Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming communication ni Papa. Wala pa rin syang tawag ni text. Nag aalala na ako at the same time ay naiinis.
Bakit hindi sya tumatawag? Halos mag iisang buwan na ito.
Napabuntong hininga na lamang ako habang inaayos ang aking suot na T-shirt at maong na shorts na umabot lang hanggang tuhod ko. Nag suot din ako ng relo kong kulay gold at sling bag. Nakasapatos rin ako ng converse. Papunta kami ngayon sa Fiesta sa Barron kung saan nakatira ang Don.
Ang Don sa amin ay talagang napakayaman at napakabait kaya maraming tao ang gumagalang dito. Idolo ito ng mga bata dahil kahit mayaman ay napakatulungin. Maaari na nga syang tumakbong Mayor namin ngunit ayaw nya. Sabagay ay anak naman na nito ang bagong Mayor.
Tinutulungan nya lamang ang mga mag sasaka dahil yun ang gusto nya ng walang kapalit. Lahat ng mga may taniman dito ay sa kanya lumalapit maging ang tita ko. Kaya malaki ang pasasalamat ng lahat sa kanya.
Ngayong araw ay kanya kanyang bigay o ambag sa kanilang bahay para sa pag diriwang ng fiesta. Kami ay ibibigay ni tita ang kanyang isang pilay na kambing.
Ayaw sana ito ng Don dahil maaari namang may mapaggamitan pa sa mga hayop na ipinamimigay sa kanya pero mapilit ang mga tao. Isa pa ay simpleng pasasalamat nalang ito sa lahat ng mga tulong nya.
"Iven matagal ka pa ba jan halika na hinihintay ka na nila Tisoy at Sum sa labas" tawag sakin ni tita.
Bumaba na rin ako sa aking kwarto. Kubo lang ang bahay namin pero malinis at hindi lang basta kubo ipinaengineer pa ito ni Tita. Kaya maayos ang pagkakagawa dito parang Yung mga Kubo sa Thailand. Ganun ang itsura. Maayos at hindi tinipid.
Sliding din ang mga bintana at pinto. Pero matibay na salamin ito at makapal.
Pag kababa ko ay napansin ko agad si Tita Zie na nagkakabit ng kanyang hikaw. Nakasuot ito ng floral na dress na umabot ng lampas sa kanyang hita. Napapansin ang ilang peklat sa kanyang balikat at likod na hindi natatakpan ng dress. Mga marka ng kanyang nakaraan.
"Halika dito bilisan mo" aniya kaya lumapit naman ako dito. Akala ko ay ano papabanguhan lamang pala ako.
"Iven habilin ko ulit kahit anong mangyari iwasan ang apo ng Don lalo na ang mga kasama nito. Naiintindihan mo? Lumayo ka sa kanila hanggat maaari" aniya saka inayos ang buhok ko.
Napatingin ito sa mukha ko."Kamukang kamuka ka ng mommy mo parehas pa ata kayo ng katawan kaya siguro hindi ka man lang magkamuscle kahit anong ipabuhat ko sayo. " Sabi nya saka inayos ang damit ko at buhok.
Ewan ko rin sa katawan kong to. Malakas naman akong kumain pero hindi pa rin ganun kalaki ang braso ko. At kahit anong buhat ko maliit na muscle lang ang meron ako. Parang braso pa rin ng babae mas mukha pa ngang malaki katawan sakin ni tita.
Sabi ng naging kaklase ko dati omega body daw ang tawag sa katawan ko.
"Huy ang tagal mo Vin kanina pa kami mahiya ka naman, hindi pinaghihintay ang gawapo" wika ni Sum saka tumingin sa tita ko "ang Ganda mo naman tita Astig" anya
Si tita naman ay napahampas dito "ano ba maliit na bagay anong gusto mong ulam bukas?" Pagbibiro nya na tinawanan namin.
YOU ARE READING
ɪɴ ᴍᴏɴsᴛᴇʀ's ᴄᴏɴᴛʀᴏʟ
RandomSynopsis As the breath in the other line sounds thick and inhales the air as it mouths the words that shudder me. "I found the real identity of Blake Anderson" he whispered as the name rang a bell and took me back to those bad memories. He said t...