ᴄʜᴀᴘɪᴛʀᴇ ɪx

2.4K 69 1
                                        


Matapos ang usapan sa hapag kainin ay magpapaalam na sana kami ngunit nag inissist ang Don na dumito muna upang makilala ang mga apo nya.

Hinayaan nya kami na makahalubilo ang mga ito. Dinala kami muli sa garden at mas maganda ito kesa noong gabi kami nag punta. Para itong anime o painting ng masinagan ito ng araw.

Pumasok kami sa loob doon ay nakalatag ang ilang mga pastries at mga tea. Parang may tea party dito sa garden.

Pinaupo kami sa mga upuan. Walang nagsasalita sa amin ng makaupo na ang lahat. Ang mga katulong ay kanya kanyang serve sa amin ng tea.

Hindi ako gaanong nakakain ng sapat kanina sa hapag kainan dahil sa intense ng mga tingin ng aking katapat. Ngayon ay katapat ko muli ito sa upuan.

Hindi ako makomportable sa pwesto ko habang sya ay nakatitig sa akin while sipping in his tea.

"Senorito maari ko bang tanungin bakit po ang kaibigan nyo ay dito na rin mag aaral?" Biglang bukas ng paksa ni Tisoy. Napatingin kami sa kanya ni Sum. Kahit kailan talaga ay he can't read the room.

"Well he eventually liked the atmosphere in this province after staying here for a while. He likes a new adventure and environment. Beside I think he is looking for someone" Malabo ang dinig ko sa huli nitong sinabi tanging nacatch up lang ay ang  salitang 'looking'.

"Ganun ho ba, hindi ko po kasi alam kung magugustuhan nya sa paaralan" wika pa ni Tisoy

"Are you saying that there is something wrong with my Tito's school?" Sagot naman ng Senorita.

"Hindi sa ganun, iba kasi ang buhay probinsya isa pa ay halos 3/4 ng mag aaral doon ay anak ng magsasaka wala ba kayong magiging problema sa amin" biglang sagot naman ni Sum

"There's nothing wrong with you guys and we would like to see what kind of living you have there in our school." Sagot ni Senorito parang napapansin ko ay para itong spoke person ng kaibigan nya.

"If you don't mind me asking. Do you guys dislike me?" Biglang sagot ng kaibigan ni Senorito.

"Oo" matapang na sagot ni Sum. Parang natahimik ang paligid napasinghap pa ang Senorita sa itinugon ng kaibigan ko. "pagkatapos ng ginawa mo sa kaibigan namin?" Maanghang na wika ni Sum.

I grip my shirt dahil nag sisimula ng mag iba lalo ang atmosphere sa paligid. Para itong bumigat. At ang seryosong mukha kanina ng kaibigan ni Senorito ay nagkaroon ng ngiti.

Pero hindi ito normal na ngiti. Ang ngiti nya nakakatakot. What the hell? ilang taon palang ba ito at bakit ganyan na magbigay ng takot sa iba.

"H-Hey get me some water it's so hot here outside " basag ni Senorita sa katahimikan na sumasakal sa amin ngayon.

"A-Ayoko nga ano mo ko katulong?" nag stutter pa si Sum ng sumagot ito. Maging sya ay natakot sa ipinakitang ngiti ng kaibigan ng Senorito.

"Do you want me to say that to my DaddyLo?" Wika pa ng Senorita at tumayo na ito sa kinauupuan bago hilain ang kaibigan ko. Wala namang nagawa si Sum dito.

Napatingin nalang ang lahat sa papalayo nilang pigura. Pero itong katapat ko ay di matigil sa pagtitig sa akin.

"I remember, Tisoy I would like to ask some company. I can't do it alone." biglang sabi naman ni Senorito Rivoh. Natakot ako. I don't want to be left here alone with this guy.

ɪɴ ᴍᴏɴsᴛᴇʀ's ᴄᴏɴᴛʀᴏʟWhere stories live. Discover now