hindi ako pinapatulog ng konsensya ko. 5 years ko ng dala dala ang bigat ng pagsisi na to.

Because of me my brother and my friends died. Kahit na malayo na ako sa kanya at matagal na panahon na palagi ko pa ring napapaginipan. That incident brings me triggers, panicked attacks and trauma.

Kung kaya ko lang ibalik.

Now that I'm here tinitrain din ako ni tita in many combat basic fights. Kaya ko na ngayon protektahan ang sarili ko. Pero alam kong wlaa pa ito sa kaya nyang gawin. That's why I didn't stop training myself in many forms of self defense. Kahit paghawak ng baril ay na training ko na. Even the right position to aim your targets in darts ay natrain ko na rin. Pero sa loob ng five years na yun alam kong di pa rin ito sapat.

Kahit na combat or physical fights using any tools ay di ko pinalagpas. Alam ko wala pa to sa kaya nyang gawin pero sana maging sapat na para kahit papaano'y matapatan sya.

I can't always rely on others just like what I did back then. Now I have to protect them, ako naman.

"Huy di mo ba ako naririnig? Mahal ka nun kaya kumuha ka na ng malunggay bilisan mo!" Utos ni tita Zie.

Masyado na ata akong na absorbed sa pag iisip masyado ng napalalim.

Nagpunta ako sa bakuran ni Sum or Summer para kumuha ng malunggay na pinapakuha ni tita.

"Huy nagnanakaw ka nanaman jan ah" wika nito ng makita ako. Nasa bandang poso kasi yung puno ng malunggay at mukhang nandito sya upang mag toothbrush based sa hawak nyang toothbrush na may toothpaste.

"Manghihingi lang ikaw naman" palusot ko

"Weh? Di ka pa nga nagpapaalam kay mama" wika pa nya

"Tita Winter hingi po ako malunggay nyo ah" paalam ko na lang para matapos na.

"Sige kumuha ka na lang jan wag ka na magpaalam" rinig ko namang hiyaw ng mama nya.

"Oh narinig mo yun, kahit daw wag na akong magpaalam" sagot ko dito.

"Sus" sagot pa nya habang nagtotoothbrush na.

Di ko ito pinansin at bumalik na muli kay tita Zie para iabot ang pinakuha nyang malunggay.

"Kumuha ka doon ng mangkok lagayan nitong malunggay" sinunod ko ito Saka ko ibibigay sa kanya. Umupo na rin ako sa tabi nya upang tumulong may tanggal ng mga dahon.

"Tita hindi pa rin po ba tumatawag sa iyo si papa?" Tanong ko saka tumingin sa limpak na cellphone na di tiklop. Doon tumatawag si papa pero sobrang dalang. Nag iingat daw ito kaya ganun.

Pero kasi miss ko na sya.

"Hindi ako sigurado Iven at mahirap talagang kumuha ng tyempo doon na makatawag ng di natratrace ang lugar natin"  wika naman ni tita habang patuloy pa rin ito sa pag alis ng dahon at minsan minsang nahigop ng kape sa nasa tabi.

ɪɴ ᴍᴏɴsᴛᴇʀ's ᴄᴏɴᴛʀᴏʟWhere stories live. Discover now