WARNING BRUTAL SCENE AHEAD!
In the whole process of the school simula ng pumasok ang grupo nila Senorito ay tahimik lang ang dalawa kong kaibigan. They didn't let their guard down. Sobrang protektado nila ako.
Nung nagbreak time naman ay para kaming nakikipagtaguan. Kung saan saan pa kami sumusuot di lang kami mahagilap, kahit noong lunch ay sa rooftop kami nagpunta.
Sobrang daming kwentong multo sa rooftop that's why no one wanted to be here takot sila. Isa pa ay ipinagbabawal ng SSG na tumambay pa dito. Ginawa na kasi itong tambakan kaya alam namin an di nila kami dito mahahanap.
We are eating our lunch at inubos talaga nila yung ulam ko kaya ang ending ay ako na kumain ng ulam nila.
After lunch ay pabalik na sana kami sa room namin ng tawagin ako sa faculty ng adviser namin. Gusto sanang sumama nung dalawa ang kaso ay hindi pwede at ako lang naman ng kakausapin.
Saka yung mga sipsip naming kaklase hindi hinayaang makasama tropa ko magsskip lang daw sila ng class.
Nagpunta na ako sa faculty, pagpasok ay nagtaka ako dahil wala yung mga teacher. Hindi ko alam kung pumasok na ba sa room or hindi pa sila tapos mag lunch.
Pumasok na lamang ako pero nagreet muna ako kahit wala naman atang tao. Pero ng makapasok ay nakita ko si ma'am Cathya sa table nya kaya lumapit ako dito.
Medyo nahaharang ng computer nya yung bahaging side nya kaya di ko makita kung sino yung kausap nya. Ng makalapit ay doon ako nakita ni ma'am
"Good afternoon po ma'am" greetings ko dito. Nginitian ako nito, kita ko sa table nya ang ilang printed master list ng section namin. At ilang folders na may mga name namin.
"Umupo ka" ng pinaupo ako nito ay doon ko nakita ang kausap nito. And it was him.
Ang kaibigan ni Senorito.
"Kilala mo naman na si Zaiven ano?" Wika nya habang may kung anong hinahanap sa table. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa tabi nya. He smiled at me. A mischievous smile.
Nang makita ni ma'am ang hinahanap ay hinarap ako nito.
"So here are the documents nya and his portfolio. Explain to him how we use this and help him create his portal to our daily activities and schedules." Anya saka inabutan ako ng papel.
"Explain each portfolio sa portal natin so he would be available to understand how we used it at hindi sya maconfused or mapag iwanan" anya "you can do that in com lab, excuse na kayo sa klase nyo" anya pa
Tumayo na ang kaklase ko at nagpasalamat sa adviser namin. Nginitian lang sya ng teacher namin.
"I hope you'll get to know each other. Ikaw na ang bahala sa kanya Iven hmm" Sabi pa ni Ma'am kaya wala na talaga akong magagawa dito.
Nang makalabas kami ay parang gusto kong magwala dito sa hallway. I look up at him. Ngumiti lang ito sa akin. That plastic smile.
"I am finally alone with you" anya habang nakangiti. Napaatras ako ng lumapit ito. "No need to feel afraid I won't do anything with you. Let's just go to the com lab so we can start doing this portfolio and portal" anya pa saka ako hinawakan. Tanggalin ko sana iyon ng mas humigpit pa ang hawak nya saka tumingin sa akin.
The kind of stare na 'wag na akong pumalag pa or else..' ganung tingin. Saka sya naglakad ang ending tuloy ay hila hila ako nito. Akala mo naman ay ala nya ang com lab.
We are inside of the com lab. Bandang likod na ito ng school kaya wala masyadong tao. Isa pa wala namang nakasched na klase ngayon. Tanging si sir Marvin lang ang nandito na nagbabantay at coder ng school.
YOU ARE READING
ɪɴ ᴍᴏɴsᴛᴇʀ's ᴄᴏɴᴛʀᴏʟ
RandomSynopsis As the breath in the other line sounds thick and inhales the air as it mouths the words that shudder me. "I found the real identity of Blake Anderson" he whispered as the name rang a bell and took me back to those bad memories. He said t...
