❦︎ᴄʜᴀᴘɪᴛʀᴇ xɪ

2K 70 14
                                        

I was staring at my own reflection as I was fixing my necktie in the mirror. There are many thoughts that are running in my mind. Because it's another day where there is a big chance to meet him again.

It's been half a month since the last day I saw him. Hindi naman sa namimiss ko ito or any affection or attachment towards him. Dahil hello takot na takot pa rin ako sa kanya. I just can't help it to know na baka nga ay mag meet kami ano nanaman ang pwede nyang gawin. Or worse maging classmate ko pa ito

Naging at peace na ako at never ko na itong nakadaupang palad after that day pero ngayon? Naku sana naman ay malampasan ko ang araw na ito without seeing him.

Inayos ko na ang mga gamit ko. Inayos ko na ito kagabi chinecheck ko lang kung may kulang. Before we enter our school we're already informed what are the school supplies na kakailanganin namin. Anong kulay ang sa bawat subject at ano ano pa ang kailangan sa mga iyon.

Nabigyan na rin kami ng libro to advance reading. I'm not the type of student who is so serious about studying. Kung ano lang ang makuha ko ay okay na ako. Pero kahit chill lang sa klase ay palagi pa rin akong nakukuha sa may mga honors.

And I don't know why. Kaya wag na kayo magtanong kung ano ano mga pinaggagawa ko bat may honors pa rin ako.

Nagpulbo lang ako saka naglabay ng lipbalm. Medyo dry na kasi ang lips ko at chop na rin dahil siguro kaunti lang ako kung uminom ng tubig.

Ng mukhang ready na ay bumaba na ako dala ang bag ko. Si tita ay nagluluto na ng babaunin ko sa kusina. Habang ang mga almusal naman ay narito na sa lamesa.

"Mauna ka ng kumain at hindi pa luto itong babaunin mo" wika nya kaya hindi ko na ito hinintay at nagsimula nang kumain. Pagkatapos ay nag toothbrush ako. Ng matapos ako dito ay pinagtimplahan ko ng kape si tita. Saka kinuha ang baunan ko upang lagyan na ito ng kanin. Dahil hindi pa luto ang ulam ay ang tubigan ko muna ang nilagyan ko ng laman.

"Luto na ito kumuha ka na" wika ni tita kaya pag katapos ko sa tubigan ay inilapag ko ito sa lamesa bago kumuha ng isa pang lagayan para sa ulam.

Ang ulam ko ay adobo na may itlog. Kumuha ako ng karne ng baboy bago kumuha rin ng itlog dito bago ko ilagay iyon sa lalalgyan tapos ay kaunting sabaw.

Inilapag ko ito sa lamesa ng bukas para sumingaw muna ang init habang hinahanda ko ang mga kutsarita ko bago ang lalagyan ng babaunin ko. Inilagay ko na ang lahat doon maging ang tubigan pagkatapos ay ang kanin at aking ulam. Pinabaunan pa ako ng sandwich na ang palaman ay ham at hotdog na may cheese upang pagkain ko sa recess tapos isang orange.

"Sige na at hinihintay ka na ng mga tropa mo" wika ni tita tumingin ako sa pinto at wala naman ang mga kaibigan ko doon.

Nagpaalam na ako saka lumabas ng bahay. Dumaan ako sa bahay nila Sum pero wala na raw ito kaya nagtatataka na lamang akong lumakad sa sakayan.

Pagkarating ay nandun yung dalawang kupal. May pinag uusapan ata sila kaya di pa nila pansin ang presensya kong papalapit sa pwesto nila.

Ng makalapit ay doon ko narinig ang mga ito "Sabi na eh late nanaman ang isang yun kaya nauna na talaga ako" wika ni Sum at tumingin pa sa relo.

"Anong oras na may flag ceremony pa, yare talaga tayo nito kay Ma'am Cathya " sagot naman ni Tisoy binatukan ko ito ng makalapit.

"Ah binabackstab nyo ako ganun" Sabi ko sa mga ito.

"Uy hindi ah frinofront stab kaya kita" joke pa ni Sum kaya nabatukan ko ito.

"Sumakay na tayo sa jeep baka mamaya iisang pwet nalang natin nanaman ang kasya" wika ng nagtatawag ng pasahero. nauna ng pumasok sa jeep si Sum sumunod na kami ni Tisoy doon kami puwesto sa bandang likod kung saan mabilis ka lang makakababa.

ɪɴ ᴍᴏɴsᴛᴇʀ's ᴄᴏɴᴛʀᴏʟWhere stories live. Discover now