Chapter 44

21 1 0
                                    


Chapter 44

" Calix... " bulong ko sakanya hindi niya parin ako binibitawan sa pagkakayakap.

" Calix? " Napabitaw agad si calix sakin parang natauhan dahil sa pagtawag sakanya ni coleen. Mapait akong ngumiti sakanila.

Akala ko bumalik na si calix, parang panaginip lang ang nangyari sakin. Lumapit si calix kay coleen bago pa lumingon muli sakin si calix tumalikod na'ko at hinayaan yung paa ko kung sa'n gusto pumunta.

Napapatingin ako sa mga nadadaanan ko masaya silang nakangiti buti pa sila masaya walang problema ngayon na kinahaharap. 

Napaupo ako sa grass ng bumigay ang mga tuhod ko, nakakapagod kung paulit ulit lang.  May pares ng sapatos ang huminto sa harapan ko at nilahad yung kamay niya.

" Sabi ko sayo nandito lang ako pag kailangan mo ng iiyakan diba? " nakatitig na sabi sakin ni zeke.

Napayuko ako dahil sa hiya, lagi nalang si zeke nandito para sakin lalo na pag umiiyak ako. Nadadamay kopa siya sa mga pinaggagawa ko.

Hindi ako kumibo sa sinabi niya at hindi rin tinanggap yung kamay niya. Madaming tao dito pero hindi kona sila pinansin kung tinitingnan na nila ako na parang tanga nakaupo lang dito.

Umupo din si zeke sa tabi ko na nag indian sit.

" Diko alam na gan'to pala trip mo,umupo dito nays. " malungkot ako na tumingin sakanya.

Sinandal niya yung ulo ko sa balikat ko.

" I love fireworks pero ng makita kitang umiiyak nanaman parang tinamaan na'ko ng fireworks dito haha."

" Tingnan mo oh ang ganda pagmasdan wag mong sayangin yung oras na ito kahit na hindi mo siya kasama ngayon. " sabi niya na nakatingala sa langit na may ngiti sa labi.

" You're weak-"

" Ouch! " hinampas ko siya sa braso niya dahil sa sinabi niya.

" Diba pag gusto mo pinaglalaban mo?" napanguso nalang ako sakanya dahil wala ako masabi.

" Bakit ka nakaupo dito? Gago baka kamukha kalang niya ah! " lumayo sakin si zeke ng kaonti umusog naman ako sakanya, may tumingin samin. Ang lakas naman kasi ng boses nito kainis!

" Yung sam namin hindi iyakin eh! Sino ka!? "

" Siraulo ka talaga!!! " naasar na sabi ko sakanya.

" Kidding!  Go! get your man! " pagtataboy sakin ni zeke. Natulala ako sa sinabi niya.

" Ano tulala kanalang diyan? " hinawakan niya yung kamay ko at tinayo nag pagpag pa siya ng pantalon niya.

" I said...  GET YOUR MAN BACK!! " napatalon ako sa sigaw ni zeke halos tumingin na yung ibang tao samin.

Napaatras ako na nanlalaking mata sakanya hindi ko inaasahan na sasabihin ni zeke ito sakin. Hindi kona inaksaya pa ang oras tumakbo na'ko marami akong nabunggo at nahihirapan din ako makadaan dahil sa maraming tao.

Yung iba nagalit na sakin dahil natapunan ko yung isa ng juice sa damit humingi na muna ako ng pasensya at tumakbo na uli para hanapin si calix.

Hingal akong nagpalingon lingon dito para mahanap lang si calix.

" Sis there! " kalabit sakin ni cady at may tinuro. Ngumiti ako sakanya bago tumakbo.

Parang bumalik lahat lahat, napahawak ako sa singsing ko.

Napahinto ako dahil sa layo na ng tinakbo ko pero wala parin akong nakikitang calix.

