Chapter 42
Nakatayo lang ako sa gilid ni calix habang sinusuri siya ng doctor. Hindi ko ma express yung nararamdaman ko ngayon.
Gising na siya!
Paulit ulit ko sinasabi sa isip ko dahil sa tuwa rin na nararamdaman ko ngayon.
" Nasan ako? " tanong ni calix.
" Hospital..." ako na yung sumagot sa tanong niya.
" Sam? " nakanuot noo niyang sabi sakin. Tumango ako sakanya na may ngiti sa labi.
Lumapit ako sakanya para halikan siya sa noo, natigil naman siya sa ginawa ko.
" A-Anong ginagawa m-mo? " tanong niya sakin, nagtataka akong nakatingin sakanya.
" Where's coleen? " napahigpit yung hawak ko sa kamay niya.
"B-Bakit mo siya hinahanap? "
" Girlfriend ko siya sam, nakalimutan monaba? " para akong nawalan ng boses sa sinabi niya.
Napatingin ako kila zeke na nakatingin samin, Si kuya na umiiling.
Nangingilid yung luha kona tumingin uli kay calix.
" Ano? Bakit ganyan mukha mo? " sabi niya na nakitang malapit na'ko umiyak.
" a-ah wala, "
" Please call coleen, I need her... "
" S-Sige t-tatawagin kona.." ngumiti naman siya sa sinabi ko.
Lumabas ako ng kwarto ni calix para tawagin na si coleen. Nanginginig kong pinindot yung number ni coleen sa una binababaan ako pero ng pangalawa na-
" What do you wan't? "
" C-Coleen? Pwede kabang pumunta dito sa hospital? " sabi ko sakanya.
Sinabi ko sakanya yung nangyari samin at sinend yung address ng hospital.
Hinintay ko siya sa labas, wala akong lakas para pumasok sa kwarto ni calix parang bangungot lahat ng 'to.
" Where's calix? " bungad sakin ni coleen, tinuro ko sakanya yung kwarto ni calix.
Naunang pumasok sakin si coleen, nawala yung tawanan nila zach ng makita kami.
Hindi ko kaya i iwas yung tingin ko kila coleen na ngayong nakaupo na siya sa tabi ni calix.
" Baby! You came! " humalik si calix sa pisnge ni coleen bahagyang nagulat si coleen na napalingon sakin.
Bumagsak yung tingin ko sa kamay ko na may singsing.
Nandito ako calix...
Ako yung girlfriend mo..
" Sa'n ka galing? " umpisa ni calix.
Hindi kona kaya na makita silang dalawa, nag tungo ako sa rooftop nitong hospital.
Nan ti trip nanaman ba siguro si calix?
"Hey... " tabi ni zeke sakin.
" Bakit ganun zeke, "
" Niloloko lang ba'ko ni calix? " tanong ko habang pinagmamasdan yung mga bituin.
Hindi sumagot si zeke sa sinabi ko kaya napabuntong hininga nalang ako.
" Hindi mo kailangan na lagi akong i comfort umaabuso na'ko haha. " biro ko sakanya. Sana makahanap na siya na hindi siya sasaktan,hindi yung katulad kona laging sakit lang ang binibigay sakanila.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Neargroup
Teen Fiction" Do not talk to stranger! " My mom always saying that to me and I'm just ' okay'. its summer, too bored that time and my curiosity strike me. I saw something in my facebook, the logo got my attention so I immediately click the neargroup but am li...