Chapter 10

51 2 0
                                    

Chapter 10: Ezekiel

Nakatingin lang ako kila calix at sam habang naguusap tungkol dun sa plano nila sa birthday ni coleen.

Umpisa palang ramdam kona na may pagtingin si sam kay calix ayoko lang mangilam kay sam pero nasasaktan ako ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni sam ngayon na kahit anong tago niya malalaman ko parin.

kaya mas dumoble pa yung sakit sakin dahil nakita kong nasasaktan yung babaeng matagal ko ng pinangarap. Kung pwede lang sana sabihin na ako nalang eh na ako nalang minahal niya.

Ang daling sabihin pero parang malabong mangyari. Kahit anong ngiti niya hindi makakaligtas yung lungkot sa mga mata niya.

Pwede ba maging selfish? Kahit ngayon lang.

" maraming salamat sam!!" niyakap naman ni calix si sam. Tulala lang si sam habang yakap ni calix.

Pag kauwi ko sa bahay ang daming natakbo sa isip ko puro lang ako isip hindi konaman ginagawa. Ayoko lang kasi basta basta magsabi ng nararamdaman ko kay sam dahil kita kona mahal niya si calix.

Ano bang na gustuhan ni sam kay calix na wala ako?

Hindi kona nasundo si sam dahil ito ang gusto niya dahil maaga siya pupunta kila coleen. Naiisip kopalang na nandun na si sam hindi ako mapakali dahil alam kong masasaktan lalo si sam.

Tumawag nadin sakin sila zach na nakaalis na sila kaya sumakay na'ko sa kotse ko.

Nang makapasok na'ko sa loob nandito nadin sila alex hinihintay daw nila bumaba sila coleen.

Hindi ko alam kung ano ba gustong regalo ni Coleen kaya mamahaling perfume nalang pinangregalo ko sakanya.

Ilang oras din kami naghintay dito sa baba. Napatingin kaming lahat sa bumaba.

" happy birthday." sabi ko kay coleen at abot ng regalo ko. Ganun din ginawa nila alex.

Napako yung mga mata ko kay sam na nakayuko lang.

" nasan si calix? " sabay pa sila ni Coleen na nagsabi, napaiwas agad ng tingin si sam.

Sumunod lang ako kay sam hanggang sa magsimula ang party nandito lang ako sa likod niya alam konaman na ayaw niya muna ng kausap. Pinagmamasdan kolang yung likod niya.

Nangdumating si calix agad na tumingin si sam sa direks'yon ni calix.

Hindi ako umalis sa likod ni sam, kumakanta nadin si calix para kay Coleen hindi ko makita reaction ni sam pero masakit.

Bigla nalang tumalikod si sam kaya nakita kona tumulo na luha niya agad agad ko siyang niyakap. Hindi kami napapansin ng iba dahil tutok sila kila Coleen.

" sana ako nalang. " bulong ko

Dinala ko siya dito sa may parlor ni libre ko siya ng ice cream hinihintay ko lang siya magsalita.

Nangingilid nanaman luha ni sam pero pinipigilan niya itong bumagsak.

Napaiwas agad ako ng tingin dahil nasasaktan ako lalo wala akong magawa para alisin lahat ng sakit para lang sumaya na si sam. Ni rerespeto ko siya sa nararamdaman niya para kay calix.

Pero fck pwede ba na agawin konalang siya?

" pero alam mo pagod nadin ako magmahal. " napatitig ako sakanya.

" kasi puro sakit lang natatanggap ko."

Hindi parin ako nagsasalita nakikinig lang muna ako sa sinasabi niya.

" swerte nung iba ano? " agad niyang pinunasan yung luha.

" minsan gusto nalang maging si Coleen haha kasi nasa kanya na lahat." patuloy niya parin kahit na naguunahan na sa pagbagsak mga luha niya.

" hindi mo kailangan maging siya  o kahit sino pa dahil ikaw, Samantha nagiisa kalang at tatanggapin kita ng buong buo." sabi kona diretsong nakatingin sakanya.

"salamat. " sabi niya at pinagpatuloy yung kinakain niya.

Matagal pa kaming nag usap ni sam bago bumalik dun sa party.

Nasa dulo sila alex kumakain na agad naman kami nilang nakita.

" oh san kayo galing?  Kanina kopa kayo hinahanap" sabi ni alex samin.

" ikaw tol ah. " pang aasar sakin ni zach.

" tama na nga yan kumain na kayo." cady

Pinaghila ko ng upuan si sam bago ako umupo may nag se serve na din kasi samin ng pagkain kaya hindi nanamin kailangan pang tumayo .

Hindi ko maiwasan mag alala kay sam dahil papalapit sa pwesto namin sila calix kasama si coleen na nakaakbay sakanya si calix.

Agad kaming binati nila calix tumango lang ako sakanya. Kumuha din sila ng upuan para dito din sila kumain napatingin naman ako kay sam na nakatingin sakanilang dalawa.

" thank you sam" sabi ni coleen tapos pinakita na yung bracelet.

" salamat" sabi din ni calix napansin konaman na couple sila ng bracelet si sam ba nagbigay nito?

"w-welcome" nginitian lang ni sam sila at pinagpatuloy na yung kinakain niya.

Pinagmamasdan kolang si sam sa ginagawa niya nahuhuli ko siya na nakatitig kila calix o di kaya yuyuko pag tinatanong siya.

"btw, thank you guys sa pagpunta sa birthday ko." sabi ni coleen samin.

" ano kaba syempre pupunta parin ako haha" sabi ni zach na binatukan naman ni alex.

" happy birthday uli. " sabi ni alex.

" maraming salamat sa pagkain. " sabi ni Kyle

Hinatid din kami nila calix sa gate dahil uuwi na kami.

" ahm sam?  Pwede ba kita makausap?" sabi ni calix. Tumingin ako kay sam.

" o-o naman" nagpaiwan sila sa gate.

Hinihintay nalang namin si sam dito sa may kotse napagdesisyon din namin na ako na maghahatid kay sam pauwi.

Matagal din sila nagusap.

" ang tagal naman ni sam. " reklamo ni zach na parati binabatukan ni alex.

" inaantok na'ko" cady

Naghintay kami ng ilang oras bago namin makita si sam na naglalakad patungo dito.

Nang makarating siya sa pwesto namin sumakay nadin yung iba sa sasakyan at nagpaalam samin.

Tulala lang si sam habang nag da drive ako hindi ko maiwasan isipin kung ano yung pinagusapan nila. 

" maraming salamat sa paghatid zeke." sabi niya.

Nginitian ko siya at hinintay muna siya makapasok sa bahay nila. Matagal din akong nakatingin sa bahay nila parang ayoko na umalis sa tabi ni sam. Kung pwede lang sana.

Napagdesisyon kona umuwi nadin para makapagpahinga nadin ako.

Hinding hindi ako mapapagod sam sana, sana may pagasa pa'ko sayo.

Nang Dahil Sa NeargroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon