Abot abot ang kaba namin dahil hindi naman naging ganito ang approach sa amin ng Don. Na kailangan pa kaming manduhan ng mga guwardya nya, yun naman pala ay nais lang nya na dito na kami mag dinner.
Panay daw ang tawag ng tita ko at nais na ako nitong umuwi pero nakiusap ang Don na kahit hanggang dinner ay mag stay kami sa mansyon. Nahihiya daw kasi ito sa amin dahil kinuha daw nito ang oras namin imbes na tumulong sa trabaho sa pag aani. Kaya't nais nitong ibalik kami ng busog.
Tahimik ang grupo namin samantalang ang mga apo ni Don ay parang magalak sa pagkain. Lalo na ang taong yun. Hindi ko na sana ito katapat sa pagkain kaso nakipagpalit ito ng pwesto ng mapansing hindi ako ang katapat.
Magana itong kumain na parang walang ginawang masama sa akin kanina. Pansin ko pa ang pag ngisi nito kapag nahuhuli akong sumisilip sa kanya ng tingin.
Kami naman ay taimtim na lang na kumakain at panaka nakang sumasagot sa mga tanong ni Don.
Halos wala kaming ganang kumain pare pareho dahil gusto na lang talaga naming umuwi.
"Don may ipapakiusap po sana ako" biglang nagsalita si Tisoy. Hindi mo talaga alam ang mga susunod nitong move.
Nakaayos ang Don saka ito nakinig Kay Tisoy. "Ano iyon Tisoy" wika ng Don habang humihigop ng sabaw ng tinola.
"Maari po bang iba na lang ang mag asikaso sa kanila? Hindi naman po kami nag iinarte at tingin ko po ay kaya nyo kami napili dahil matitino naman po kami. Ang kaso po hindi po kami komportable sa isa't isa lalo na po si Vin. Mahiyain po itong kaibigan namin at hindi po sanay sa ibang tao. Pasensya na po talaga Don." sagot pa ng kaibigan ko.
Doon ay natigil ang lahat sa pagkain. At tinignan lang ang kaibigan ko. Hinawakan ko ang kamay nito at ang lamig. Mukhang kahit matapang syang magtanong ay kinakabahan pa rin talaga ito.
"Bakit may problema ba sa mga apo ko? Mukha namang silang nag enjoy sa pakikisalamuha sa inyo" wika ng Don at nagpunas ito ng panyo sa kanyang labi.
"Paumanhin po pero hindi ko po nagugustuhan ang ugali ng isa nyong apo." bigla namang tugon ni Sum habang nakatingin ito kay Senorita. Halos malaglag ang panga ko sa naging tugon nito. Grabe paano nya nasasabi yan sa Don.
Nagulat ang Don sa itinugon nito at napahinto sa pagpupunas. Maya maya ay napatawa ito. "Ganun ba, may attitude nga itong unica ija namin" sagot pa ng Don.
"Kung ganun naman pala ay hindi ko na ipipilit sa inyo ang pagbabantay sa kanila, isa pa ay malalaki na ang mga ito. Kaya alam kong kaya na nila ang mga sarili." Saka nito pinat ang likod ni Sum na nasa tabi nito.
"Malalim na ang gabi maari na kayong umuwi kung kayo'y tapos ng kumain. Ako naman ay magpapahinga na. Tumatanda na ang Don kaya humihina na." anya ito saka bahagyang tumawa habang tumatayo sa upuan nito.
Kinuha nito ang baston at nagpaalam na sa amin bago umakyat sa kanilang taas.
Kami naman ay nag sitayuan na sa mga kanya kanyang upuan. "Are you done eating?" Tanong ng kaibigan ng Senorito. Napatingin pa ako sa paligid, hinahanap ang kausap nito. At napagtanto kong ako pala iyon dahil nakatingin ito sa akin.
Hindi ako sumagot bagkus ay inayos ang upuan.
Napansin ko na naglakad papalapit sa akin ang kaibigan ni Senorito mabuti at maagap si Tisoy at nailayo agad ako rito bago pa ako nito mahawakan.
Napatitig ito sa kamay ni Tisoy na nakahawak sa aking braso. Parang may kakaibang emosyong dumaan sa mata nito sa pagtitig nya doon.
Lalapit sana muli ito ng ilagay na ako sa likod ni Tisoy, si Sum naman ay humarang na rin sa akin.
YOU ARE READING
ɪɴ ᴍᴏɴsᴛᴇʀ's ᴄᴏɴᴛʀᴏʟ
RandomSynopsis As the breath in the other line sounds thick and inhales the air as it mouths the words that shudder me. "I found the real identity of Blake Anderson" he whispered as the name rang a bell and took me back to those bad memories. He said t...