❦︎ᴄʜᴀᴘɪᴛʀᴇ ᴠ

2.3K 92 16
                                        

Pagkarating namin sa hardin ay napabuka ang aking bibig sa ganda. Grabe para kang nasa paraiso. May mga alitaptap na syang nagpapailaw sa mga halaman dagdag pa ang linawag ng gabi at ilang lamp sa ilang pader.

"Wow ang ganda" di mapigilang banggit ni Sum.

Di na rin pala masama kung hindi ako sumama ay hindi ko makikita ang ganitong view.

Napahawak ako sa isang white rose at inamoy iyon. Thankful ako na hindi ako allergic sa kahit anong bulaklak.

Sobrang ganda dito. Parang isang painting that would take your breath away.

It's mesmerizing.

"What are you doing here" isang malditang boses ang narinig namin kaya napalingon kami room.

Tinignan nito ang mga kaibigan ko, ako naman ay lumapit sa mga ito. Kaya lumipat ang tingin nito sakin.

"Wow..." Anya saka natulala ata sakin dahil hindi ito gumalaw. Pero ng makabawi ay tumikhim ito.

"S-So what are you guys doing in our Garden?" Anya saka pasulyap sulyap sakin namumula ang mukha nito at halata talaga kahit gabi na.

"Uy kausapin mo" bulong naman ni Sum kay Tisoy. Na ikinangiwi nito.

"Sorry po Senorita, we are just looking at your Garden. We were assigned to plant flowers. That's why we're looking for something that will suit the taste of the garden" sagot ko dito kaya napatingin na ito sa akin. Pero namumula pa rin.

Nagtataka namang tumingin sa akin yung dalawa. Ang hina naman ng pick up.

"G-Good and I want you to add tulips " Sabi pa nya saka naglakad papasok sa garden. Napabuga naman kami ng hangin.

"Marunong ka naman palang mag english" wika ni Sum, napailing nalang kami dito.

"Tara na" yaya ni Tisoy sa amin.
Napatingin ako doon sa babae na ngayon ay pumipitas ng ilang bulaklak. Nakasuot ito ng white cute dress na umabot lang sa tuhod nya.

Apo din ba sya ng Don?

Tumalikod na ako pero nahagip sa peripheral vision ko ang isang grupo ng mga lalaki. Ng tignan ko ang mga iyon ay grupo nila Potpot, nagkakatuwaan pa habang nakaakbay sa isang lalaki. Akala mo'y close sila pero kita ko na di komportable ang binata.

Papasok sila sa Garden kung saan naroon ngayon yung babae, ng lingunin ko ito malayo na sya at palapit naman ang grupo nila Potpot sa kanya.

"Diba sila Potpot iyon" wika ni Sum na nakatingin din pala sa tinitigan ko. Habang si Tisoy ay nakatingin sa akin ng sinabi iyon ni Sum ay tumingin na rin doon si Tisoy.

Mabilis akong tumakbo patungo doon. Narinig ko ang mura ng dalawa kong kaibigan at yabag ng kanilang pag sunod.

"Uy may dilag pala dito " Sabi ni Bukol ng mapansing ang babe kaya napatingin na ang grupo ni Potpot sa kanya.

"Uy wag natin galawin yan apo yan ng Don" wika naman ni Negro

"Bakit magsusumbong ba" wika naman ni Potpot sabay tawa.

Napansin na sila ng dalaga dahil sa ingay ng mga ito. "Who are you guys? And what are you doing in our garden this is a private property!" Anya na tinawanan lang ng magkakaibigan maliban doon sa binata at Negro.

"Englishera pala eh!" Wika ni Potpot

"Well miss we are gengster walang property property samin" aniya pa.

"Huy itigil nyo na yan" Sabi ko saka hinawi ang babae para mapunta sa likod ko.

Nabigla yung babae sa ginawa ko kaya napatingin ito sa akin.

"Uy nandito naman pala si tomboy makakabawi na ako sa sapak nito" Ani Potpot na nagpainit agad sa dugo ko. Ayaw ko talaga ang salitang tomboy dahil lalaki ako.

"Mas tomboy pa ang kamao mo kesa mukha ko" sagot ko dito.

"Owww lamya pala ng sapak mo Pot" biglang asar ni Sum.

Nakalapit na pala sila ni Tisoy sa amin.

Nainis agad dito si Potpot saka hinawi ang kaninang kaakbay nya.

Napaatras yung binata at parang nasaktan.

Lumapit si Potpot sakin, sobrang lapit pero hindi ko ito inatrasan inilapit ko din ang mukha dito. Dahil mas matangkad ito ay nakatingala ako dito.

Nagtitigan kami. Pinapakiramdaman kung sino ang mawawalan ng tapang. Maya maya'y nagsalita ito.

"Tsk kung di ka lang maganda nabugbog na kita " anya saka lumayo. Tapos ay ginulo ang buhok.

"Badtrip, tara na gusto ko ng mag yosi" anya saka inakbayan muli ang binata pero pinigilan ko ito.

"Samin na ang binata" Ani ko tumingin ito sakin na nakaismid.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon pagbibigayan kita" anya saka tumalikod pero hinawakan ko ang kamay nito na mabilis nyang tinabig. " Wag mo akong sagarin" anya pero di ako nagpaawat at hinila yung binata sa kanya.

Sumugod ito at itinaas ang kamao, napahiyaw naman ang babae na ngayon ay nasa likod na at hawak ni Tisoy.

Napatitig si Potpot sa mata ko, parang may kung anong dumaan na emeosyon sa mukha nito. Umiling ito saka ibinaba ang kamao. Napahilamos ito sa mukha saka nagsalita.

"Putang ina! Sige sayo na rin yan" anya saka mas tinulak pa ang binata sa akin.

"Tara na" frustrated nitong wika.

"Boss wala kang gagawin?" Wika ng isa sa kasama nya, pero binatukan nya lang ito.

"Manahimik ka!" Anya saka sila naglakad papaalis.

Nakatingin na lang kami sa pigura nilang papaalis. Nang di na sila masilayan ay doon kami napabuga ng hangin.

"Omygash that guy is so bad!" Ani ng babae napatingin dito si Sum, parang naartihan.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Tisoy tumango lang ako. Saka hinarap itong binata.

May nga galos ang mukha nito at may ilang sugat sa kamay at pasa.

"S-Salamat" anya tinanguan ko naman ito. Akala ko ay tapos na ang lahat pero nagulat kami ng biglang may nanapak kay Tisoy. Napabitaw tuloy ito sa babae.

Napahiyaw rin ang babae ng bumagsak si Tisoy sa sahig.

Nagdugo agad ang labi nito ng mag angat ng tingin.

"Omygash kuya it's not what you're thinking!" Anya saka dadaluhan sana si Tisoy pero hinila ito ng kuya nya. Kaya ako na ang nagtayo dito.

"What do you think you're doing with my sister?" Galit nitong wika, ito yung lalaki kanina na nakawhite tuxedo. Kamukhang kamukha nya ang Don. Parang binatang Don.

Napayuko si Sum dito maging ako at si Tisoy.

"Pasensya na po pero mali po kayo ng iniisip" wika ko.

"K-Kuya listen they helped me from the bad guys!" Wika ng babae, "and let me go you're hurting me!" reklamo nya. Doon kumalma itong kuya nya at napahilamos sa sarili.

"Let's go Rivah Lolo has been looking for you" anya saka kami tinalikuran. Habang hila ang kapatid.

"Thank you guys!" Pahabol nito habang papalayo.

Hindi ko napansin na kasama pala ng apo ng Don ang mga kaibigan nya. Natutup ako sa kinatatayuan ng makitang nakatingin sakin yung lalaki kanina.

Ibinaba ko lalo ang sumbrero saka nag  iwas dito ng tingin. Maya maya pa ay tumalikod na rin sila. Pero bago yun ay lumingon pa sya ng isang beses.

"You looked familiar" wika nya, para akong binuhusan ng malamig sa sinabi nya.

★︎ᴠᴏᴛᴇ              ☏︎ᴄᴏᴍᴍᴇɴᴛ        ✔︎ғᴏʟʟᴏᴡ

sᴏʀʀʏ ғᴏʀ ᴛʏᴘᴏs ᴏʀ ᴡʜᴀᴛ sᴏ ᴇᴠᴇʀ ᴍᴀʟᴀᴘɪᴛ ɴᴀ ᴛᴀʏᴏ sᴀ sᴇʀɪᴏᴜs ᴍᴏᴅᴇ ɴᴀ ᴛᴀʏᴏ

                                                      ___♕︎ɴᴀᴠɪ

ɪɴ ᴍᴏɴsᴛᴇʀ's ᴄᴏɴᴛʀᴏʟWhere stories live. Discover now