" Bagal mo talaga tumakbo, nakita ko duon! " sigaw sakin ni zach na kumagat pa sa burger niya.

Takbo lang ako ng takbo dito hindi ko alam kung pinagloloko bako nila zach nyemas.

" Inhale... Exhale.... " sabi ni alex dahil parang kinakapos ako ng hangin.

" Oh tubig." abot sakin ni kyle. Nakalahati ko yung tubig at binigay sakanya.

" Konti nalang lakad kanalang." natatawang sabi ni alex sakin.

Hindi ko sinunod sinabi ni alex na maglakad nalang tumakbo parin ako hanggang sa makita kona yung likod ni calix na nakatayo.

Napangiti nanaman akong pagmasdan yung likod niya, gusto ko siyang yakapin mula sa likod niya.

Hahakbang na sana ako papunta kay calix ng tumagilid ito at may kahalikan.

Another shit again...


Taena ang layo ng tinakbo ko halos kapusin na'ko ng hangin dito tas ito maabutan ko?

Nakalagay yung kamay ni coleen sa batok ni calix habang si calix nakalagay yung kamay niya sa bewang ni coleen.

Yung totoo?  Nandito ba'ko para panoorin kung pano sila maghalikan?
Hindi ko kaya eh hindi ko kaya na makita sila parang pinupunit puso ko taena!

Nanlalabo mata ko hindi ko kayang i atras paa ko, sakit pre!  Sobrang sakit.

" Get your man back! "

Napapailing ako sa sinabi ni zeke sakin.

" You're weak... "

Dito na tumulo luha ko, hindi ko kaya...

Hindi ko kaya manlang pumunta kay calix at hilahin nalang siya dahil sakin naman diba siya? 

Hindi ko alam kung ginagago ba'ko nila, sana pala hindi konalang sila sinunod para hindi ko makita yung ganitong eksena para akong nanonood ng pilikula kung saan epal lang ako pagmamahalan nila.


"S-Sam?" nakatingin na sabi sakin ni calix, napabitaw siya sa pagkakahawak niya sa bewang ni coleen.

Gusto ko siya sampalin pero wala naman siyang kasalanan. Siguro nga ako yung may mali dito at tama din si zeke na napakahina ko. Hindi ko manlang bawiin yung mahal ko.

Tuluyan konang na atras paa ko ng humakbang si calix. Pinipigilan pa siya ni coleen pero tumakbo na'ko.

Great!  Panibagong sakit nanaman hindi kona mabilang kung ilan naba ito.  Wala nabang katapusan yung sakit para sakin?  Tagos na sa puso ko eh.

Pinunasan ko yung luha ko na naglalakad nalang napapagod na'ko tumakbo kanina pa. Alam mo yun?  Ang dami naniniwala sayo pero pagdating mona sa puntong iyon makikita mo yung mahal mo may kahalikan taena sobrang sakit!

" S-Sam! " hinawakan niya yung braso ko at hinarap sakanya.

" A-Are you o-okay? " tanong niya sakin.

Napangiti ako sa sinabi niya, lagi naman akong okay eh kailan ba'ko hindi naging okay?

" I-I'm fine... " pilit na ngiti ko sakanya.

" P-Please tell me the truth... "

Hinawakan ko yung pisnge niya at pinagmasdan yung mukha niya.

Bumaba ito sa labi niyang namumula na. Napayuko ako dahil sa nakita kanina.

" H-Hindi mo talaga m-maalala?  Kung ano ako sayo? " pagod na sabi ko sakanya.

Tiningnan niya ako na nalilito.

" Puntahan mona si coleen hinahanap kana nun. " sabi ko tatanggalin kona sana yung kamay ko sa pisnge niya ng hawakan niya yun at pinatiling nasa pisnge niya.

" H-Hindi ko alam... " malungkot na sabi niya na diretsong nakatingin sa mata ko.

" I'm sorry... "

Nang Dahil Sa NeargroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon