Chapter 18

33 2 0
                                    


Chapter 18: I miss you

Ano ba 'to bakit may lamok na dito sa kwarto ko?

Kanina pako hampas ng hampas sa may paa ko pati sa balikat ko.

Binalot ko ng kumot yung katawan ko tanging mukha nalang ang nakalabas. Para hindi na'ko anuhin ng lamok.

May narinig ako na mga impit na tawa, nanaginip lang ako hindi naman siguro ako minumulto?

Tama panaginip lang 'to. Biglang may humila ng kumot ko napaupo agad ako at napadasal ayoko dumilat baka kung ano makita.

Nagdadasal lang ako ng biglang may tumawa, napamulat ako agad dahil pamilyar yung tawa.

" Lt nanaman HAHAHA" sabi ni zach na hawak yung kumot ko.

" ZACH!!!!! "sigaw ko binato ko siya ng unan ko.

Nandito din sila zeke kompleto sila.

" kanina kapa namin ginigising haha." sabi ni zeke.

" jusko ang hirap gisingin. " alex

" biglang nagdasal nays. " sabi ni Kyle na tumatawa narin.

" ano ginagawa niyo dito? " sabi ko sakanila at tumayo para kunin towel ko.

"manggugulo. " sabi ni cady na humiga na sa kama ko.

" wait ligo lang ako.. " paalam ko sakanila dahil nakakahiya itsura ko bagong gising lang may muta pa kaya kailangan kong maligo. Mabilis na ligo lang ginagawa ko hindi na'ko nagbabad pa at baka sugurin na'ko ni alex dito.

" oh kain na kayo. " sabi ni mama.

"yun oh!  Thanks tita. " sabi ni zach na nangunguna na sa pagkain, sumunod nalang kami at umupo na.

" oo nga pala ngayon yung dating ng kuya mo. " sabi ni mama kaya napa ngiti agad ako.

Buti at uuwi nayun na miss kona yun kahit lagi lang ako inaasar.

" uuwi na si kuya! " sabi ni cady na excited.

" makakapaglaro nanaman tayo ng basketball! " sabat din ni zach.

" sama ako sa pagsundo tita. " zeke.

"yung asawa ko uuwi na!!! " sinubuan ni kyle ng tinapay si alex para tumigil na.

" kayo nalang sumundo kay jady, hindi ako makakasama dahil magluluto ako. " sabi ni mama na nakangiti.

" gamitin niyo yung van ah tagal ng hindi ginagamit simula ng umalis si jady hindi niyo na ginamit yun. " sabi ni mama.

" oo naman tita! " ngiting ngiting sabi ni zach na mas excited pa sa tunay na kapatid eh.

" 9am yung dating niya kaya kailangan niyo na bumyahe 8:30am na. " sabi ni mama na pinagbabaunan pa kami ng sandwich sabi kona wag na pero si zach kinuha pa.

" kaya soberano ako eh! HAHA"  sabi ni zach na tatawa tawa pa habang hawak yung mga sandwich.

" ako nalang mag drive. " prisinta ni zeke at umupo ako sa tabi niya.

" yun oh ano 'to family outing? Mommy sam? " agad kong binato ng tissue si zach na nasa likod.

" HAHAHA. " tawa pa ni kyle kaya lalo ako inasar ni zach.

" manahimik kana zach! " saway ni cady na mukhang inaantok pa.

Na traffic pa kami kaya late kami ng 30minutes. Hindi din ako natahimik dahil kay zach na panay ang asar samin inisa isa panga kami. Kulang nalang itapon namin 'to sa labas.

Nang Dahil Sa NeargroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon