Chapter 15: Sorry
Tahimik lang kaming lahat habang nag di discuss si ma'am at ang lokong si zach yan bulong ng bulong sakin na puro kalokohan.
Sinisipa kona yung paa niya pero hindi parin nag patinag.
" Mr. Mendoza and Ms. Soberano baka gusto niyo magturo dito? " sabi ni ma'am kaya napayuko ako ngayon lang ako napatayo dahil kay zach.
" saya no? " sabi ni zach na tumatawa pa nakakainis talaga 'to nandadamay pa talaga.
Ilang oras din kami nakatayo pinaupo lang kami nung umalis na si ma'am diba ang saya?
" Lt mukha ni sam HAHAHA" sabi ni zach.
" loko ka talaga!! " sabi ko at pinalo siya ng notebook ko.
" sunod naman si cady HAHA" sabi niya na hinihimas yung ulo niya dahil pinalo ko siya duon.
Dumating nadin next teacher namin kaya napatahimik kami maliban kay zach na feeling close pa kay sir.
Nakita kodin na binabato ni zach ng papel si calix para lumingon sa gawi namin jusko kung pwede lang 'to paunahin si zach sa mars matagal konang ginawa.
" tigilan mona ngayan! " sabi ni cady na naiinis na kay zach.
" why honey? " sabi ni zach na nagpa cute pa kay cady mukhang may naamoy ako ah.
" honey mo mukha mo! "
Lumingon sa gawi namin si calix na nagtataka na tumingin sakin.
Napaiwas nalang ako ng tingin sakanya loko kasing zach 'to san ba ito pinaglihi jusko matanong nga si tita.
" hey bro!" sabi niya kay calix habang papunta sa bakanteng upuan sa tabi ni calix.
Napatingin ako sakanilang dalawa ano kaya pinaguusapan nila? Puro kalokohan nanaman siguro.
Napatingin sila sa gawi ko kaya nagpanggap ako na nagbabasa ako ng libro nyemas ka talaga zach pag may ginawa kananaman na kalokohan sakin lagot ka talaga sakin.
" Mendoza.. " tawag ni sir kay zach napatayo agad siya.
" why sir? "
"pakibigay naman 'to kay ma'am torres. " sabi ni sir.
" sir si sam nalang po ang sakit po kasi ng tiyan ko eh. " sabi ni zach na uma acting pa na masakit yung tiyan.
Nyemas talaga 'to nasa kabilang building pa room ni ma'am torres nakakainis talaga ito.
" soberano? " tawag sakin ni sir kaya no choice ako kinuha konalang yung makapal na papel.
Lumabas na'ko ng room nyemas tirik na tirik nag araw lagot ka talaga sakin zach mamaya.
Sinimulan kona maglakad sa napakalamig na panahaon hays. Sana pala nagdala ako payong.
Binagalan kolang maglakad ang layo pa kasi nun. Patuloy lang ako naglalakad ng may tumabi sakin hindi ko muna pinansin baka dadaan lang.
" loko talaga yun si zach. " napatigil ako sa paglalakad dahil sa kumausap sakin.
"c-calix ?" may dala siyang payong at tubig, pano yan nakalabas kay sir?
" bakit ka nandito? " sabi ko at nauna na maglakad agad din naman niya ako pinantayan sa paglalakad habang pinapayungan.
" syempre init kaya tas wala kapa dalang payong..." hindi na'ko nagsalita pa binilisan konalang yung lakad ko.
Nung makarating kami sa building ni ma'am torres kung saan yung room niya. Nyemas na malagkit ang init.
" oh inumin mo muna." sabi niya sabay abot ng dala niya na tubig.
Tinanggap konaman dahil uhaw narin naman ako hindi kona kaya kung sa building pa namin ako iinom. Wala din akong dalang pera para bumili dito sa canteen lagi kasi nasa bag ko yung wallet ko dinadala kolang pag recess na.
"s-salamat.. " sabi ko. Pumunta na kami sa room ni ma'am may klase pala siya ngayon kaya nag excuse ako para makausap siya. Pina pasok naman kami nakakahiya naman dito nakatingin samin mga estudyante kaya pala ayaw ni zach utusan buset siya.
" Good afternoon Ma'am pinabibigay po ni sir reyes. " sabi ko kay ma'am.
Hinanap ko si calix sa tabi ko pero wala siya nasan yun? Tumingin ako sa likod sa may pinto nakita ko siya dun na kinakausap si coleen.
" ah okay salamat. " napaharap lang ako ng nagsalita si ma'am.
Siguro kaya napasama si calix dahil alam niyang dito building ni coleen hindi ko alam na ito pala classroom nila.
Nag assume naman kanina nyemas ka self.
Hindi kona hinintay pa si calix nauna na'ko maglakad.
" sam!! " dali daling tumakbo sakin si calix..
Tahimik lang ako naglalakad pero si calix kanina pa daldal ng daldal ma mi miss ko kadaldalan nito..
Bigla niya ako hinarap sakanya.
" sam sabihin mo nga galit kaba sakin? " sabi niya
" hindi"
" bakit hindi moko matingnan sa mata? Ba't parang iniiwasan moko? " binawi ko yung kamay ko sakanya at naglakad nalang.
" ano sam? Simula nung niyaya kita para lumabas nag ka ganyan kana ano bang problema mo!?"
Hawak niya uli sa kamay ko.
" kasi sam ilang araw narin ako nagiisip kung ano ba ginawa ko? Na iniiwasan mona ako ngayon. " sabi ni calix na humina yung boses niya.
" w-wala nga sabe.. " sabi ko at binilisan na maglakad sht nangingilid nanaman luha ko.
Pagdating sa room malaki yung ngiti ni zach na nakatingin sakin agad din nawala yung ngiti ng makita niya ako parang maiiyak.
" sam?" tawag sakin ni zeke na katabi ko.
" s-sam? sobrang init ba sa labas kaya ka naiiyak? S-sorry.. " sabi ni zach sakin na lumapit sa tabi ko.
Hindi ko sila pinansin, sinubsob konalang mukha ko sa desk ko. Ayokong makita nilang ganito ako.
Hanggang kailan ba'ko iiyak ,sinusubukan konaman na iwasan siya na kalimutan na nararamdaman ko sakanya pero parang pinaglalaruan na'ko ng tadhana.
Pano ba maging manhid nalang?
Grabe ako masktan pero wala naman kami.Wala eh umasa ako umasa na baka ganun din nararamdaman niya sakin pero magkaiba talaga kami ng nararamdaman.
Gusto ko magalit kay zach pero alam kong mali yun dahil hindi niya naman alam kung anong nangyayari hindi niya kasalanan kung bakit parang pilit kaming pinagsasama ni calix.
" sorry sam... " rinig kong sabi ni zach sakin.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Neargroup
Teen Fiction" Do not talk to stranger! " My mom always saying that to me and I'm just ' okay'. its summer, too bored that time and my curiosity strike me. I saw something in my facebook, the logo got my attention so I immediately click the neargroup but am li...