Chapter 20: Harana
Nakaharap ako sa mga kaibigan kona parang na nga ngaroling sa ginagawa nila lumabas din si kuya na natatawa sa pinaggagawa nila.
Pormang porma sila, may hawak si zeke na gitara at si zach naman may hawak ng flowers habang si kyle taga punas ng pawis ni zeke sa noo. May hawak na pamaypay si cady at alex pinapaypayan si zeke.
Ano bang meron? Di manlang ako sinabihan para nakasama ako sa trip nila sa buhay nila.
" Sa'n libing ?" sabi ni kuya na tawang tawa dahil sa suot ni zeke na barong pati sila zach na pinipigilan na matawa kay zeke.
" pre walang ganyanan, focus zeke nandyan na si sam. " sabi ni zach na pinapalakas yung loob ni zeke na parang kinakabahan.
" ano meron? " tanong ko sakanila. Kasi hindi kona sila maintindihan sa ginagawa nila kung hindi kolang sila kaibigan baka naisip kona nakawala mga ito sa mental.
" s-sam-"
"tubig!! " putol ni zach sa sasabihin ni zeke sakin.
Kinalkal ni kyle yung suot niya na bag at may kinuha na tubig pinainom na muna nila si zeke dahil parang hihimatayin.
" mga gago talaga HAHAHA" kanina pa tawa ng tawa to si kuya.
" alam niyo ba na 5am palang ng umaga at lakas niyo mambulabog. " sabi ko sakanila dahil hindi ako makapaniwala sa ginagawa nila. Wala pa ngang sikat ng araw nanggugulo na sila dito.
Nagising kami ni kuya dahil sa pagbato nila sa bintana namin buti hindi nagising si mama.
" inhale exhale muna." sabi ni zach kay zeke napakamot nalang ako sa noo ko.
"p-pwede bang man-"
" ops ops kantahan mo muna bago mo sabihin.. " putol nanaman ni zach kay zeke.
Sumunod naman si zeke kay zach nyemas ano bang nangyayari sa mga ito? May pagkabaliw ba ang chocolate na binigay ni kuya sa mga ito? Oh nasobrahan.
" Samantha para saiyo 'to. " sabi ni zach na binatukan ni kyle.
" bakit ka na ngunguna si zeke dapat magsasabi niyan. " reklamo ni kyle.
" okay nayan para di mapagod si boss."
" parang alam kona to. " sabi ni kuya sakanila.
" oh wag kang maingay tanda." sabi ni zach nagliparan yung mga tsinelas namin dito.
" tama na! Maguumpisa na si zeke kumanta! " awat ni alex.
Napatingin ako kay zeke na kabado natatawa ako sa itsura niya dahil nakabarong pa.
" bigay mo muna yung flowers. " utos ni cady.
" s-sam para sayo. " sabi ni zeke na inabot sakin yung flowers.
" salamat. " nagtataka parin ako sa pinaggagawa nila.
" okay let's start give me a beat. " sabi ni zach.
" gago kaba? " reklamo ni alex.
" pumalakpak kanalang tol eto lang talent natin. " sabi ni kyle na naka posisyon na yung kamay para pumalakpak.
" yung nasayo na ang lahat kantahin mo zeke. " sabi ni zach na hindi matigil tigil.
" isa pa." napataas nalang ng kamay si zach na parang sumuko na.
Hindi din makapagreklamo si zeke dahil kinakabahan pa ito wala siya sa wisyo para batukan isa isa mga ito.
Nang tumahimik na pinatunog na ni zeke yung hawak niya na gitara. Nagpusisyon naman si zach na may hawak na bottle para maging mic ni zeke.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Neargroup
Jugendliteratur" Do not talk to stranger! " My mom always saying that to me and I'm just ' okay'. its summer, too bored that time and my curiosity strike me. I saw something in my facebook, the logo got my attention so I immediately click the neargroup but am li...