❦︎ᴄʜᴀᴘɪᴛʀᴇ xᴠɪ

1.3K 56 2
                                    

"You're awake" Sabi nito habang nakatingin sa direksyon ko.

I gulp.

Alam nya? So alam nyang nandito ako kanina pa? Alam din kaya nya na nakita ko sya?

Dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kanya. I observe that he is only wearing pajamas. Kaya kita ko ang ukit na ukit nitong katawan.

He was a bit tan at anim ba yang abs nya? Teka parang masyado pa syang bata for that kind of build. Hindi pa naman kami college?

Teka ano bang paki ko? Eh katawan nya yan.

Napansin nitong nakatingin ako sa katawan nya kaya nag lean on pa sya sa sofa saka ngumisi sa akin.

"Wanna try?" Wika nya saka muling naghithit at nagbuga sa kanyang sigarilyo.

Mukhang hindi simpleng brand lang ang sigarilyo. Hindi yun two moon lang o kaya Marlboro. Kulay ginto ito at may nakaukit pang G na naka calligraphy.

It looks expensive pero bumaba ang tingin ko sa labi nito na mapula pula. Iwinaksi ko agad ang tingin doon baka kung ano pa isipin nyan. Minsan assuming pa naman.

Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa ibang direksyon. Especially sa part ng pinto. Parang doon biglang dumaan sa akin na gusto ko nga palang tumakas.

Kaya nga pala ako nagtatago para makaalis sa bahay nya.

Mukhang napansin nito ang pagtitig ko sa pinto dahil naramdaman ko ang pagtayo nya. Mabilis akong lumingon sa kanya at papalapit ito sa akin. Nagkatinginan pa kami at mukhang nabasa namin ang isa't isa sa iniisip na gawin.

May sariling isip ang paa ko na bigla na lang tumakbo patungong pinto. Ngunit di ko nakita ang isang vase sa gilid kaya nasanggi ko iyon.  At tumama talaga yung kamay ko, malaki ito kaya kahit nasanggi ay walang talab. Ako lang ang nastrain ang kamay. Sobrang sakit.

Pero pinapatuloy ko pa rin ang pagtakbo sa bandang pinto. Ng makaabot at bubuksan ko na sana ito ng may isang kamay ang humarang.

Mabilis nitong naisara ang pinto. Saka ako sinakop sa bandang tyan at doon ay binuhat ako.

Pumalag naman ako syempre, pinagsisipa ko lahat ng maabot ng paa ko. Tapos ay pinaghahampas ko sya ng kamay ko. Yung isa ko pang kamay ay nagpunta sa buhok nya at hinila iyon.

"Pakawalan mo ako. " Wika ko dito habang nagpupumiglas pero malakas talaga sya. Saka pabalya nya akong hinagis sa sofa. Nabitawan ko rin ang buhok nya. Pero may ilang hibla akong nakuha doon. Napangisi ako.

"Ano ba! Uuwi na ako!" Wika ko dito at akmang tatayo ng bigla nya akong itulak kaya napalean ako sa sofa tapos ay umupo ito sa lap ko. Itinaas nya ang dalawang braso sa magkabila kong ulo.

"Umalis ka jan! Sisigaw ako dito ! Ano ba!" Lintanya ko. Bakit pag sa kanya nasasagad pasensya ko? Calm and chill lang naman ako pero pag sya kaharap ko gusto ko na lang sapakin bigla!

"Damn you! Sisigaw talaga ako dito and I bet they would hear my scream here!" Paghahamon ko pa habang nakatingala sa kanya.

Ngumisi lang ito sa akin saka mas inilapit ang mga mukha namin. Nailang naman ako kaya umatras konti ang mukha ko. Pero inilapit nya lang muli ang mukha sa akin. Kaya mas umatras ako hanggang sa napalean on na ako sa sofa.

Ano nanamang trip nito.

"Don't push me! HE--" Bago pa ako makasigaw ay mabilis nitong tinakpan ang bibig ko.

"Scream or I'll kiss you" Sabi nya. Ay gagu ang cringe para akong ginapangan ng gagamba sa kilabot sa pinagsasabi ng isang to.

"Mhhhff--- mghhf" reklamo ko. Bahala syang umintindi jan.

ɪɴ ᴍᴏɴsᴛᴇʀ's ᴄᴏɴᴛʀᴏʟWhere stories live. Discover now